[61] - He's Nothing

16.6K 121 10
                                    

CHAPTER 61

He's Nothing

Hinatid ako ni Luis sa condo. Bago pa man ako bumaba ay nag-usap muna kaming dalawa. We talked about the pictorial he was proposing a while ago. Kung pwede daw ba nya ako maging model. 

"I thought you don't take modelling shots?" tanong ko sa kanya. Sabi nya kaya noon, hindi sya kumukuha ng ganun.

"I told you...except you. Sige na, Ria. I'll take care of the outfit and make-up." sya daw bahala? Sa pagmamake-up? OMG. Marunong sya magmake-up?

"Hindi ako ang magmamake-up. Yung friend ko." sagot nya sa aking natatawa. Muntik na. Akala ko marunong sya. Nabasa nya ang isipan ko. 

Is it a yes or a no? Nagdadalawang isip ko. I can't see nor understand his whole point, ayaw naman nyang sabihin kung para saan naman ang pictorial na yan. Kanina ko pa sya tinatanong, pero basta daw. Malalaman ko rin. Kapag di naman ako pumayag, madidisappoint sya. Sayang pa ang effort nyang papayagin ako. I think, go ako. Payag na ako. Wag lang nyang ippublish talaga yan in public for unknown purposes.

"Sige na nga." 

"Yes! Ok, so see you tomorrow at 9." ang aga naman. Whole day ba ang photoshoot na ito? Jusko.

"That early?" 

"Yup. Mga 1 hour ang biyahe sa shooting place." I see. 

He already left. Thanks to him, I had fun today. Sana bukas rin. Tingin ko, it will be. 

Ako, si Georgina, na sumasanib na sa industriya ng modeling. Chos! 

--o--

Takte. Kanina pa nya hindi sinasagot ang tawag. Where is she? At kanina pa din ako text ng text sa kanya pero wala man lang reply. What happened to her? 

There is only one way to find out! 

--o--

DING DONG

DING DONG

DING DONG

Mygad! Sino ba yan? Kung makadoorbell eh parang wala nang bukas! Bwiset. 

Binuksan ko ang pinto without looking at the intercom. Pagkakita ko sa kanya, sumimangot ako. Ah, siya pala. Ang wala nang bukas makadoorbell.

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon