[79] - Gentleman VS Casanova

15.4K 149 26
                                    

CHAPTER 79

Gentleman VS Casanova

Right after Luis and I talked, I headed straight home. I mean in my condo. I slammed myself on the bed and buried my face on my pillows. Ayoko ng mag-isip. Pagod na ako. I had so much for this day. I wanna rest. 

And with that I closed my eyes and went to bed. 

--o--

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nawalan kami  ng communication ni RJ. He never texted me nor called me. As in walang sign of RJ in my inbox. I didn't dare take the initiative to text or call him. Basta ko na lang hinayaan. To tell you the truth, each day is killing me. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Walang araw na hindi ko sya namimiss. Halos mabaliw na talaga ako sa kakaisip sa kanya. Wondering how is he doing or what is he doing. 

Bakit ganun? Natiis niya akong hindi kontakin? Ang ibig sabihin ba talaga nito wala na? Tuluyan na ba siyang nilamon ulit ng nakaraan niya? This thought really makes me cry. Gusto kong umiyak pero pinipilit kong magpakatatag kahit sobrang nahihirapan na ako. I miss him so much. My life became really boring without RJ around me.

"Haay, Gina. Stop thinking about him. Kaya nga nandito tayo para magrelax." sabi sa akin ni Kristel. She asked me out last night. Sabi nya maghot spring daw kami. Kaya ito, dito ang bagsak namin ngayon. Walang epekto sa akin ang pagrerelax namin na ito.

"I miss him so much, Tel." bulong ko. Sumimangot na tuloy ang best friend ko. Nagpapakita na naman siya ng awa sa akin. Leche. 

"I feel you, Georgina. I know it hurts but please...take care of yourself. Kung hindi pa kita niyayang lumabas ngayon, mabubulok ka na lang sa condo mo. And then what? Malalaman na lang namin na may nangyari ng masama sa'yo?" what? Concern na concern pa ang tono ng boses nya pero sa huli may dinagdag pa syang baka may mangyari sa aking masama. What is she thinking? Na magsusuicide ako? Hell, no. Ba't ko naman gagawin yun? "Your birthday is just a few days away. Hindi ka dapat magmukhang wasted."

I rolled my eyes. Palibhasa masaya sila ni Ynigo kaya nya ako ginaganito ngayon. Hays, nakakainis lang itong best friend ko. Dinala ba talaga nya ako dito para magrelax o inisin? Oo nga pala, malapit na ang birthday ko. Another year to get older. 

"So, what are your plans for your birthday?" 

"Nothing." I answered as I submerged my body under the water. I don't have any plans. But I do have a birthday wish. Na sana...maging maayos na ulit kami ni RJ. Ayoko ng ganitong setup. Ang walang communication. 

--o--

Kanina pa ako nakatitig sa mini calendar ko. Binibilang ang ilan pang araw na natitira. 

CRY OF THE CASANOVA [Ms.Fearless VS Mr. Casanova, #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon