"Gusto kong subukang mahalin ka, kaya lang natatakot ako kasi baka katulad ka din niya..."
April XX, 20XX
Heto ako, nakaupo sa isang sulok. Naririnig ko ang mga sigaw at hiyawan ng mga taong naghihintay sa paglabas ng aming banda. Pumapatak na ang mga pawis at ramdam ko ang kabog sa aking dibdib. Handa na ang lahat at magsisimula na ang isa sa pinakamalaki at inaabangang concert sa buong bansa.
"Sky, ready ka na bro?" Tanong ng kaibigan kong si Tristan.
"Di ko alam bro. Ewan. Bahala na." Sagot ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Bro, mag-focus ka na lang muna sa concert ng banda, okay?" Ngumiti siya at binigyan ako ng tubig.
"Sige" Kinuha ko ang aking gitara at uminom ng tubig. "Bro, di ko talaga kaya eh?" Sinuntok ko yung pader at agad naman akong pinigilan ni Tristan.
"Bro, alam kong mahirap yung dinadamdam mo, pero wala tayong magagawa, di na natin to pwedeng I-cancel. Mamaya bro, pag-usapan natin yan" Sabi niya. Napaluhod ako bigla at nagulat ako nung dumaloy yung mga luha mula sa aking mga mata.
"Ang tanga ko kasi bro. Ba't ko pa kasi sinisisi yung past na yun. Pucha." Di na sumagot si Tristan at pinatayo niya ako. "Sorry." Pinunasan ko yung luha ko.
"Ano? Ready ka na?" Tanong niya.
"Tara."
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga taong naghihintay sa paglabas namin. Most-awaited ang concert at kailangan kong gawin ang lahat. Biglang namatay ang mga ilaw at pumunta na kami sa aming mga puwesto. Pagkalipas ang sampung minuto ay magsisimula na kami and I know that I'm not yet ready. Gulong-gulo pa rin ang puso't isipan ko, hindi ko alam kung kinakabahan ako o natatakot lalong hindi ko naman first concert ito. Tulala at balisa, halos di mapakali. Is it because you left me? Iniwan mo akong mag-isa. Iniwan mo pa ako kung kelang napakabigat ng pinagdadaanan ko. I know ngayon, I'm broken and I feel like dying. Hindi ko kayang mag perform sa gitna na wala ka sa harapan ko. Ikaw lang ang inspirasyon ko at buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako. You are the only reason why I sing and why I am doing this.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba ito o hindi. Bago pa mag simula ang lahat ay agad kong ibinaba ang gitara at tumakbo palabas papunta sa parking lot. Hinabol ako ng mga kasama ko. Agad kong pinaandar ang kotse ko at nag drive papunta sa airport, kung saan naghihintay ang taong mahal ko sa flight niya. Hindi ko kakayanin na mabuhay pa kung wala siya sa tabi ko.
Hindi ako susuko, ibabalik ko siya, kahit na mawalan pa ako ng trabaho.
Ibabalik ko ang lahat.
Hindi ko nararamdaman na mabilis na pala yung pagpapatakbo ko ng sasakyan. Wala na ako sa sarili ko. Ang tanging iniisip ko ay maibabalik ko yung mahal ko, na hindi niya ako iiwan. Alam kong mahirap, lalo na pag hihingi ako ng patawad, wala ring mangyayari, pero gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Pagdating ko ng airport agad akong tumakbo papasok. Hinabol ako ng mga security guard, ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nakikita ko na sa malayo yung taong mahal ko, nakatayo, naghihintay. Pero bago pa ako makapasok sa terminal ay bigla akong nahuli ng isang guard.
"VENICE!" Sumigaw ako.
BINABASA MO ANG
My Song Your Song
RomanceMusic has always been a part of my life, in fact, ito yung dahilan kung bakit ako naiinspire at nammotivate sa lahat ng bagay sa buhay ko. Through music, I can express and unleash everything, I'll just put my earphones on and close my eyes, then I'l...