Chapter 5

9 0 0
                                    

Hindi ko pa rin makakalimutan yung trip ko kanina kay Venice. Pero, bakit ganito? Medyo nakokonsensya ako and I feel something weird. Well, revenge ko na lang yun sa kanya.

I smiled.

"BRO!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin. Ang sarap-sarap ng tago ko tapos biglang manggugulat. Anak ng tofu ba naman?!

"Ano ba naman bro!? Mamamatay ako nito ng maaga eh!" Tumayo ako.

"Eh?" Tristan gave me a weird look.

"Baliw!" Sinigawan ko siya. "Nagtatago ako kay Venice, pinagtripan ko yun eh!" Dagdag ko.

"Eh Bro, parang napapdalas na yang pag-aaway niyo ni Venice ah. Baka mahulog ka na niyan sa kanya!" Ngumiti ito na parang inaasar ako.

"Psh!" Umupo ako. "Ikaw lang." I smirked.

"The more you hate the more you love" Sabi niya.

Tumawa ito, napakababaw, nakakatawa kasi yung sinabi ko. Hay na lang Tristan ka. Weirdo.

"Tara na nga, uwian na, kanina pa ako nagtatago. Punta tayo ng mall, ang init eh." Sabi ko.

"Affected kasi ng hotness ko ang buong Pilipinas." Ngumiti ito at proud na proud sa sinabi niya. Nakakasuka bro, honestly.

"Pwe" Sabi ko sabay dura at naglakad ako.

"Hahaha! Hintay!" Inakbayan niya ako.

Naghihintay na sa labas ang aming sasakyan. Magpapahatid kami sa mall, eh kesa naman mag jeep pa kami na sa sobrang init ng panahon.

Naiisip ko pa rin kung anong nangyari kay Venice at kung anong mangyayari kapag magkikita kami. I just can't stop thinking of it right now, as if kasi nakokonsensya ako. Kunwari lang naman. Eh kasi, ako na lang palagi nakikita nun at halos araw-araw na lang kaming nag-aaway, hindi naman kami close.

Di'bale na.

Pagdating namin ng mall, agad kaming kumain sa isang restaurant. Ang takaw2x talaga nitong si Tristan, ang dami ba naman ng inorder.

"Bro, napag-isipan mo na bang kumanta para sa station?" Biglang tanong sa akin ni Tristan. "Sorry, pero bro, ang dami mo na kasing fans eh. Araw-araw silang nag rerequest and nagmmessage, lalo na yung isa mong fan na si, uhmm, LadyFox. Yeah, siya. And nakita mo na ba yung page mo sa fb? Siya rin gumawa nun." He added.

"Bro, to be honest, naappreciate yang mga efforts nila, lalo na si LadyFox na yan. Pero, I've already decided na iwan na ang world of music eh. And last time, pinagbigyan ko kayo kasi yung nga, mga kaibigan ko kayo." I said.

"Pero bro, isang magandang opportunity to. I mean, oo, mahirap mag move on, pero pwede mo namang i-try ulit diba?" Sabi ni Tristan

"Okay bro, pag-iisipan ko" Sabi ko.

Honestly, parang gusto ko ring balikan yung world of music. Pero yung pain hindi matanggal eh. Madali lang magsalita, mahirap gawin and totoo yan. Ikain ko na lang muna to.

I laughed inside.

BIglang tumigil sa pag kain si Tristan and he pointed at something or someone sa likod ko. Na curious naman ako and paglingon ko, napalunok ako.

"Bro, what the! Bakit siya nandito, may atraso pa naman ako sa kanya!" Yumuko ako ng konti para makatago kay Venice, and tinuloy ko pa rin ang pag kain.

"Ewan ko!" Baliw talaga to, nakisakay lang.

"BIlisan na lang natin bro." Sabi ko.

"Teka, paano ako?" Sabay turo sa mga inorder niyang pagkain.

"Yan kasi eh! Ang takaw mo. hahaha! Bahala ka diyan, basta ubusin mo yan within 5 minutes." Sabi ko sabay subo ng pagkain.

"Ano ba yan!" Binilisan rin ni Tristan ang pag kain.

Nagulat na lang ako, ng biglang dumaan malapit sa amin sina Venice at ang kaibigan niya. Yumuko ulit ako para di niya ako ma pansin.

"Lord, wag naman sana. Wag!" Tahimik akong nagdasal, na sana hindi niya ako makita.

Nakayuko ako habang kumakain, and lalo kong binilisan. Pagtingin ko, dun sila mismo sa harap ng table namin naka pwesto, and ka face to face ko si Venice.

Badtrip!

"Bro tara na, I-take out mo na lang yan." I whispered.

Kinakabahan na ako kasi baka makita ako ni Venice and kung ano naman ang mangyayari sa aming dalawa.

Phew!

"Tara na bro. Tapos na" Dahan-dahan kaming tumayo ni Tristan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Sky!?" Hindi ako lumingon and binilisan na lang namin ang paglakad. "Sky!!" Sigaw nito.

"Bro, tara na! Takbo na!" Tumakbo kami ni Tristan palabas ng mall and hindi na kami hinabol ni Venice.

Agad kaming pumasok sa sasakyan. Hindi ko alam if tatawa ako or makokonsensya sa nangyari, pero yun ang nararamdaman ko ngayon eh.

"Phew! Damn! Sakit ng tiyan ko bro!" Sabi ni Tristan.

"Ano na lang kaya ako, lahat ng kinain ko nalaglag. Hahaha!" Sabi ko.

"I-tae mo na yan"

Sinuntok ako sa braso at sabay kaming tumawa.

"Tara, uwi" Sabi ni Tristan.

Naiisip ko pa rin ang kasalanan ko kay Venice. Sobra na ata yung trip ko sa kanya, and I know na hindi yun nakakatuwa.

I sighed.

Teka, nakonsensya pa ako. Himala.

Nakauwi rin. As usual, pagod at haggard. Pagpasok ko ng pinto ay agad kong binati si Mama ng ngiti.

"Oh! Sky, saan ka galing?" Tanong ni Mama.

"Nag-mall lang po, kasama si Tristan." Sagot ko.

"Si Tristan ba, o?"

"Ma naman eh, wala akong girlfriend ngayon."

"Hahaha! Biro lang. Sige na, magpahinga ka muna."

"Sige po."

I sighed.

Girlfriend po ba ma? Ni-hindi nga ako mka move on sa past ko, maghahanap pa ako ng bago?

I sighed again.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nag internet. Napapansin ko, padami ng padami tong likes sa fan page ni Guitar Prince ah. Grabe yung admins, napakasipag, Salamat talaga guys. Pero malas lang kayo, di niyo kilala si Guitar Prince.

I laughed.

Tumingin ako sa guitar ko and di ko napansin na tulala na pala ako. Some things went into my mind. Kakanta ba ako ulit? Like what I used to do? With my band?

Haaaays...

I'm really confused right now and parang sasabog tong utak at puso ko. Di ko alam kung bakit, pero all I feel right now is both pain and happiness, nakakalito.

Pero, If because of that past, iniwan ko ang music, what if babalikan ko ang music and maybe dahil sa music makakalimutan ko yung past na yun?

AH! Ang gulo!

Itulog ko na lang to.


My Song Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon