"Bro!" Laking gulat ko at akala ko kung sino yung tumawag sa akin. Nakaupo lang ako habang tumutugtog ng gitara at nung tinawag ako, napalingon ako bigla. Si Tristan lang pala, kaibigan ko. Huhulaan ko, hihiram naman siya ng homework ko. Tamad kasing gumawa at palagi na lang umaasa sa akin. Di bale na, kelangan naming maka graduate ngayong 4th year at dapat teamwork na lang.
"Oh? Ano yun?" Sabi ko.
"Alam mo na yun bro" Ngumiti siya at tama nga ang hula ko, homework nanaman. Agad kong binigay sa kanya ang notebook ko at mabilis siyang kumopya.
"By the way, na try mo na ba yung sa school radio natin?" Sabi niya.
"Huh?" I gave him a confused look. "Teka? Yun ba yung kakanta ako? Bro! Hell! No! I'm not good at singing." Depensa ko.
Tumawa ito and patuloy pa rin sa pagkopya sa notes ko.
"Gago to!" Sinuntok ko siya sa braso at tumawa ako.
"Try lang naman eh! Wala namang masamang mag try di ba?" Sabi niya at binalik niya sa akin ang notebook ko. "Just try it bro, you'll never know" He smiled.
I smirked and looked at him.
"Ikaw kaya mag try?"
"Lol! Sige na kasi! Sasabihin ko mamaya kay Klein na mag t-try ka. Geh!" Agad siyang tumakbo. Sinubukan ko siyang habulin ngunit di ko na tinuloy, as if may pumipigil sa akin. Napaka "ambisyoso" ko naman para mag try dun, and HELL! As what I have mentioned, I'm not good in singing.
As if.
Siyempre kinakabahan rin ako kasi baka kung ano na pinagsasabi ng lokong yun kay Klein.
I sighed.
Pumunta ako sa room para hanapin si Tristan, ngunit wala siya doon. Bigla kong naisip ang sinabi niya kanina na kakanta raw ako sa school radio namin. Agad akong tumakbo papunta sa station ng school radio namin.
"Shit! Pag mangyayari lang yun! Lagot ka talaga sa akin Tristan!" Lalo kong binilisan ang pagtakbo.
Karga-karga ang gitara ko, tumakbo ako papunta doon, nang bigla kong nabangga ang isang babaeng nakatayo sa dadaanan ko.
"Ugh!" Pagkabukas ko ng aking mga mata, nakita kong nakaupo sa sahig yung nabangga ko. Agad kong kinuha yung gitara ko and lumapit ako sa girl. "Miss! I'm sorry! Are you okay?" I asked her. She seems to be okay and tinulungan ko siyang tumayo.
"Uhhh! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!" Sinigawan ako.
"Sorry nga! Nagmamadali kasi ako!" Napasigaw rin ako. Bigla kong narealize na ginawa ko yun.
"Ahh? So ikaw pa may ganang magalit?" Lumapit siya sa akin.
"Sorry nga eh!" Sabi ko. Inilapit ko yung mukha ko sa kanya. "Sooorrry! Okay?" Dagdag ko.
Hindi na siya nag react after nun and bigla na lang umalis.
Ang malas naman ng araw ko. Pero actually ang cute nung girl, especially pag nagagalit. AH! nevermind. Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad pumunta sa station.

BINABASA MO ANG
My Song Your Song
RomanceMusic has always been a part of my life, in fact, ito yung dahilan kung bakit ako naiinspire at nammotivate sa lahat ng bagay sa buhay ko. Through music, I can express and unleash everything, I'll just put my earphones on and close my eyes, then I'l...