Chapter 4

10 0 0
                                    

Pagpasok ko ng gate, agad kong nakita si witch. Kasama niya ang mga friends niyang witch din. 


Joke.


What a nice day, na f-feel ko na lucky day ko ngayon. I feel motivated, inspired na ewan. I really dont know why kung ano itong nararamdaman ko and kung anong tumutulak sa akin na maging ganito. I feel like smiling the whole day. This is great!


"Bro! Good morning! Mag s-start na pala ang classes" Out of nowhere biglang lumitaw tong si Tristan. He's like an invisible man. Hindi mo alam na nandiyan lang pala. Biglang lalaho, biglang lilitaw. Ewan ko sa yo bro.

 "Yanga eh." I Smiled

 Hinawakan niya ang mukha ko. "Bro! Anong nakain mo? Angweird mo ah. Kakaiba yang ngiti mo. Inspired? Kahapon parang ang down mo then ngayon iba!" Tumawa kaming dalawa.

 "Why? Masama ba?" Inakbayan niya ako and sabay kaming naglakad papunta sa aming room.


 Pagpasok namin ng room, tamang tama, wala pang masyadong estudyante. Tingin-tingin muna if may changes sa mukha ng mga classmates or wala. I chose a seat na malapit sa bintana. I used to sit sa ganyang part ng room, para always senti mode, emo raw. And palagi akong nagd-daydream eh.

Sa harap naman ng seat ko nakaupo si Tristan. Pa-emo rin daw. Kunwari.


"OH MY GOSH!" May biglang sumigaw. Nagulat naman kami and hinanap ko kung sino ang sumigaw na yun. 

"WHAAAAAT!!!?" Sabay kaming sumigaw. Si Witch, kaklase ko!? NO! Hindi pwede! World War III na to!

Naglakad siya papunta sa akin. "Don't tell me!?" Tumayo ako.

"MAG CLASSMATES TAYO!" Sigaw ko.

"Eh, malamang, nandito ka nga eh" She smirked. "See? Tama nga prediction ko."

"Ah basta! Bahala na!" Umupo ako at tumingin sa labas. Badtrip naman oh, siya pa. Kasama ko sa room.

Tama nga yung sinabi niya sa akin kahapon na baka mag classmates kami. How I wish na papalitan yung section ko. I don't want to be in the same class with this witch.

 "Well, let's see Mr. Sky" Umupo siya next to my seat.

Uh! Diyan pa! Lalo tuloy akong na badtrip. 

 I sighed.

Wala eh, nangyari na eh.

 "Bro sino yan? Mukhang di kayo magkasundo ah" Tanong sa akin ni Tristan. 

 "Lol! Bro? Tanga lang? Tinanong mo pa bro. Si Venice, witch ng campus" Tumawa ito ng malakas. Agad kong tinakpan ang kanyang bibig. "Gago! marinig tayo!" Tumawa kaming dalawa.

 "Pinag-uusapan niyo ako?" Tanong ni Venice. She gave me a weird look.

 "Wala wala!" Sagot ni Tristan. Ngumiti kaming dalawa and bumalik sa aming upuan. 

 After a few minutes, dumating na rin ang iba naming mga classmates and yung adviser namin. Hanep, magpapakilala daw kami. Anong nobela naman kaya ng buhay ko ang aking ang ikukwento. Bahala na, kung ano lang ang maiisip ko mamaya yun na lang.

Unang magpakilala si witch. Ngumiti ako sarcastically and tiningnan ko siya . Medyo nahihiya pa itong tumayo. Wow! Shy type kunwari, pa cute pa more.

Sarap sapakin! ARGH!

"Good morning everyone. I'm Venice Katelyn Dela Rosa. Transferee ako and I hope na we could get along with each other. I'm expecting na sa room na ito lahat tayo magkakasundo." Tumingin siya sa akin, eksakto sa word na magkasundo and agad akong tumingin sa ibang direction. "I love to read books and write stories. Well, that's all, I guess. Thank you so much!" And ngumiti siya. Angelic smile pa ang ginawa. Ang mga lalaki kong classmates nagsisigawan ng "CHICKS! HANEP!" Chicks ba yan?

My Song Your SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon