Chapter 9

65 1 0
                                    

Sino dito pumunta sa Super Junior Convention kanina? Waaaaaa Andun ako! XD

Btw, ang gwapo ni kurt, si kurt lang pinunta ko dun! Hahaha maka-VIP ako eh. Loyal pa rin ako kay TOP! Mehehe. 

Read na guys. XD

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Gabi na nang nakarating ako sa bahay na tinutuluyan namin ni Finn at nagulat ako nang makita ang mga gamit ko na nakakalat sa harap ng bahay. Agad agad akong pumasok sa loob dahil may narinig akong sigawan.

"Wag na wag niyong gagalawin si Andrea!!"

"Finn!! How dare you talk to me like that?!?! Hindi kita pinag aral sa amerika para balikan ang ulilang babaeng yan! Magpapakasal ka kay faye sa ayaw at gusto mo."

"Mahal ko si Andrea! Hinding hindi ako magpapakasal  sa iba! Matagal akong nagtiis para makasama lang ulit siya. Kaya kahit ano pang sabihin mo hindi Kita susundin!" 

"Pagkatapos kitang ilabas sa ampunan, bihisan, pag aralin at bigyan ng magandang buhay yan lang ang isusukli mo sakin?! Ako ang masusunod sa ayaw at gusto mo!!" 

"Pamilya ang hinahangad ko noon at hindi ang pera niyo!"

"Finn!!" pinigilan ko na siya bago pa siya makapagsalita ng bagay na ikasisira ng meron siya ngayon

"Andrea.." 

"Finn.. Sumunod ka na sa mommy mo.. Wag ka ng matigas ang ulo.." 

"Hindi mo ba narinig andrea? Mahal kita! At handa akong iwanan ang buhay na meron ako ngayon para hindi ka na mag iisa!"

"Finn.. Kahit malayo ka sakin hindi ko naramdaman na nag iisa ako.. Alam kong palagi ka lang nasa tabi ko. Finn.. Para na kitang kapatid.."

"Ok lang sakin kahit hindi mo ako mahalin. Maghihintay ako."

"Finn.. Sumunod ka nalang sa mommy mo. Mas maganda ang buhay na nakalaan para sayo.. Hindi naman ako mawawala eh. Ako parin ang bestfriend mo.." 

TAME THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon