Naglalakad na ako papasok dahil walk in distance lang naman ang bahay ni mama alfie sa university na pinapasukan ko. Sinabihan niya rin ako na magpahatid nalang sa driver pero tumanggi ako, aksayado kaya sa gas!
May biglang humintong big bike sa harap ko. "Hey hop in."
"K-krade?"
"Bilisan mo at may pag uusapan tayo." sumunod na rin ako dahil gusto kong malinaw ang lahat kung bat parang galit siya sakin. Sinuot ko na yung inabot niya sakin na helmet at sumakay na
Pumasok kami sa loob ng gate ng naka motor dahil nandun pa sa loob yung parking.
"Kyaaaa. First time na nagmotor si krade!"
"It means yang weirdo ang unang naka angkas?? No way!"
"Such a flirt! Hampas-lupa!"
Hindi ko nalang sila pinansin at sinundan ko si krade pa-akyat. I realized na patungo siya sa ibang way.
"Mauna ka na. May gagawin pa ako." huminto siya sa paglalakad at humarap sakin
"Diba mag uusap tayo?"
"Nevermind that."
"O-ok.." tumalikod na ako, ang weird niya talaga -.-
"Andrea.." nagsalita ulit siya kaya napatigil ako sa paglalakad
"Oh?" haharap sana ako pero bigla niya akong niyakap, bale nakatalikod pa rin ako at nakayap siya sa likuran ko
"K-krade??"
"I'm sorry if I gave you a cold treatment for the past few weeks.." napakaseryoso ng pagkasabi niya kaya medyo awkward
"Haha ano ka ba? Wala yun."
"Andrea.. I like you." ano bang sinasabi neto?
"Ahh.. Pangalawa na yan ha. Bakit? Dahil ako palang nakaka-kontra kay cotton candy?" dinaan ko nalang sa biro, ang awkward kasi eh
"No. I LIKE YOU" he emphasized
"Pero krade ikakasal na ak-"
"Do you like him?" hindi ko masagot dahil hindi ko pa nakikilala yung pakakasalan ko
"Y-yes.." nagsinungaling nalang ako, hindi ko rin alam kung pano i-explain sa kanya yung nangyari
"Ok. Desisyon mo yan. Sana nga lang wag mong pagsisihan sa huli."
"Kra-" tumakbo siya at lumiko kung saan
Anyare dun?? Teka, he likes me daw?? Ewan. Ang weird ng mga tao ngayon.
Pumasok na ako sa room at nakita ko yung katabi ko na hinahagisan ng chalk yung upuan ko kaya tuloy puro chalk dust na yung upuan ko. Wala ng iba kundi si halimaw na cotton candy ang gumagawa nun.
"Hoy! Ano nanaman bang trip mo sa buhay at pinagdiskitahan mo yung upuan ko?" pagkasabi ko nun umupo siya ng maayos at humarap sa unahan at nagsukbit ng headphones sabay smirk
Ano bang trip neto? Isip bata am. -.-
Tahimik lang yung halimaw buong maghapon. Kung hindi tulog nakasukbit naman ang headphones. Yung mga prof naman nakikita na nga siya hindi naman sinisita. Mabuti ng ganyan siya kesa nambibwisit.
A.P na ang subject namin ngayon at itinapat pa talaga sa oras na 2 to 3. Kaya naman halos lahat kami nilalabanan ang antok. Napatingin naman ako sa isa kong kaklase, yung nerd. Oy ah, hindi naman ako weird gaya ng tawag sakin ng iba. May mas weirdo pa sakin at yun nga yung nerd kong classmate. Attentive siyang nakikinig sa prof at nagulat kami ng biglang nagsalita ito at kahit ikaw hindi mo magugustuhan at aabangan mo talaga siya sa gate.
"Sir? Pwede po ba pa extend yung class niyo up to 4:30? Napakaganda at interesting kasi yung topic mo eh." at kaboom nagising kaming lahat at yung iba binubulyawan na yung eps namin na kaklase
At ang mas worse pa dun ay pumayag yung prof. Wala kaming ibang nagawa dahil feeling major at terror pa yung prof na yun. Ewan ko nalang. -.-
Kung gayahin ko nalang kaya si cotton candy? Ok matutulog nalang din ako. Kung masisita man ako may kakampi ako dahil tulog si cotton candy. Kinalabit ko siya pero hindi umimik, it means mahimbing ang tulog niya. Ayos to.
Dinukdok ko na yung mukha ko sa mesa at sinara ang aking mga mata. Waaa. ansarap sa mata ang nakapikit lalo na at antok na antok ka talaga. Nung medyo nakaka-iglip na ako may kumalabit sakin.
"Ano ba.. Istorbo naman oh." sinagot ko yung kumakalabit ng hindi inaangat yung ulo ko
Isa pang kalabit.
"Tsk. Sinabing natutulog eh!" bumangon ako at nakita ko yung terror prof ko na nakatayo sa harap ko at nakaturo yung hintuturo niya sa pintuan palabas.
"Get out Ms. Ponce." omo..
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo at lumakad palabas. Umupo ako sa upuan sa labas at naalala ko na natutulog din si cotton candy pero bakit ako lang yung pinagalitan? Sumilip ako sa bintana at nakita kong nakatingin siya sakin sabay...
Dumila siya sakin na parang bata. Walangya. Nang asar pa. Bakit hindi niya man lang ako ginising kanina? -.- Putulin ko yung dila niya diyan eh!
Dahil nakakaasiwa yung mukha niyang mapang-asar, tumalikod na ako at lumakad. Sa library nalang ako maghihintay hanggang mag uwian na.
Lalakad na sana ako nang makarinig ako ng malakas na balibag ng pintuan. Lumingon ako sa classroom namim at nakita kong lumabas si cotton candy, bitbit niya yung bag niya at bag ko???? O.O
Lumapit siya sakin at ihinagis sa akin yung bag ko at bag niya. Hinila niya ako paalis at narinig ko naman yung galit na galit naming prof at sinisigawan si cotton candy. Ewan ko pero nagpahila narin ako dahil sa bored ako at nagugutom na rin. Huminto kami sa parking at kinuha niya sakin yung bag niya at sumakay siya sa big bike niya at humarurot paalis.
Pakisabi ng sakin kung anong nangyare? Ano yon dinala niya ako dito para lang may magbitbit ng bag niya tapos iiwanan ako ng ganun lang? Kutusan ko kaya siya!!!
Dahil sa badtrip nagdecide nalang ako na pumunta sa malapit na park na may nagbebenta ng dirty icecream. Pampawala BV ang icecream kaya bumili ako.
Bwisit yung halimaw na yon. Kapag nakita ko ulit siya talagang kakalbuhin ko yung color blue niya na buhok! Nakakita naman ako ng cotton candy kaya lumapit ako. Stress reliever din to. Bumili ako at yung color blue yung nabili ko. Yun lang kasi ang available na kulay.
Umupo ako sa pinakamalapit na bench dun sa may damuhan. Tinitigan ko yung cotton candy at inisip kong yun si halimaw kaya marahas kong kinain to. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan dahil galit na galit akong kumakain ng cotton candy. I dont care kung isipin man nila na mukha akong patay gutom. Eh inis ako sa halimaw na yun eh!
Nang maubos ko na yung cotton candy na kinakain ko nag-stay pa ako sa bench dahil masarap yung simoy ng hangin. Naramdaman kong umuga yung inuupuan ko. Lumindol ba?
Inilabas ko yung cellphone ko at naglaro ng games at hindi ko sinasadya na nabitawan ko yun. Kukunin ko na sana yung cp ko nang may namataan ako na color blue sa bandang likod ng inuupuan ko. Nailaglag ko ba yung cotton candy na kinakain ko kanina? Halaaa bawal pa naman magkalat dito sa park na to. Kinuha ko yon ng nakaupo parin at...
"P*tngnaaaa!! Buhok ko! Bitaw!!!" napabitaw ako nang may biglang tumayo
"IKAW?!?!" we both said in chorus
"Sinusundan mo ba ako?!" singhal ko sa kanya
"Wag ka ngang feeler diyan! Mahal tong pagpapasalon ko sa buhok ko kaya wag mong mahawak-hawakan!"
"Pfft." salon daw? Ang gay naman. XD
"Salon for men!!! Wag ka ngang ngumisi diyan mukha kang asong ul*l!" tss ang bad talaga ng bibig ng taong to, sarap i-sprayan ng lysol para luminis eh
CUT! Continuation will be on wednesday dahil bukas may pasok na at sa wednesday wala kami. Yay! Then sa thurs, friday at SATURDAY :( exam namin. Huhu saklap. K.share.
Enjoy reading!
COMMENT
BE A FAN.
LOVEYAH!
~MissOdriew
BINABASA MO ANG
TAME THE GANGSTER
RomanceMeet Andrea, the one who will tame the GANGSTER named SD. Will she be given a chance to be loved back by a pathetic, rude, heartless, immature GANGSTER?