"Care to explain what's happening a while ago?" sabi ko sa lalaking kanina pa balisa at pabalik balik ang lakad
"Don't panic please?" sa wakas nagsalita na din siya
"Sino kaya ang nagpa-panic sating dalawa?" batukan ko to eh! Don't panic daw eh siya tong balisa at hindi mapakali -.-
Naupo siya sa upuan na nasa harap ko at nagsalita. "Look... That girl is my ex girlfriend.."
"Then? She's just an ex. What are you worrying about?"
"She's not just an ex! She's... Some sort of a crazy girl.."
"Eh ano naman ang kinalaman ko sa kanya??"
"Nakita niya tayong magkasama, at nakatira pa tayo sa iisang bubong. Sa tingin mo anong iisipin niya?"
"Na makapal mukha ko kasi nakikitira lang ako?"
PAK! "Araaay.. Nagtatanong ka eh!" i pouted, nabatukan tuloy ako
"Bopols mo talaga, scholar ka pa niyan ah." oo na po -.-
"What I mean is delikado kapag nakilala ka niya dahil aakalain niyang girlfriend kita and for sure ikaw na ang susunod na bibiktimahin niya."
"Girlfriend? Biktima? Edi sasabihin ko mag bestfriends lang tayo! Totoo naman diba?"
"Bestfriends??" biglang lumungkot yung mukha niya
"Oo, ano pa ba?" napaiwas siya ng tingin, problema niya?
"Ok. Basta I'm warning you. Mag ingat ka nalang sa kanya. Hindi natin alam kung anong kaya niyang gawin." kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Anong kaya niyang gawin?
----------------------
Monday morning at antok na antok parin ako dahil napuyat kaka- aral. -.- Sumalampak nalang ako sa mesa ng upuan ko at sinamantala ang oras para umiglip
BLAG!
"Ahhhhhh!" araaaay.. May malakas na bumangga sa upuan ko kaya napaupo ako sa sahig, sino ba yung istorbong yon?!?!
Tinignan ko sa likod at may dalawang nag-aaway. Isang kaklase ko at... Si cotton candy guy.
Grrrrrrrr! Nakakakulo talaga ng dugo ang lalaking to! makikipagbugbugan na nga lang mandadamay pa ng iba!
"Hoy!" tuloy pa rin siya sa pagbugbog sa kawawa kong kaklase.
"Hoy ano ba!" hinila ko siya palayo sa kaklase namin dahil puro sugat na ito
"What the heck is your problem?! Wag kang makialam dito!!" marahas niya akong tinulak palayo sa kanya kaya napaupo ako at tumama sa mga upuan
Nagulat ang lahat sa nangyari at ako naman ay hindi pa rin makatayo dahil sa sakit ng katawan. Yung halimaw naman ay nakatayo at nakatingin lang sakin pero nakakunot pa rin ang noo.
Ay ano? Hindi niya ako tutulungan? Pagkatapos ng kabrutalan na ginawa niya? Pinilit kong makatayo at lumapit sa kanya.
"You know what? Napakasama ng ugali mo. Gay ka ba? Lahat nalang ng tao sinasaktan mo ultimo babae hindi mo pinapalagpas."
"Mind your own business slut." araay. Ang sakit kaya matawag ng slut tapos lalaki pa nagsabi
"bawiin mo yung sinabi mo kung hindi!"
"Kung hindi ano? Ano kaya mong gawin?!"
Anong kaya kong gawin? You'll see.
I leaned closer to him and... Blag!
"Awwwwww!" yan nalang ang nasabi ng mga nanonood samin
Tumalikod na ako at umupo.
"What are you looking at?!" iika-ika siyang lumapit sa akin dahil namimilipit pa rin ang sinipa ko sa kanya, ano yon? Edi ung weakest point ng mga lalaki. --,
Nagulat naman ako nang hinila niya ako papalabas ng room at nagtungo sa ibang room pero mukhang abandonado yon. Isinara niya ng malakas yung pinto at kinandado yon. Nakaramdam naman ako ng takot dahil kaming dalawa lang ang nandito at hindi ko alam kung anong gagawin niya.
"Talagang inuubos mo ang pasensya ko Ms Ponce." itinulak niya ako sa pader at ihinarang sa magkabilaan ko ang mga kamay niya
"A-ano bang gusto mo?!" tinapangan ko ang sarili ko para hindi niya isiping takot ako sa kanya
"Anong gusto ko? Makaganti sayo. Dalawang beses mo na kasi muntik sirain ang gwapo kong mukha at ngayon naman may balak ka pang baogin ako?"
"Anong dalawa?! Oy isang beses lang kita sinapak at yung ngayon ah!"
"Anong isa lang? Don't you remember the first time we met?!"
"First day yun bakit?!"
"It's the second time miss ponce. Di mo ba natatandaan?" umiling lang ako, ano bang Pinagsasasabi nitong halimaw na to?
"Eh ba't naaalala kita? Diba ikaw yung babae sa clipper na nakikipag-agawan sa isang minion? Eh hindi mo naman afford tapos nakikipag-agawan ka pa. Tapos diba bago ka umalis nag iwan ka pa ng souvenir sa gwapo kong mukha no?"
Oh no.. Oh no... This can't be..
"Si-sinadya mong magkita tayo ulit no?! D-dahil gusto mong m-makaganti n-no?!"
"FYI. Hindi ko pinangarap na makita ulit yang pagmumukha mo. Pero mukhang nakiki-ayon sa akin ang tadhana para makaganti ako sa ginawa mo." he leaned closer at tinignan ako ng napakasama.. Nakakatakot yung mga tingin niya, mukhang pursigido nga talaga siyang gumanti.. Ba't ko ba kasi ginawa yung mga yun?! T.T I'm so dead by now..
"Sige! Edi gumanti ka! Suntukin mo ko kung gusto mo, sige lang!" as if naman na kaya mong gawin!
Itinaas niya yung kanang kamao niya at akmang susuntukin niya ako. "Akala mo hindi ko kayang gawin?" smirks*
Waaaaa! Tulungan niyo ko kung sino man ang nandiyan! T.T Pero siyempre hindi ko sinigaw yan, baka isipin netong halimaw na to naduduwag ako no.
"Sigurado kang gusto mong ituloy ko? Kapag ginawa ko to sigurado mababasag yang mga ngipin mo."
"Sige lang! Hindi ako natatakot no!"
Itinaas niya na yung kamao niya kaya napapikit nalang ako. Ang shunga ko talaga. Ano na kaya magiging itsura ko pag katapos neto? Huhuhuhu! Nanatili pa rin akong nakapikit at hinihintay na tumama ang kamao niya sa pagmumukha ko at tumama na nga.
Hmm? Ba't ang lambot?? O__________O
"Next time wag mo akong gagalitin dahil masama akong magalit." then he left me alone in the room
He did...
Did he kissed me? O////O
Na-miss niyo ba si Cotton Candy? :3
Short update for tonight! Comment or else susuntukin din kayo ni Cotton candy.. Ng kiss! Mehehe ♥
LOVEYAH READERS! :)
~MissOdriew
BINABASA MO ANG
TAME THE GANGSTER
DragosteMeet Andrea, the one who will tame the GANGSTER named SD. Will she be given a chance to be loved back by a pathetic, rude, heartless, immature GANGSTER?