Bryant's POV
"Athena......" I was in the middle of my sleep. Napapanaginipan ko si Athena, magkasama kami sa favorite place namin sa Enchanted Park. Magkaholding hands.....
"Athena...." Hanggang sa nararamdaman kong lumalayo siya, at binitawan ang aking mga kamay
"Athena!" Sigaw ko. I look around, pero nandito lang pala ako sa kwarto ko, at hindi totoo yun. Panaginip lang pala lahat.
Hinawakan ko lang ang ulo ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nilalagnat ata ako.
I miss Athena so much. Kung nandito lang siya, I'm sure inaalagaan niya na ako ngayon.
"Nang Belinda!" Sigaw ko sa paborito kong yaya namin
"Ano po yun, sir?" Tanong niya
"Bigyan mo nga ako ng tubig." Utos ko sa kanya
"Ah sige po sir. Sandali lang po." At tsaka na siya umalis
Bumalik ako sa pagkakahiga ko, I remember Athena again and this Athena na nakilala ko lang this week. Athena.... Samson? Smith? Ah oo tama Athena Smith.
Naiinis ako dahil magkapangalan sila ni Athena, ang dating girlfriend ko.
Nung nalaman kong Athena Smith ang pangalan niya, nagulat ako dahil may pagkakatulad sila ni Athena Andrea Rodriguez, ang dating girlfriend ko.
Let's say Andrea nalang yung dating gf ko at Aubrey naman yung na'meet ko lang this week. Aubrey really reminds me of Andrea. Pareho silang matangos ang ilong, even their hair, magkaparehas ang gupit and color. Ang pinagkaiba lang siyempre ay ang kanilang mga mata. My ex gf got brown eyes while si Aubrey naman may pagkagreenish ang kanyang mata.
Sa ugali, well, I don't really know about Aubrey kasi di ko pa naman siya gaanong kilala. Nagkataon pang kapatid ng tropa ko yun. Ang sungit pa! Malayong mas maganda si Andrea kesa dun noh!
But when I saw her na mag-isa sa school, she was waiting for a ride I thought, kaya I gave her a ride. Ang choosy pa nga eh. -___-
The moment na ang tahimik lang namin sa loob ng kotse, parang may naramdaman akong kakaiba. Kakaibang feeling na hindi ko maintindihan kung anuman yun. Aiish! Mawala nga sa isip ko yung babaeng yun -___-
"Ah eh, eto na po sir yung tubig. Tumawag nga po pala ang ate niyo kanina, baka hindi raw po makauwi dahil may seminar pa po siya sa HindiKoAlam City." Sabay abot sakin ni Nang ng tubig
"Sige. Ayos lang. You can go."
"Sige po, sir." At tsaka siya umalis
Ininom ko na ang tubig at natulog nang muli dahil sa sakit ng ulo ko.
_ _ _ _ _
Athena's POV
Nakauwi na ako ng maayos at mabuti nalang dahil hindi umuulan. Nakisabay ako kay Kuya siyempre.
Pumasok na kami ni Kuya sa loob ng bahay, wala pang tao. Malamang. Wala nanaman si Mommy busy sa business yun eh.
At muntik ko ng makalimutan >_< Yung camp! I need Bryant para doon.
Naisipan kong tanungin kay Kuya kung may number siya kay Bryant at imposible namang wala ano, kabarkada niya eh.
Lumapit ako kay Kuya sa sala dahil nanonood siya ng anime. -.-
"Ah kuya, may number ka kay Bryant?"
Napatingin naman sakin si Kuya ng may pangiti-ngiti pa -.-