Bryant's POV
Hindi ko dapat talaga bibilhan ng teddy bear si Aubrey kaso kasi, hindi ko napigilan ang sarili ko eh. Yung itsura niya kasi kanina habang nakatingin sa teddy, ang cute. :"> Well, I admit maganda naman talaga siya.
Binili ko yung teddy bear at nagpunta sa bahay nila Aubrey pero sa di ko inaasahan, ang Kuya niya ang bumukas ng pinto.
Sobra ang kaba ko don. Baka mamaya isipin niyang nanliligaw ako. Well, hinding-hindi mangyayari yun kasi di ko naman siya gusto. Nor crush. Nagagandahan lang ako sa kanya.
Nag-usap kami saglit ni Anthon pero umalis din ako kaagad. Baka kasi iba isipin niya.
Present time......
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko nagmamasid-masid. Ewan ko ba. Kanina ko pa kasi iniisip si Aubrey kung ano kaya ginagawa niya ngayon. Aynyemas! Bakit ba kasi iniisip ko nanaman siya?
Matutulog na sana ako nang maisipan kong i'stalk ko muna si Aubrey sa facebook tutal she accepted my friend request.
Well, speaking of friend request, hindi ako ang nag'add sa kanya. Ewan ko ba baka may gumalaw ng phone ko.
Nung nandun na ako sa timeline niya, clinick ko agad yung "about". At yun nga, nakita ko yung cellphone number niya. Aba, pinublic pa talaga niya -__-
Kinuha ko yung cp number niya. Bigla akong nakaisip ng evil idea :) lokohin ko nga to haha! Tutal parang ang ganda niyang asarin. Dalawa kasi ang sim ko, tong old cellphone number ko nalang ang gagamitin ko para di niya ako makilala :)
》Message conversation《
To: Aubrey
Hi. :)
Sent 7:13pmFrom: Aubrey
Sino po sila?
Sent 7:14pmWoah. Bilis magreply nito ah.
To Aubrey:
Hi. I'm Dane. :) You?
Sent 7:15pmHaha! Ang gandang asarin to XD
From: Aubrey
Lalaki ka ba? O babae? Lesbian? Gay?
Sent 7:18pmAba -.- Mukha ba akong bakla? Grabe to ah.
To: Aubrey
I'm a guy. Straight. Okay? Haha
Sent 7:19pmFrom: Aubrey
Ganun? Bakit mo ako tinext? At kanino mo nakuha number ko?
Sent 7:21pmTo: Aubrey
Um, nakita ko lang sa facebook mo. :) I hope you don't mind but, can we be friends? :)
Sent 7:22pmMga ilang minuto pa ang nakalipas bago siya nagreply.
From: Aubrey
Sorry. I don't talk to strangers. Bye
I don't talk to strangers pala ah. Mukha ba akong stranger? Psh. Fine. :3 di wag niya. Ang maldita talaga ng babaeng to -__- hayy
Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. 😪
_ _ _ _ _
Athena's POV
Goooosh! Yakap-yakap ko pa rin si baby Aubry :"> Hihi kiligmats akes! ^^
Habang yakap-yakap ko ang teddy bear ko ay may biglang nagtext saakin. Nireplayan ko naman, kaso sa huling reply ko sinabi kong "I don't talk to strangers." Eh totoo naman ah? Sino ba to? Nakikipagkaibigan sakin eh di ko naman kilala. Dane daw ang pangalan. Pssh. Sorry siya, busy ako. Busy ako sa kakayakap :">