Athena's POV
Nakakacurious lang ah, mag iisang linggo ng wala si Bryant sa klase. Anyare dun? Andami pa niyang na'miss na quizzes at tsaka yung ipeprepare naming camp, wala siya para tulungan ako.
I tried to reach him into his house pero sinasabi ng mga maid nila doon na umalis daw at di naman nila alam kung saan nagpunta yun.
Tapos tinanong ko sila Kuya kaso di rin daw nila alam. Yung Principal naman namin meron siyang pinuntahan pero dapat pagbalik niya eh maayos na yung plano about sa camp.
Eh paano magiging maayos kung wala naman yung SC President? T_T
Tinetext ko na nga si Bryant at tinatawagan pa pero cannot be reached ang cellphone niya.
Seriously? Ano kayang nangyari don? T_T Kailangan ko pa man din siya ngayon huhu :'(
_ _ _ _ _
Anthon's POV
Nagtataka ako halos isang linggo ng di pumasok si Bryant. Loko talaga yun ano kayang ginawa nun?
Nandito kami ngayong tatlo sa room kung saan kami nagtatambay at nagpapraktis para sa banda namin nang biglang dumating si Kaomi.
"Huy tol's! May balita ako!" Masiglang sabi niya
"Ano yon? Baka kalokohan mo nanaman hahahaha!" Sabi ni Jay
"Hindi seryoso to. Alam niyo ba si Athena? Wala na raw siya." O_O
"Ano?! Si Athena?! Bakit anong nangyari sa kapatid ko?!" Agad ko namang tinanong si Kaomi. Seryoso anong nangyari sa kapatid ko!? Tae!
"Hoy OA. Hindi si Athena na kapatid mo! Si Athena na ex gurlpren ni Bryant!" Explain naman ni Kaomi. Hoo. Nakahinga ako ng maluwag. Pero si Athena? Athena Andrea? Wala na?
"Kalokohan." Ani ni Jhon "Kilala ka namin, Kaomi. Mahilig kang magjoke."
"Hindi ako nagjojoke. Tumawag sakin si Tito Allan, remember? Pinsan ko si Athena? Sabi niya sakin kani-kanina lang, wala na raw siya." Sabi ni Kaomi habang mangiyak-iyak. Di naman sa bakla siya, pero dahil parang magbestfriends na rin sila ni Athena nung bata sila kaya siyempre hindi siguro siya makapaniwala na wala na nga talaga si Athena.
"Ah! Kaya pala wala si Bryant. Nagmumukmok yon ngayon panigurado." Ani ko naman
"Mag iisang linggo na siyang depressed. Actually, hindi lang naman isang linggo eh. Mula nung dinala si Athena sa US para magamot. Magmula nun di ko na siya nakitang ngumiti man lang." Sabi ni Jhon habang umiinom ng kanyang iced tea.
"Naaawa ako sa kanya. Matagal na rin sila ni Athena eh tapos antagal-tagal pa niyang hinintay siya." Lungkot na sabi naman ni Jay
"Guys! May naisip akong idea!" Ani ni Kaomi. Kalokohan nanaman to. Panigurado.
"Ano naman yon?" Sabay-sabay naming tanong kay Kaomi.
"Let's make him fall in love to a girl again. Ibalik ang kanyang matatamis na ngiti." Kalokohan.
"Kalokohan. Mainlab nanaman? Eh baka multohin ka ni Athena jan sa balak mo Kaomi eh hahaha!" Ani naman ni Jhon habang kami tumatawa sa sinabi niya
"Naaawa lang naman kasi ako kay Bryant mga tolskie. Halos mag iisang taon na siyang naghihintay kay Athena para gumaling pero tignan mo nga naman? Wala na siyang nahintay." Sabi ni Kaomi. Tama nga naman siya. Pati rin naman ako eh, magmula kasi nung pinunta si Athena sa US, palagi na siyang tahimik. Di naman ganun si Bryant noon.