Chapter 2

1 0 0
                                    


Nang malaman ko yung tungkol sa engagement nila Max at Mom, nung isang linggo hindi mawala sakin ang saya sa Mukha ko. Halos okey na pala ang lahat planadong planado na pala nila Lola at lolo ang lahat. Ako lang pala ang hindi kasi Surprise daw. Grabe!! Di nila alam sobrang na surprise ako.

Pero may bumabagabag sakin ngayon. Simula kasi ng umuwi kami sa pilipinas 3 years ago. Hindi ko nakita ang Daddy ko. Hindi ko din alam kung ano ang pangalan nya o ang itsura nya. Hindi na rin naman kasi ako nag tanong tungkol sa kanya.

Nag lalakad ako ngayon papunta sa favorite Coffee shop namin nila Amber at Elle. May usapan kami ni Amber na mag kikita kami. Hindi ko kasi Dala ang kotse ko kaya nag lakad nalang ako malapit lang kasi to sa office ni Max. Pina daan nya kasi ako dun para ibigay ang bago kung ATM. Sya na kasi ang nag Handle nang business namin kasama na din yung School total ikakasal na naman sila ni Mommy kaya Sya na ang mag papatakbo.

Pag ka pasok ko nakita ko na agad si Amber.

"Macy Clarisse Suarez...  Over here." Grabe!! Nakakahiya talaga tong si Amber kailangan talaga complete name..
Tinaasan ko sya ng kilay at binigyan ng nakakahiya-ka-look.

Agad naman nya ata napansin yun at sabay tingin sa paligid nya. Kitam!!! Ngayong nya lang na pansin.

Nang maka upo nako ay bumulong agad ako sa kanya.

"Hindi ka na talaga nag bago." Pag ka sabi ko nun ay tumawa sya at litaw na litaw ang dimple nya. Kahit kailan talaga tong si Amber.

"Haha! I know Macy.'' Tsk.. Ang weird din nitong si Amber.

"Oh! Bakit mo naman ako pinapunta dito." Halata sa tuno ko na naiirita ako, pero normal lang yun at sanay na kasi sila sakin.

"Gosh!!masama ba makipag kita sa Best friend ko."

"Tsk!!.. So ano nga?"

"Grabe!! Ka talaga Macy." Sabay pout nya. Gosh!! Kahit babae ako na gagandahan ako dito sa kaibigan ko kapag nag pout.

"Hahaha!! You're so Cute Amber. Spill it out."  Natatawa ko ding sabi sa kanya.

"Fine!! Pumunta ako dahil dito." 
Sabay labas nya ng brown envelope sa harapan ko. Ano naman ang laman dito. Napansin nya na nakakunot noo kung tinignan ang Envelope.
"Tignan mo na Macy. Hindi mo malalaman yan kung tititigan mo lang yan." Sabi ko nga, bubuksan ko na.

Nang mabuksan ko yung envelope nakita ko ang Contract.
Contract ng isang Model Agency. Ito Yung Agency na pinapasukan ni Amber.
"Para saan naman to?" Tanong ko sa kanya.
"Diba kaka end lang ng Contract mo sa SUMMER kaya ayan binigyan ka ng Project ng Agency namin." Goshh!!! Wala pang dalawang linggo simula nung nag end ang Contract ko bilang Model ng SUMMER ito na naman.
Sigurado talaga tong si Amber. Pariha kaming Model ni Amber sideline lang namin yun, pero iba ang Agency na pinasukan namin.
"Amber naman! Wala pang dalawang linggo nang mag end ang Contract ko. Tapos ito na naman Goshh!!! Pag pahingahin mo naman ako." Mahabang litanya ko sa knya.
Tsk!! Inirapan lang ako.
"Sige na. Pirmahan mo na yan."

Behind The LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon