W.I.M.Y 4

14 1 0
                                    

       Papasok ako ng school ngayon nang mag isa, yung bestfriend ko kasi hindi umuwi kahapon. Dederetso sya ng school galing sa bahay nila tita. Monday nanaman, nakakatamad pumasok kahit 2nd day palang. Ang tamad ko mag aral samantalang nung bakasyon gustong gusto ko na pumasok ng school bakit ba ganito..

        Nalalakad na ko sa hallway kung san papunta ng room. Bakit ba nasa 5th floor yung room namin, nakakapagod kaya umakyat nakakahingal bakit ba kasi sarado pa yung elevator grabe sila.

        7:30 yung class ko, umalis ako ng 5:45 sa apartment namin ang aga diba ayoko kasi abutan ng traffic tapos ma late pa ko. Eh kasi nga diba first impression last so dapat maaga ako sa bawat class ko lalo na dito major subject pa naman to Anatomy.

       Nasa third floor palang ako hingal na hingal na ko paakyat, grabe hindi naman ako mataba para hingalin ng ganto. Teka wait pahinga muna hindi dapat pilitin ang di kaya

"Pagod kana? Haha"

Napalingon ako sa nagsalita..

shit yung crush kong singkit hahahahahaha "h-ha? Hindi ah"

"Tulungan na kita, hingal na hingal kana eh"

"Hehe hindi, kaya ko nagpapahinga lang"

Hindi mo ko kailangan hawakan sa braso! Pero sige hahahaha

"Okay tara sabay na tayo akyat, ano ba room mo?"

"504, fifth floor pa ikaw?" Halaaaaaaaa di ko dapat tinanong kung san siya baka isipin nya may gusto ako sakanya

"503, magkatabi lang pala room natin. Tara"

Tae! Wag kang ngumiti!! Kinikilig ako!! Sana hindi halata tae tae tae okay okay okay poker face ka lang dapat "s-sige"

       Ginawa ko ang lahat para pigilan ang kilig ko iniwas ko na tingin ko sknya at umakyat na ng hagdan sinabayan niya naman ako habang hawak padin yung braso ko, hala shit lumalandi ba ako di to pwede "pwede mo naman ako bitawan, kaya ko naman e"

Ano ba tingin nya sakin? Disabled? Grabe siya "ay.. Sorry" sabi niya sabay kamot sa ulo

"Okay lang, salamat"

          Hindi ko namalayan na nasa 5th floor na kami hingal na hingal ako tae naman nakakahiya ganto ba ko kahina grabe! Bat ba ang init pawis na pawis ako grabe!!! Ang init!!! Kasalanan ba to ng hagdan o dahil sa lalaking to

"Hahahaha"

"Bat ka natatawa?" Sabi ko habang naghahabol ng hininga

"eh kasi hingal na hingal ka" sabi niya parang di siya hiningal, konti lang

"T-eka lang" sabi ko habang nagpapahinga at naghahabol padin ng hininga

"Hahaha sge lang"

Shit. Ang cute niya tumawa.. pero bakit nung sabado parang ang lungkot ng mata niya tapos parang hindi siya ngumingiti o kahit tawa ganun parang fake pa nga eh pero bakit ngayon parang wooooooah

"Tara." Sabi ko finally medyo okay na hindi na ko hinihingal

"Hindi ka siguro nag eexercise kaya ang bilis mo hingalin" sabi niya habang natatawa tas nagsimula na kami maglakad patungo sa altar.. Chos patungo sa room namin

"Biggest enemy ko yung hagdan eh, ano nga ulit pangalan mo?" wala nang hiya hiya to!!!

"Gabriel, call me Gab."

"ahh Gabriel." Hindi mo manlang tinanong kung ano pangalan ko! Kainis to hahaha

"Rose diba?"

When i met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon