W.I.M.Y 5

11 1 0
                                    

         Expectation vs reality, i was expecting that this semester will be peaceful. Naniniwala na ako sa kasabihan na hindi ka dapat nag eexpect kasi you'll end up disappointed. The first day was peaceful until that "Ace" guy came in the scene and ruined the peaceful day. Oo sige, inaamin kong gwapo siya. Pero nakakairita yung pang aasar niya. Di naman nakakatuwa.

Day 3 of first semester, and yes. Classmate ko siya even sa TTh class ko. Hindi nakakatuwa. Hindi ako natutuwa.

"Uy nanahimik ka dyan?"

"Bakit!? May dapat bang kaingayan?"

"Oo, ako. Ang gwapo ko kaya." Sabi ni Ace

        First class. Hindi ko alam na masipag siyang pumasok ng maaga katulad ko. Hindi ko expected na magiging kaklase ko siya. SOBRANG DISAPPOINTED ako kasi kaklase ko siya. Expected ko kasi sa TTh class ko may break ako sakanya. Pero hindi, wala. Bakit ganito ang set up?

        Nandito kami ngayon sa classroom. Physics1 ang subject. Madaming open na section bakit sa dinami daming section dito din siya? 7:30 class. Pero ba't ang aga niya. Kahapon nag quiz kami sa Physiology pero wow di ko din inexpect na mapeperfect niya ang surprise quiz. Matalino din pala siya..

"Gwapo ka dyan, baka" pag kontra ko sa sinabi niya, patuloy nalang ako sa pag basa kunyari ng libro

"Weh? Hindi?!" Tanong niya sabay tabi sakin

"Oo hindi"

"Grabe, ikaw palang nagsabi sakin nyan"

       Tinignan ko siya, mukhang seryoso nga siya sa sinabi nya. Nagulat pa siya. Kaya pala ang kapal ng mukha niyang kausapin ako kasi pala madami nagsasabi sakanya. Binabawi ko nang gwapo siya kainis siya eh

"Pwede ba maghanap ka ng ibang iisturbuhin" sabi ko out of the blue

"Wala naman ako ibang iisturbuhin, tayo lang naman nandito"

"Tss"

Why do i have to be stuck with this guy? First impression ko sakanya mabait na tahimik. Pero at second impression sobrang annoying. Bakit mas nag last ang second impression kesa sa first? Nagbago na?

Napatingin kami ng bumukas yung pinto. Si Clarisse.

"Hoy babae! Loko ka ah!"

"Good morning?" Sarcastic kong tanong

"Bat di mo ko ginising? Diba dapat sabay tayo pumasok!" Sabi nya habang nakapamewang

"Hahaha sorry gusto ko pumasok mag isa eh"

"Ganyan ka! Ayaw mo na ako kasama!"

Bigla naman tumayo si Ace, sinundan namin ng tingin ni Clar. Umupo siya sa likuran tas natulog

"anyare dun? Ginawa mo dun? Bat parang ang tahimik ngayon? Tanong ni clar

"Malay ko. Tanong mo siya"

Pinatong ko ulo ko sa table ko para matulog. 6:50 palang, may panahon pa para matulog ako. Nag puyat nanaman ako kagabi kaka gawa ng kung ano ano, kakatamad tuloy

"Ahh alam ko na!"

"Ano!? Nawala nga yung isang maingay, pumalit ka naman. Ano? May shift kayong dalawa!?" sigaw ko

"Hahahahaa maganda yang naisip mo." Pang aasar nya lalo

tuwang tuwa siya eh no "hahaha pero seryoso, bakit parang ang tahimik niya ngayon? Seryoso mukha eh"

"Hoy!! Hoy Ace!" Sigaw ko

nakita ko namang tumingala siya tas binukas mata "bakit?"

When i met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon