W.I.M.Y 6

14 1 0
                                    

Sunday nanaman. Ang bilis ng pangyayari, ang bilis lumipas ng araw hindi ko napapansin. Month padin ng August, nabibigla padin ako sa mga nangyayari. Hindi ako sanay na may kakilalang bago, mahirap mag adjust pero madali ako nakakapag adjust kapag ganito. Pero ngayong sem parang mahihirapan ako sa pag adjust dahil kay Ace.

Si Ace nanaman ang problema ko. Siya naman talaga problema ko first day palang ng klase sa university na pinapasukan ko. Hindi talaga ako natutuwa. Sabi nga, everything happens for a reason. Sa lahat ng mga class ko, classmate ko siya. Pero si Gab sa dalawang subject ko lang kaklase. Ewan ko, hindi ko gusto yung set up.

Nanonood ako ng anime ngayon sa apartment namin ni Clarisse, gawain ko to talaga kapag stress ako. Hindi sa academics kundi kay Ace. Grabe yung impact niya sakin eh. Palagi mainit ulo ko dahil sakanya. Lagi siya nangiisturbo, at ako naman isturbo na isturbo.

Nawala na ako sa pinapanood ko. Nakakatamad. Si Clarisse umalis, may date. Di ko alam kung kanino makikipag date yun at saan. Meron nanaman siyang bago kakabreak lang nung last niya last four weeks ago o one month na. Hindi ko alam ang feeling ng inlove, kasi hindi pa ako naiinlove. Crush oo, pero inlove hindi.

Hindi naman ako panget. Ang ganda ko kaya, dami ngang may gusto manligaw sakin pero hindi ako nagpapaligaw. Why? Kasi sabi ni daddy, study first muna. Naniniwala ako sa kasabihan na kapag dadating yung the one mo, dadating siya kapag ready kana. Maybe im not yet ready.

Ano ba tong mga naiisip ko? Haay bored na bored ako dito sa apartment. May pasok nanaman bukas. Makikita ko nanaman ulit si Ace. Saka si Gab. Hala shit naalala ko nanaman yung nangyari nung Tuesday.

*flashback*

Sinabayan ko si Gab sa pag lakad papunta sa kusina. Kasi ayoko maluto dun sa sala kasama yung dalawang magaling mang asar.

"Pag pasensyahan mo na kapatid ko ah, namiss ka lang non"

"H-ha? Ako? Namiss? Bakit?"

Nagulat ako sa sinabi niya, bat naman ako mamimiss nung lalaking yun. Kadiri ah

"Hahahaha wala"

Tinignan ko nalang siya ng may halong pagtataka. Medyo weird yun. "Sabi mo eh"

nakadating kami sa kusina, na ang ganda.

"wooow! Ang ganda ng kusina niyoooo!"

Ang ganda ng kusina gusto ko magluto sa gantong klaseng kusina. Kaya ko pagsilbihan si Gab hahahaha joke laaaang

"Haha halata ngang gandang ganda ka"

"Ang gandaaa!" Sigaw ko tapos tumakbo ako papunta sa counter sinundan naman niya ako

"Parang ikaw" sabi niya ng makarating siya sa tabi ko

tapos feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa pisngi ko at ang init init sa pakiramdam

"hahahaha nagpapatawa ka ba" sabi ko to cover up my face

"Hindi, seryoso ako."

"Ikaw ah, nilalandi mo ako" oops di ko sinasadya sabihin yun peroo shiit kasi ang gwapo

"Hahahahaha" tawa namin dalawa

"Oh iho, ano kailangan mo?" Sabi nung matandang babae na kakapasok lang galing sa labas madungis siya may apron siya saka gloves. Parang nag gardening ata siya

When i met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon