Rosemary's point of viewKailan ko kaya ulit makikita si mr. Badboynahindi? Ang bait niya, faith in humanity restored bes!! Akalain mo yun, nailigtas nya ko sa mga adik. Sobrang thankful talaga ako dahil dumating siya. Makikita ko pa kaya siya? Sana.. Sana makita ko pa siya.
Monday ngayon as usual, nakakatamad kumilos. Nakakatamad pumasok! Lalo na't ang boring ng mga class ko. Tapos ang papanget ng mga kaklase ko, meaning ko sa panget is mga tamad, mga di nag aaral, mga bully walang ginawa kundi magingay. Kaya ayaw ko sila mging friends. Yeah, ang choosy ko. Tahimik lang kasi ako at mag aaral ng mag aral lang talaga. Yung pangarap ko maging doctor, tutuparin ko.
Naglalakad na ko papuntang school hindi ako nagbike ngayon kasi trip ko lang. Hahaha saka dadaan ako sa convenient store para bumili ng yogurt, nag ccrave ako kahapon pa..
6:30 na sa umaga, nandito ako ngayon sa convenient store,nakaupo lang sa labas at kumakain ng yogurt. Maaga pa para sa class ko, 7:30 pa. I just love mornings like this yung ang lamig ng hangin, bagong ligo, tapos ung sunrise dumidikit sa skin mo. Nag inhale exhale ko ng malalim, nakakarelax.
"Daddy! Are you okay!?"
Nalingon ako sa sumigaw, sa tapat ng restaurant may lalaking nabubulunan. Yung sumigaw yung kasama niya. Napatayo ako, kasi parang hindi na talaga makahinga yung lalaki. Tatawid na sana ako papunta sa restaurant paratulungan kaso may student tumakbo at pumunta sa likod nung lalaking nabubulunan. Napatigil ako sa paglalakad at nakatayo nalang.
Yung student..
Nag perform ng Heimlich Maneuver. And in just a blink okay na yung lalaking nabubulunan kanina. Tumawid ako para tignan ng mabuti yung lalaking tumulong. He's just that familiar to me..
"Thank you.. thank you so much.." Narinig ko sabi nung babaeng sumigaw kanina, nakatalikod ngayon sakin ung student na tumulong at yung babae nakaharap dun sa lalaki kaya yung babae lang kita ko.. Yung lalaking nabulunan kanina nakaupo at umiinom ng tubig naghahabol padn ng hangin.
"Welcome!" Sigaw ng masigla ng student at nagsimula na maglakad.
Sinundan ko ito at kinalabit.
Lumingon si guy. Nginitian ko siya.
Yung mukha niya di mapinta, parang nagulat na nagtataka na ewan.
"Hi!" Sabi ko, nakangiti padin
Tinitignan padin niya ko, di umiimik. "Ikaw si mr-- ayy.. Ikaw yung tumulong sakin nung isang araw, nung sabado" sabi ko habang nakangiti
"Ah oo! Yung sa mga adik!" Sabi nya
"Thank you" mahina kong sabi
"Ha?"
"Sabi ko thank you! :)"
"Ah sige! Wala yun!"
Tapos pasimple ko tinignan yung logo ng school niya.
Tivity..
Tivity Academy..
Bago pa ko bumalik sa katotohanan, wala na siya sa harap ko.. Ang bilis naman maglaho nung lalaking yun..
Sheet! Di ko natanong pangalan niya!
--
12:00 na, lunch time na namin. Na-late ako sa class kaninang umaga 8:45 na ko nakapasok sa school. First time! Sising sisi padin ako kasi di ko padin alam pangalan ni mr. Badboynahindi, namangha ako sa ginawa nyang pagtulong. I never know that there's a boy like him that can perfectly perform a Heimlich Maneuver.. Yung kamay niya, yung pwesto niya.. Ang perfect, ako ilang months and until now di ko maperfect. Pero siya.. Nagawa niya yun.. Ang galing..
Simula kaninang umaga wala ako maintindihan sa lessons, siya lang talaga tumatakbo sa isip ko. Ang bait, ang gwapo, ang galing.. Siya na.. Siya na talaga.

BINABASA MO ANG
When i met you
Teen FictionAna Rosemary Lopez is an ordinary student that is living a normal life until she met a guy. She is a cheerful person, always positive and has a charm. She got into an accident and had an amnesia. Returns to Philippines to study and met the man she l...