W.I.M.Y 7: Back in Time

14 1 1
                                    



Rosemary's point of view

*sigh inutusan nanaman ako ni mommy bumili ng bread nakakatamad naman sabi niya sa market ako bumili para mura pero ang layo layo nun. Nakakatamad maglakad ng malayo dito nalang ako sa kanto bibili, sa convenience store konti lang naman price difference eh.

Naglalakad lang ako peacefully papunta sa convenience store, konti lang tao dito sa neighbourhood namin. Pero minsan may mga taong dumadaan dito na hindi taga rito. Nakakatakot pa nga yung mga itsura parang mga rapists.

"Hi miss"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. May nadaanan ako. May mga lalaking naka tambay tapos yung isa dun nagsalita. Hindi ako lumilingon kasi nakakatakot ang itsura nila hindi ko rin sila kilala. Ang aga aga nagyoyosi sila. Wala talagang pinipiling oras ang pag yoyosi no. Hay

"Sungit naman!" sigaw nung isa

Patuloy lang ako sa paglalakad ko at hindi ko sila pinapansin. Para bang wala ako narinig. 7 palang ng umaga pero bakit ganito ang atmosphere dapat diba peaceful. Ba't may ganito sa subdivision namin. Nakakatakot naman


"Miss"

This time napalingon ako kasi ngayon sinasabayan nila ako maglakad. Mga tatlo sila. Nakakatakot. Feeling ko maiiyak ako. Parang mga nasa 20s palang sila.

"Grabe snub" sabi nung isa

Hindi ko padin sila pinapansin, medyo malayo layo pa yung convenience store pero tanaw ko na. Hindi ko alam gagawin ko, tatakbo ba ako? Pero hindi ako makakilos. Natatakot ako

Inakbayan ako nung isang lalaki tapos yung dalawang lalaki wala lang. Konti nalang lalabas na luha ko sa takot. Habang nanginginig ako at yung mga kamay ko ang lamig lamig.

Akmang hihipuan ako nung lalaking naka akbay sakin pero bago pa niya magawa yun may lalaking matangkad na sumulpot.

"Bitawan niyo siya" sabi niya, mukha siyang badboy na hindi ang amo ng mukha niya

"at bakit?" Sabi nung lalaking naka akbay sakin

Bago ko pa malaman eh yung lalaking naka akbay sakin eh nakatumba sa sahig, sinapak siya nung lalaking mukhang badboy na hindi.

"Aba angas neto ah!" Sigaw nung isa tapos sumugod siya para sapakin nya si mrbadboynahindi

Sumugod din yung isa tapos ako nakatayo padin dun "tumabi ka dyan!" Sigaw ni mr bad-boy-na-hindi

Sinunod ko siya at tumabi ako at nagtago sa may malapit don. Hindi ko ineexpect na makaka kita ako ng nagsasapakan sa umaga. Nakakatakot na nakakakaba pala yung feeling.

Tumayo na yung lalaking nakatumba kanina at sumugod habang sumigaw ng "gagoo pala to eh!"

Magaling si mrbadboynahindi kasi naiilagan niya yung mga kamao tapos nakakasapak siya. Halos wala pa ngang galos sa mukha niya. Mukha siyang action star. Ang gwapo.

Sapak dito sapak doon hanggang sa tumakbo yung tatlong lalaki at naiwan si mrbadboynahindi na hinihingal

"Hahahah! Mga duwag!" Sigaw nya

Nakipagsapakan siya pero ang saya niya. Weird.

Lumingon siya sakin "okay ka lang?"

Ako nanginginig padin dahil sa mga nangyari hindi ako makasalita. Lumabas ako sa pagkakatago, lumapit siya sakin at hinawakan yung kamay kong nanginginig

When i met youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon