Chapter 2

4.3K 114 7
                                    


Jenny

Looking at the sexy figure of a girl only wearing a white loose shirt and black stilettos, showing off her delicate thighs, there's only one person comes in mind. Mikah.

Napaangat ang kilay ko nang makita ang nakabusangot na mukha ni Mikah na nag-aantay sa gate. Kasabay ko ngayon sila Wendell kaya may minadali ko ang paglakad patungo sa kanya. I don't even know if this girl is wearing shorts underneath or just his undies. Typical of her.

"Mikah," I called her and then she walks towards me. Nakakunot pa rin ang kilay niya kaya agad ko siyang nginitian at binulungan.

"Smile, come on." Nang sinabi ko iyon ay agad ngumiti si Mikah nang pilit. Bumuntong hininga nalang tuloy ako at tinalikdan siya, saka ko hinarap sila Wendell. At nagpaalam.

"I'll be going then. Gagala pa kami ni Mikah e, magdi-dinner." Pagkasabi ko noon ay agad lumapit sa amin si Wendell at nginitian si Mikah.

"Jenny, hindi ba ako pwedeng sumama? I can treat you to dinner." Agad akong ngumisi, pero inagap ni Mikah ang braso ko. Nilingon ko siya at pinanlakihan niya ako ng mata, halatang may gusto siyang sabihin. I knew she doesn't want to go for dinner tonight, but I'm in charge now.

Ngumiti pa siya kay Wendell bago bumulong sa akin. "Jenny, dapat susunod ako sa airport para ihatid si Lloyd. I told my boyfriend that I will be late because you want to see me and now this?"

Nginitian ko si Mikah at tinapik ang balikat niya. I know that this is going to happen, that's why I planned countermeasures already. "Kakausapin ko si Llyod at kailangan mong sumama sa amin ni Wendell."

Nanlaki ang mata niya sa sinaad ko, pero inignura ko iyon. I am incharge there's nothing she can do about it. Once she said she's in my game, no body leaves until I said so.

Tiningnan ko si Wendell at sinagot ang suhestyon niya kanina. "Okay, your treat."

Halos 'di maipinta ang mukha ni Mikah sa buong oras na kumakain kaming tatlo. Though she kept on smiling on Wendell that lessens his suspicion, but I can't handle her glare.

"Wendell thank you for the dinner," I thanked him as we walked outside the resto. Ngumiti lang naman si Wendell sa akin at lumingon kay Mikah.

"Did you enjoy?" Napa-irap ako dahil sa tanong niya kay Mikah. He's fully enchanted with my friend. I just walked out to let them to talk.

Hindi naman ako lumayo masyado kaya naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila.

"I enjoyed it." Halata ko sa boses ni Mikah naiirita siya, pero 'di naman alam ni Wendell 'yon, kaya ayos lang.

"So, can I send you home?" Napalingon ako agad sa tanong ni Wendell, nakatingin na rin si Mikah sa akin. Agad akong umiling, hindi pwede.

"Uhmm, magkikita pa kasi kami ng daddy ko. So, sorry it's a no." Napabuntong hininga si Wendell sa sagot ni Mikah, pero nagtanong muli.

"Pero pwede ko bang kunin ang number mo?" Nilingon ako ulit ni Mikah at katulad kanina ay umiling ako. Lumapit na ako sa kanila at hinila si Mikah.

"We need to go, Wendell. I'm also in a hurry." Nagmamadali na akong naglakad patungo sa kotse ko at 'di na nilingon pa si Wendell.

Saktong nakasakay na kami ng kotse nang padabog na isinirado ni Mikah ang pinto at nilingon ako. "Jenny! Dalawang linggo kong 'di makikita si Lloyd, tapos 'di ko man lang siya nahatid sa airport. I can't do this anymore!"

Pabulyaw ang pagkakasabi ni Mikah no'n kaya medyo nagulat ako. Napabuntong hininga nalang tuloy ako, saka sinagot ang sinabi niya. Sabi ko na nga ba't mangyayari 'to.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon