Jenny
"Wala ka nang dinala sa pamilyang 'to kundi kahihiyan, 'di ka pa nakuntentong magsikreto sa amin. Ngayon naman nagkaroon ka pa nito!" Pabulyaw na sinabi 'yon ni Mama, saka niya inilapag sa center table ng sala ang mga larawan na kumakalat ngayon sa buong University. Mga larawan ko na pumasok sa hotel kasama ang isang lalaki at ang iba naman ay ang paglabas ko roon na suot ang damit ng lalaking 'yon. May iba pang kumakalat nang halikan ako no'ng lalaki.
Naiiyak ako, 'di man lang kasi tinanong ni Mama kung anong paliwanag ko sa mga pictures na 'yon. Mas pinaniniwalaan niya ang mga nakikita niya, kesa pakinggan ang sasabihin ko. "Mama, hindi po 'yan totoo."
Bumuntong hininga si Mama, saka siya nagsalitang muli. "Alam ko," sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Alam niya naman pala, bakit siya nagagalit sa akin?
"Ma, wala po talagang nangyari dyan. Nabuhusan po ako ng lalaki ng tubig, may importanteng pupuntahan po kasi ako niyan. Kaya agad kong tinanggap ang alok niyang magpalit agad ng dam—"
"Iyon nga ang totoo, pero sa tingin mo ba paniniwalaan 'yon ng ibang tao?" Napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa saad ni Mama. Tama siya, alam nga namin ang totoo. Pero dahil isang De Vera ako, maraming gustong magsalita ng masama tungkol sa akin at mas lalong 'di ako paniniwalaan ng maraming tao. Kasi maraming nag-aasam sa posisyon namin sa lipunan.
"Jenny, wala ka nang magagawa pa para mawala ang issue na 'yan. Isama mo pang napili mong magsinungaling sa amin ng Papa mo, kaya mas maiging sa Japan ka na tumira. Hahayaan nalang nating mawala ang issue na'to sa paglipas ng panahon at mas maiging lumayo ka. Para naman tuluyan na kayong maghiwalay ng lalaking 'yon."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama, hindi pwede 'to! Hindi ko kayang iwan si Tristan! "Ma, 'wag naman! Dito lang ako, saka balak ko naman po talagang sabihin ang relasyon namin ni Tristan. Please ma, gagawa ako ng paraan tungkol sa issue at 'di na ako magsisikreto sa inyo," pagmamakaawa ko. Lumapit pa ako kay Mama, para hawakan ang mga kamay niya. Pero tinabig niya ang kamay ko at sa isang iglap ay nasampal ako ni Mama.
"Gusto mong manatili rito para sa lalaking 'yon? Jenny, tingnan mo nga ang nagyayari sa'yo! Bumaba ang grades mo, natuto kang magsinungaling sa amin dahil sa lalaking 'yan! Tapos ngayon susuwayin mo na ang disesyon namin? "
"Ma, 'di naman po sa gano—"
"You are going against us, Jenny! Lahat ng 'to ginagawa namin para sa ikakabuti mo , kaya sa ayaw at sa gusto mo sa Japan ka na maninirahan kasama ang Lolo't Lola mo!"
Napatitig ako kay Mama, ni minsan 'di niya ako naintindihan. Ang alam niya lang kasi ay puro trabaho, mas workaholic pa siya kay Papa. Kaya nga 'di niya napansin na naging kami na ni Tristan. She never bothered to care about me.
Kaya ko nga minahal si Tristan, kasi nabibigay niya ang atensyon at pagmamahal na inaasam ko. Kahit pa pinagtatawanan na ako sa school dahil sa pagiging nerd ko at pagsusuot ko ng balot na balot na damit. He never cared what other says, he loves me. But because of those pictures, our relationship is also in pinch.
"Ma, mag-aaral naman akong mabuti. Huwag ninyo lang akong ilayo sa kanya, I love him." Umiiyak na ako sa harap niya habang sinasabi iyon, kaya mas bumakas ang galit sa mukha ni Mama.
"Pagmamahal ba ang tawag mo dyan? I got your grades Jenny and you barely passed. He was distraction not love!" My mom looks so frustrated in every word that came from her mouth. Pero hindi lang naman siya ang nafu-frustrate e. Kasi ako 'tong pinapalayo niya, dahil sa kasinungalingan na pwede pa naman gawan ng paraan.
"Ma, I love him and he loves me. Ikaw ba ma, did you ever love me? All I can hear from you are your expectations from me! I tried to be the perfect daughter. I did my best to be the top in class since I was in elementary tapos pati ngayong malaki na ako, kailangan ko pa rin bang punan ang expectations ninyo?!"
BINABASA MO ANG
How to tame a player? ( Published under Lifebooks)
Teen FictionHighest Rank, #25 in NewAdult (10-26-2018) How to tame a player? By GreatPretender04 How to tame a player? Are you heartbroken because of a playboy or a player? If you are, then you're welcome to join the group. Log in to Facebook and search for a...