Chapter 11

1.3K 54 3
                                    

Jenny

Nagtaka ako bigla nang 'di na ako tinawagan o kinulit pa ni Marco. Kagabi kasi ay 'di siya matigil sa pagtawag sa akin, dahil na rin sa mga pinadala kong litrato. Hindi ko naman kasi talaga sinasadyang hinalikan ni Maynard si Aicy, ang ginawa ko lang rin naman ay mag-report sa kanya tungkol sa mga nangyayari. Hindi ko na kasalanang ang tamad tamad niyang umuwi at kunin ang girlfriend para 'di na makasama sa ibang lalaki.

I laughed a bit about the thought that has been running in my mind. Just then I remembered that I am with Aicy and she's been staring at me for a while now. I also noticed the dark circles in her eyes, maybe she hasn't sleep well. "Problem?" I asked looking back at her.

Bumuntong hininga na siya at humigop na muna ng kape niya, nasa isang coffee shop kasi kami para mag-breakfast. Sakto kasing mamaya pa rin ang umpisa ng klase naming, kaya napag-desisyunan naming mag-usap na muna.

"Marco haven't called me since yesterday, he don't actually missed any day to call nor text. Hindi ko alam bakit, pero napaparanoid ako. Parang may mangyayaring 'di kaaya-aya."

I also got bothered not because of what she said, but what is Marco is acting. But I need to calm her down, because today will be another day of our plan. "Huwag kang mag-alala, nakausap ko siya kagabi. Medyo nainis siya sa akin, kung bakit hinayaan ko raw na mahalikan ka sa pisngi ni Maynard."

Kaagad naibuga ni Aicy ang kapeng nasa bunganga niya saka nanlaki ang mga mata.

"May picture ka no'n? At pinadala mo kay Marco?"

"Yup, maybe that's why he hasn't called you yet. Baka nagpapalamig pa, 'wag kang mag-alala kasi naipaliwanag ko namana ng sitwasyon. Pati makakabuti na rin 'to, mukhang nagkaka-progress na rin kasi tayo kay Marco."

Nagpunas na muna ng labi si Aicy at tumango. Mukhang sang-ayon naman siya sa akin, mabuti nalang at 'di siya katuald nila Mikah at Mayra na kinukwestyon lahat ng ginagawa ko. Alam naman nilang ang tamad kong magpaliwanag dati pa e.

Hindi katulad ng ibang araw, magkasabay na lumabas ng silid sila Maynard at Aicy ngayon. Tapos na ang klase araw na ito, kaya minabuti kong punatahan si Aicy. At dahil dala ko ang camera ko ay inunan ko na ulit sila kaagad ng litrato bago lumapit sa kanila na nag-uusap pa.

"Date naman tayo mamaya," suhestyon pa ni Maynard. Nakita kong nangunot kaagad ang mukha ni Aicy.

"Maynard, hindi ko sinabing may pag-asa ka talaga sa akin. Ang sinasabi ko kahapon ay—" Hindi natapos ni Aicy ang sasabihin nang magsalita na rin si Maynard.

"I'll text you later, see you then." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito paalis. Napabuntong hininga naman si Aicy at halatang may bumabagabag sa kanya. Kaya naman nilapitan ko na siya at tinapik.

"Something wrong?" I asked that made her sigh again.

"Hindi ko pa rin makontak si Marco, kahit ni isang text wala rin akong natatanggap. Baka naman nag-back fire na ang plano mo, Jenny. Paano kung 'di na talaga akong pansinin ni Marco?"

Napakamot nalang tuloy ako sa batok ko, kasi kahit ako ay wala pang maisasagot sa tanong niya e. Kasi kahit ako ay 'di pa nakakausap si Marco. I have also called him many times but to no avail. I can feel that something is already not right.

"Kapag hindi ka pa rin niya tinawagan ngayong gabi, ako na mismo ang pupunta sa Japan bukas. I promise," her worried face became calm and she gave me a little smile.

Maya-maya pa lang ay tumunog ang telepono niya, nagmadali niyang tiningnan ito. Akala ko rin si Marco na, pero isang text lang pala ito galing kay Maynard.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon