Chapter 13

1.2K 43 5
                                    

Jenny

Nagising ako sa isang puting silid at alam ko na kaagad ang ibig sabihin no'n, nasa isang hospital room ako.

"Jenny," the people in the room hurriedly called me as I tried to sit. Napatingin naman ako sa aking kamay nang maramdaman na may nakatusok doon at napansin ko rin ang mga galos na aking natamo. Sumakit tuloy ang ulo ko bigla, kaya sinapo ko ito.

"Are you okay?" Napakunot ang aking noo nang makitang ang tiyuhin kong si Tito Renz ang nasa silid at sila Mayra at Mikah. Nagtaka naman ako kung bakit sila ang naririto, hindi ba dapat ay ang mga magulang ko ang tinawagan nila.

"Tito, sila mommy?"

Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Tito at bumuntong hininga muna, saka ako sinagot.

"Jenny, the hospital contacted them. But they both didn't answer. Kaya ako tinawagan at ako ang unang nakarating dito sa ospital. Pero mukhang mas mabuting ako ang nauna, dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa pinsan ko ang nangyari sa'yo. Gusto kong makasiguro kung gusto mo bang sabihin na sa kanila ngayon."

Nang dahil sa paliwanag ni Tito ay mas lalong nagkasalubong aking mga kilay at napabaling na rin sa aking mga kaibigan ko na nasa aking kabilang gawi. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit ano bang nangyari sa akin.

Sa pagkakaalala ko kasi ay may nakabangga sa akin at naghihinagpis ako sa kagaguhan ni Tristan sa akin. Kung iyon lang naman, hindi na naman kailangan pang ilihim ko iyon kina Mama.

"Tito, alam naman nila mama ng tungkol kay Tristan at –"

"How about the baby, did they know?"

Tito Renz's question got me stunned, it made me deaf. Baby? Tama ba ang pagkakarinig ko? Anong pinagsasabi niya?

Nag-palipat lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo at nakita rin ang kakaibang kalangkutan sa dalawa kong kaibigan na parehong nakahawak sa aking braso at kamay. "Tito? What baby?"

"You were 4 weeks pregnant, Jenny."

"Ano po? What are you talking about?" Napahawak na ako kaagad sa braso ni Tito at tinitigan siya nang puno ng kaguluhan.

Were? I was? Does he meant, I...

Dumako kaagad ang aking kamay sa aking tiyan nang mapagtanto ang nangyayari, kaya hindi nila tinawag ang mga magulang ko. Dahil buntis ako at pati ako ay hindi ko pa alam.

"Where's my baby, Tito? Answer me, tell me."

Tumulo na ang kanina pang nagbabadyang luha sa aking mga mata at kasabay nito ang pagtulo rin ng mga butil ng luha sa mata ng aking kausap. Alam ko na ang nangyari, pero gusto ko paring marinig. Gustong marinig ng dalawang tenga ko ang katotohanan at ang aking nagawa.

"Jenny, calm down. You—" Hindi tinuloy ni Tito ang kanyang sinabi at tumitig lang sa akin ng malalam. Pero hindi ako matatahimik nito, kaya dalawang kamay ko na ang kumapit sa magkabilang braso ni Tito.

"Tell me, please" I said while sobbing and looking straight to his eyes. Pinilit naman ni Titong punasan ang mga luha ko saka na niya sinabi ang mga katagang kanina ko pa inaantay marinig.

"You miscarried, Jenny. Wala na ang baby."

Napabitaw ako kay Tito at napayuko na lamang saka mas bumuhos ang mga luha ko at napahagulhol na ako sa iyak.

"The baby is gone. I killed my baby, Tito. I killed it, right? I killed the baby, right? It was my entire fault! I killed an innocent child!" Wala sa sariling pinagsusuntok ko ang aking dibdib gamit ang aking mga kamao. I kept on murmuring that I am a murderer and I killed my baby. I killed someone who doesn't even have the chance to see the world, I killed an innocent child; my child.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon