Chapter 1

8.6K 162 3
                                    

Chapter 1

Jenny

"Wow! Lakas ng loob niyang bumalik pa sa school 'no?" Narinig kong tanong ng isa sa mga babaeng nakasalubong ko patungo sa Canteen. Bibili lang sana ako ng pagkain at kakain nalang sa rooftop, pero 'di ko pala magagawa nang matiwasay 'yon.

Nasa akin na naman kasi ang atensyon ng madla, sa bawat hakbang ko naririnig ko na naman ang iba't ibang komento nila. Ano pa nga bang magagawa ko kun'di ang magbingi bingihan na lang, pero sa loob ko ay sobrang nasasaktan na ako. Hindi lang dahil sa mga salitang nanggagaling sa kanila, kun'di dahil sa sakit na dinulot ng lalaking 'yon.

"Akala mo kasi kung sinong inosente, tapos makikita mo nalang ang pictures niyang may kahalikang iba. Malay ba natin kung hanggang halik lang, kaya tama lang na nag-break na sila." Isang komento ulit 'yon, pero pinalampas kong ulit. Dumeretso na ako sa counter para mamili ng pagkain at mabayaran na agad, pero nakuha ang atensyon ko ng kararating. Walang pinagbago sa itsura niya, nakasuot parin siya ng snapback cap at simpleng T-shirt na pinaresan ng jeans. Ang kaibahan nga lang ngayon ibang babae na ang kasama niya at punong puno na ng pagkamuhi ang pagtingin ko sa kanya.

"150 lahat," sabi ng tindera. Agad akong naglabas ng pera sa wallet ko, saka ko kinuha ang pinamili kong juice at spaghetti. Matapos kong magbayad ay tumalikod na ako para maglakad, pero biglang may bumangga sa akin. Napasinghap ako nang matapon sa damit kong suot ang juice na dala ko, kaya nabitawan ko na rin sa gulat ang dala kong pagkain.

"Hahaha, ang pangit na nga tanga pa! Saan ka ba nakakakita ng tangang nerd? Dito lang meron niyan, si Jenny Ann! Hahaha!"

Sunod sunod na halakhak ang umalingawngaw sa aking paligid, kaya wala akong nagawa kundi ang yumukong maglakad. Pero bago pa man ako makalabas sa Canteen ay may pumatid sa akin, kaya agad akong nadapa. "Ooops, sorry. May tao pala d'yan," sarkastikong sabi ng nakabangga sa akin.

Nilingon ko kung sino ito, kaya laking gulat ko na katabi pala siya ng babae. Galit ako sa kanya, pero wala akong magagawa pa.

Umiwas ako ng tingin at tumayong muli, pero 'di pa ako nakakaalis nang magsalita siya. "Huwag mo nang ipahiya pa ang sarili mo, tama na ang panglolokong ginawa mo sa akin. 'Wag mo nang dagdagan pa ang kahihiyan mo," aniya.

Napanganga ako sa sinabi niya at siya pa talaga ang may ganang magsabi no'n? Naikuyom ko agad ang kamao ko, walanghiya siya! Nag-angat ako ng tingin at nilapitan ko siya.

"Aalis na talaga ako, kasi ayaw na ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo. You jerk!" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay isang malutong na sampal ang pinakawalan ko sa kanyang kanang pisngi, saka ako tuluyang nagmartsa palabas ng Canteen. Aalis ako, pero babalik ako para maningil. At kapag ako ang naningil, mas malaki ang kukunin kong kapalit.

Napailing-iling ako kaagad at binalik ang tingin ko sa loob ng classroom. Napatingin kasi ako sa gawi ng canteen kaya naalala ko na naman 'yon. I don't need distractions now.

Kaya naman tumayo na ako sa kinauupuan ko at inisa isang nilagay sa bag ko ang mga gamit ko. Nagliligpit nalang ako ng kalat sa desk nang may lumapit at umakbay sa akin. Alam na alam ko ang amoy niya kahit na isang linggo pa lang kaming magkasama. I eyed the tall guy and looked straight to his mesmerizing closed set of eyes.

"Jenny, sumama ka sa amin! Pupunta kami sa Klaus Bar, libre ko ngayon!" Nakangiti siya habang sinasabi iyon, kaya naman 'di ko na rin mapigilang ngumiti na rin sa paanyaya niya. Sino ba ang makakatanggi sa isang Wendell Alberto?

Siya lang naman ang tinaguriang pinakagwapo raw sa Business Management Department. With his cupid bow shape lips that's always smiling, who wouldn't want to hang out with this guy? Not just his looks, but his tall built and lean shoulders makes you want to lean on them for support, because his oozing sex appeal can bring you into your knees.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon