Chapter 2 : Manila

25 1 2
                                    

Hani's POV

Nakababa na ko ng taxi at nagcheck-in na sa condo. Iniisip ko pa rin kung saan tumutuloy si Four. Hinabilin rin kasi sya sakin ni Aling Terisa. First timer kaming dalawa sa Manila eh.

Nasa elevator na ko ng may biglang pumasok na lalaking naka all black outfit. Leche ah! Kanina ko pa napapansin 'to! Sino ba 'to? Huhu! Sinusundan nya ko eh! Oo feel ko! Hays first time ko sa Manila tapos pati sa condo may susunod pa rin sakin? Akala ko safe na eh. Bat parang may holdaper/rapist/gangster rito? Ajujuju!

Kalmado lang ako habang kaming dalawa lang ang nasa elevator. Hays yung puso ko! 'Lord isave nyo po ako. Tulungan nyo po ako. Sana po walang gagawing masama saakin ang taong 'to' panalangin ko sa isip ko.

Yes! Sa wakas at tumunog na rin sa floor ko. Binilisan ko na ang pag-alis sa elevator para makaalis na ko sa tabi nya. Buti naman at hindi rin kami same floor. Dininig ni Lord yung prayer ko.

"Psst!" Ow! Sino yon? Mag-isa lang akong naglalakad dito sa 6th floor at ba't parang may naririnig rin akong tunog ng maleta? Hindi naman bumaba yung lalake kanina eh.

"Hoy kung sino ka man lubayan mo ko ah! Di kita kilala! Di ako nakikipagbiruan sayo!" Lumingon ako sa likod para icheck kung sino yun pero walang tao. Huhu! May multo?

Nandito na ko sa tapat ng pintuan ng room ko at bubuksan na sana ng mahagilap ng mata ko sa gilid na nandun yung lalakeng nakablack! Pakshet! Si Four!?

"Hoy! Pa-psst psst ka pang nalalaman dyan ha! Ikaw lang pala yan! Sabi na nga ba't nagpapabebe ka lang kanina na di mo gustong sumama sakin eh! Ikaw talaga! Type mo ko no?"

"Hahahaha!" Tinawanan ako ng loko!

"Like what I've said earlier, di kita type. Magkatabi tayo ng room kaya nandito uli ako kasunod mo. Wag ka masyadong feeler. Di kita type okay?" FUDGE!! Sya lang nambara sakin ng ganito. I hate him! Inirapan ko sya at padabog na binuksan yung pintuan.

Sasaraduhan ko na yung pinto ng biglang nagsalita ulit sya "Wag kana magalit. Lalo kang napangit eh" sinasagad nya talaga ko! Di ko na sya sinagot at padabog na sinaraduhan ang pinto. Badtrip na araw 'to!

-

Maganda. Maganda 'tong room ko. I like it! Ganto pala yung condo. Ang ganda pala talaga. May furnitures at picture frames ko na rito. Dati pa talaga sya binili ni lolo for me.

Umakyat ako sa taas at nakita ko ron yung dalawang kwarto. Guess room siguro yung isa then para sakin naman yung isa.

Inayos ko na yung mga laman ng maleta para dire-diretso na ang pahinga ko. Wait! Tatawagan ko nga pala si best friend Mina!

"Hello beb!! Ano? Nandito kana sa Manila? Ayy gusto na kitang makita!"

"Yes beb! Nandito na ko. Di ako familiar sa Manila eh pero saan ako sasakay ng taxi? May nadaan bang taxi sa mga hotel?" Oo na, ako na taga bundok. Eh diba hotel. Malay mo puro mga may ari lang ng kotse ang nandito. Baka maglakad pa ko sa kanto bago makasakay eh. Ayoko ng ganon!

"Hay nako beb! Napaka-first timer mo talaga. Ako nalang ang pupunta dyan. Nakapagpaalam na ko dito sa inuupahan ko at ok raw. Nakapag-ayos na rin naman ako ng gamit. Pag dating ko dyan magtour tayo rito sa Manila. Hahaha!"

"Hay ba't di ko naisip yan? Sige ikaw nalang pumunta rito. Ingat beb! I cant wait na magkita ulit tayo! Yieee! Sige na, bye! Ingat sa byahe." Binaba ko na yung tawag at pumunta sa kusina. Gutom na talaga kasi ako eh. Kanina pang byahe.

Wow! Wala pa nga palang laman 'tong ref. nasabi nga pala yun ni lolo sa letter. Antungaks ko! Nagugutom na ko eh. Tatawag nalang ako at oorder ng pagkain sa baba.

MY QUEEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon