Hii :) Sorry late update. Ngayon lang umayos yung wifi samin.
Carl on mm <3--
Hani's POV
"BEB LATE NA TAYOOOW" Sigaw ni Mina saakin.
First day of sportsfest at bawal ang late dahil may parade pa. Kung may malate man, dun pipila sa likod kasama ng banda. Ayaw naman namin ng ganun shempre.
"Wait lang! Mauna kana sa parking susunod nalang ako"
Narinig ko na sumara na yung pinto at siguro'y sinunod nga ako ni Mina.
Nagtatagal ako ngayon dahil hindi ko mahanap yung ID ko. Last time kasi nasa cr ako sa school at nagbihis tas nilagay ko sa bag. Yun yung time nung last training.
"Nasan na ba kasi yun?" Saad ko habang ginugulo lahat ng drawer sa kwarto.
Kapag kasi walang ID, mumultahan ka pa ng guard at bibigyan ng temporary ID para makapasok sa univ. Kainis nga dahil ang daming kaek-ekan.
'Beb magbayad ka nalang sa school ng ID. Late na tayo srsly'
Nakareceive naman ako ng text mula kay Mina kaya susundin ko nalang yung sinabi nya.
Lumabas na rin ako at nilock yung unit. Asan kaya yung ID? Ayoko kasing gumastos hahaha
--
MONTESSORI UNIVERSITY
"Manong, pahingi pong temporary ID." Buti naman at inabutan agad ako ni manong guard ng ID. Hala nakapila na sila myghawd
"Eto hija, sundin mo yung rules ha. Ibalik mo sakin 'to bago ka umuwi. Bawal mabasa, bawal---" Hindi ko na sya pinatapos dahil late na talaga ako.
"Opo opo! Ayan po bayad, ge keep the change"
--
Tugtog here, tugtog there, tugtog everywhere. Nakapila na naman kami at buti sakto ang aming pagdating sa paglakad ng parade.
Whuut ang inet! Wala me payooong "Beb may dala ka bang payong?" Tanong ko kay Mina.
Kinalkal nya naman yung bag nya at shing may payong pala syang dala. "Beb di ka girl scout ngayon ah. Tsk tsk"
"Oo nga eh. Ngayon lang naman. Nag focus kasi ako sa paghahanap nung ID"
"Oh eh kamusta? Wala ba talaga sa kwarto?"
"Wala beb eh. San ko nalang yun hahanapin?"
"Sa bag mo wala?"
Waley? Yup. Kanina pa ko paulit ulit na hinahalungkat yung bag ko pero wala naman dun. Inilingan ko si Mina bilang sagot.
"Osya ewan ko na sayo kung san mo sya hahanapin" Saka hinila yung braso ko at naglakad. Napatigil pala kami kanina dahil sa pagkukwentuhan.
Taraaay nya naman hindi ako tinulungan hanapin. Tsaka wait? Worried na worried ako dun sa ID eh ID lang naman yon. Tss focus na nga ako ngayon sa sportsfest.
--
"Magbreak time muna kayo tapos 10minutes na pahinga at saka na natin sisimulan ang games" Saad ng principal saamin.
Nakabalik na kami rito sa univ pagkatapos ng paglalakbay na paikot ikot lang ang ruta para humaba ang daan ng parada.
Nagsitakbuhan na ang lahat para mauna ng makakain dahil paniguradong mahaba ang pila at siksikan pag nagkasabay sabay.
BINABASA MO ANG
MY QUEEN
FanfictionMeet Hani. Simple, masunurin at magalang na bata. Nakatira sya kasama ang kanyang Lolo Gino, ang nagiisang tao na kasa-kasama nya sa pang araw araw. Maagang naulila si Hani sa mga magulang dahil ang kwento ng lolo nito ay namatay ang kanyang ina noo...