Chapter 4 : Papansin

17 2 1
                                    

Hi guys! Sana binabasa nyo at sinusuportahan yung story ko. Vote and comment please. Thank you! Friendly naman ako hahaha! :D btw JB on mm.

-

Hani's POV

"Beb huhu sorry talaga! Hindi ko rin naman kasi aakalain na uuwi na pala si papa ngayon. Sorry beb hindi kita mababantayan" nagiiyakan kami ni Mina kasi aalis sya. Huhu! Uuwi kasi yung papa nya at syempre kailangan nilang mag bonding.

"Aw beb! Nabigla lang kasi ako. Naiintindihan ko naman. Nako! Wag na nga tayong magiyakan. As long as sabay pa rin tayo pumasok okay? I-enjoy mo muna 'tong bonding nyo ng family mo."

"Osige! Promise beb magkasama ulit tayo bago magpasukan." Uuwi kasi syang Visayas. Yun yung pinaka-hometown talaga nya. Lumipat sila sa Batangas dati kaya nakilala ko sya.

Hays. Three days yata sya ron. Malapit na rin kasi yung pasukan at nag-aalala na kami sa isa't isa dahil dun sa threat kaya nagddrama kami sa isa't isa ngayon.

"Osige beb, promise mo yan ha! Sige na baka mahuli ka pa sa flight mo. Ingat! Text text nalang ok? Byeee" kumaway naman sya at pumasok na sa loob ng airport.

Magisa akong umuwi sakay ng taxi. Nagiisip ako kung anong plano ko for the next 3days na wala si Mina. Walang maingay sa bahay. Walang cook. Oo mamimiss ko yung luto nya

Napagdesisyunan ko nalang na manood ng movie magisa. Baka sakaling maaliw ako. Kumain na rin ako ng ice cream para mas enjoy ko pa kaso wala talagang nangyayari. Tulala pa rin ako. Para naman akong tanga! Magbabakasyon lang si Mina kala mo ng namatayan uli ako eh. Ayos Hani! Wag kang matakot sa threat na yan!

Bumalik ako sa ulirat ng may nagdoor bell. Sino kaya 'to? Wala naman akong inimbitahang bisita eh.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng maalala ko na baka eto yung nagtetext sakin. Baka sinusundan nila ko! Mas lalo akong kinabahan dahil nabuksan yung pinto. Pakshet! Hindi ko nalock kanina!

"Hoy Hani! Ako 'to si Four! Tara magMOA! Nabobored ako sa unit ko. Atsaka diba umalis si Mina baka kako nabobored kana rin dyan. Labas labas ng lungga!" Nakahinga ako ng maluwag ng nalaman kong sya lang pala yon.

"Hays kinabahan ako sayo eh! Osige tara na! Pagdrive mo ko ha"

"Iniisip mo nanaman yung UN na nangungulit sayo. Tsk magrelax ka naman minsan. Ako talaga ang magddrive. Wala naman akong tiwala sayo pag ikaw ang nagdrive. Mahal ko pa buhay ko" grabe sya sakin! Walang tiwala ang loko! Sinamaan ko sya ng tingin pero inirapan nya lang ako at naglakad na palabas. Automatic naman na sumunod ako sakanya at nilock yung pinto. Napakasungit nya talaga kahit kelan

Nga pala hindi ko nakwento sainyo na close na kami nyang si Four. Pati si Mina close nya rin. Sya ang savior namin palagi

Last time kasi naisipan namin ni Mina na bumili ng ihaw ihaw sa labas. Nag-crave kasi kami na yun ang kainin kaya naghanap kami ng may tindang ganon. Habang naglalakad kami pauwi may kung sinong lalake ang sunod ng sunod saamin. Mukha syang adik seriously! Takot na takot kami non ni Mina kasi nakatingin pa sya sa legs namin. Hindi nalang namin pinansin para malaman nyang wala kaming pake sakanya kahit ang totoo ay takot na takot na kami dahil baka kung anong gawin nya samin.

Binilisan namin ni Mina yung lakad pero tumakbo yung lalake papalapit samin at may kasama na pala syang isa pang lalake. Hinawakan nila yung braso namin ni Mina. Naiiyak na kami nun dahil ang sakit ng pagkakahawak nila samin at kung ano anong sinasabi.

Hindi kami makaganti kasi wala kaming alam na pang self defense. Napapikit kami ni Mina kasi sasampalin na sana kami nung dalawa pero walang lumapat na kamay sa mukha namin. Dumilat kami para makita na niligtas pala kami ni Four non at JB. Yung best friend nya. Sinuntok nila yung dalawa kaya nakaligtas kami.

MY QUEEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon