Hani's POV
"Lolo, wag nyo po akong iwan! Lolo!"
Nandito ako sa ospital ngayon dahil dadalawin ko si Lolo. May sakit sya sa puso noon pa man.
Pumasok ako sa kwarto nya at naabutan ko nalang syang naghihingalo na. LOLO WAG NYO PO AKONG IWAN!!!
"Hani..... Apo! Makinig ka saakin... Mahal na mahal ka ng lolo. T-tapusin mo ang pag-aaral mo sa Manila. In-enroll na kita don dati pa, bago ka pa man din ipanganak. B-bisitahin mo ang building ng pamilyang ******. Kunin mo sakanila ang pamana ko para sayo. At apo patawarin mo ang lolo"
"Lo naguguluhan po ako. Ano pong meron roon? Hindi naman po tayo mayaman diba? Lo bakit po? Ano po yang sinasabi nyo na patawarin ko kayo?" Naguguluhan talaga ko. Kailangan ko ng sagot galing kay Lolo.
Hinawakan ko ang kamay ni Lolo at kakausapin na sana ng marinig ko ang tunog na ayaw kong marinig. Ang tunog na nagsasabing tapos na ang buhay ni Lolo. Agad akong tumawag ng doctor sa labas para ma-survive si Lolo.
Kitang kita ko na ginawa ng doctor ang lahat ng makakaya nila para isurvive ang buhay ni Lolo, pero wala na talaga. Hagulgol ako ng hagulgol rito. Wala akong masandalan ng balikat. Ang bigat sa pakiramdam ko. Si Lolo. Wala na si Lolo Gino. Kinuha na sya ni God. Si Lolo na nagpalaki saakin. Sya ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ako. Si Lolo na kasama ko sa pagtupad ng pangarap ko. Si lolo na nagsisilbing taga payo ko. Si lolo na tumutulong saakin at nagchicheer up sa bawat contest na sinasalihan ko. Ngayon wala na sya.
Lolo mamimiss kita! Pero masaya na rin ako para sayo dahil hindi kana mahihirapan. Kasama mo na si God at alam kong masaya kana dyan. Babantayan nyo po ako nila mommy at daddy ha? I love you, Lolo!
Lumabas na ako dahil dinala na nila si lolo sa funeral. Habang nakaupo ako ay lumapit saakin ang isang nurse at may ibinigay na wallet.
"Ma'am, kayo po ang kamag-anak ni Mr. Gino Tolentino diba? Binilinan nya po kami na ibigay ito sainyo. Sige po, aalis na po ako" binigay nya saakin ang wallet ni Lolo at naglakad paalis.
Binuksan ko ito at nakita ko ang I.D ni lolo. Dalawang libo lamang ang pera doon at puro credit cards na ang nakita ko. Tinignan ko ang mga credit cards at bago lamang ang date na nakasulat rito. Nung ibabalik ko na ito ay may nahulog na papel sa likod ng isang credit card.
"Apo, masayang masaya ang lolo sa mga tagumpay na nararating mo. Sa tuwing nakakakuha ka ng medals at certificates, proud na proud ang lolo sayo. Gustong gusto ko na nakikita kang nagpeperform sa entablado at ipinapakita ang talents mo. Gustong gusto ko rin na pumapanik ng stage at sinasabitan ka ng bawat medalya na nakukuha mo. Sobrang swerte ko apo sayo dahil napakasipag, masunurin at mabait kang bata. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil nakasama kita ng matagal kahit na may sakit ako. Patawarin mo ako apo kung may pagkukulang man ang lolo. Apo, mamimiss ka ng lolo kapag nawala na ako. Pero ipinapangako ko naman na babantayan pa rin kita. Kami ng mga magulang mo ang magbabantay saiyo. Apo, patawarin mo ang lolo kung naglihim ako sayo."
Lihim? Nagtago kayo ng sikreto Lolo? Ano po iyon?
"Apo sa Manila mo tatapusin ang pag-aaral mo. In-enroll kana ng Lolo sa isang pribadong paaralan doon. Alam kong gusto mo ng makasama ang kaibigan mong si Mina kaya kinuha ko kayo ng condo na matutuluyan. Alam kong nasurpresa ka apo pero please, ipagpatuloy mo pa rin ang pagbabasa nito."
Lolo bakit nyo po nilihim saakin 'to? Masaya po ako dahil makakasama ko na si Mina at doon rin ako mag-aaral sa pinapasukan nya. Pero naguguluhan po ako dahil ang Montessori University ay paaralan ng mga mayayamang bata. At condominium? Paano makakabili ng room ron si Lolo eh hindi kami ganoong kayaman?
BINABASA MO ANG
MY QUEEN
FanficMeet Hani. Simple, masunurin at magalang na bata. Nakatira sya kasama ang kanyang Lolo Gino, ang nagiisang tao na kasa-kasama nya sa pang araw araw. Maagang naulila si Hani sa mga magulang dahil ang kwento ng lolo nito ay namatay ang kanyang ina noo...