Hani's POV
Hindi ako nakapanood ng maayos ng movie. Hindi ko naenjoy yung pop corn. Ang daming gumugulo sa isip ko. Nasayang ang effort namin ni beb na mag-enjoy manood ng movie ng dahil sa unknown number na kagabi pa text ng text at tawag ng tawag. Hindi ko naman mapatay yung phone ko kasi malay mo may emergency na mangyari.
Anyway, second day na rito ni beb. Ay forever ko na nga pala syang makakasama rito sa condo at pati na rin sa school.
Shemay! School nanaman! Gusto ko ng pumasok para makapag-aral at makatapos kaso sa tuwing naaalala ko yung threat nung unknown number ay kinakain ko lahat ng salitang sinasabi ko. Nakakainis!
"Oh beb. Umagang umaga ang lalim ng iniisip mo. Kwentooooo!!" Saad nya atsaka nilapag sa lamesa yung niluto nyang breakfast. Chef ko sya rito hahahaha!
Hindi ko pa nga pala nakkwento sakanya yung nagbigay ng threat saakin about sa pagpasok ko sa school.
"Uhm beb kasi kagabi habang nanonood tayo ng movie may tumatawag at nangungulit saakin sa text. Hindi ko naman sya kilala pero kung magtext sya sakin parang kilalang kilala nya na 'ko." Miski kasi ako naguguluhan. Paano nga naman kasi magkakaroon ng may kilala saakin eh galing akong probinsya
"Ohh? True? Ano bang mga sinasabi nya sayo? Nirereply-an mo ba?"
"Oo beb, true. Sinabihan nya ko na gagawin nyang miserable ang buhay ko kapag pumasok ako sa Montessori University. Sinagot ko yung isang tawag pero di ko nireply-an yung texts nya." Pustahan nagcoconclude na rin 'tong si Mina.
"Ahh. Eh wag ka nang paapekto beb. Wala pa naman tayo sa school eh. Malay mo nawrong--" pinutol ko ang sasabihin ni Mina at sinagot sya kaya natigil sya sa pagkain.
"Hindi sya nawrong-sent beb. Kasi yung mga texts nya sakin parang sinasagot nya yung mga tanong sa isip ko. Ano maniniwala ba ko rito?"
"Ohh? Wth! As in tugmang tugma!? OMG! Mag-enroll na tayo!" Aba ang gaga! Enroll? Eh natatakot na nga ako! Akala ko pa naman papagaanin nya na yung loob ko.
Tatayo na sana sya para maligo ng pinigilan ko sya at hinila paupo.
"Gaga! Akala ko naman pagagaanin mo yung loob ko! Eh anong mag-enroll na? Nababaliw kana ata! Malay mo pagpasok na pagkapasok natin sa gate eh barilin agad ako don" OA na kung OA. Eh malay nyo naman diba? Mahal ko buhay ko!
"Gaga! OA lang? Kasama mo naman ako sa school na yon. Same grade tayo, same class, same section. Parehas tayo sa lahat in short di tayo magkakahiwalay kaya never na mapapahamak ka run. Mag-enroll na tayo kasi May na. Baka gusto mo sa last pulsyo pa?"
"Aba wag naman. Osige ganun ba? Magliligpit lang ako nito tapos susunod na rin maligo. Ayoko rin ng late baka mahaba pa ang pila ng enrollies"
Napagdesisyunan namin na mag-enroll na para mabalot na rin yung books at makapamili na ng mga kailangan. Ang hirap kaya kapag sasabay pa kami sa iba! Ang haba ng pila sa counter ng NBS kapag pasukan. Nakakainip lang
Although kinakabahan pa rin ako, think positive pa rin kasi kasama ko naman si beb. Hays. Aja Hani! T_T
--
Third person's POV
Habang bumabyahe papuntang school sila Hani hindi nila namamalayan na may sumusunod sakanilang black van.
"Manong please stop the car" utos ng leader nila.
Tinigil naman ito ng driver sa di kalayuang bahagi ng school. Pagmamasdan lang nila ang kilos ng dalawang dalaga.
BINABASA MO ANG
MY QUEEN
FanfictionMeet Hani. Simple, masunurin at magalang na bata. Nakatira sya kasama ang kanyang Lolo Gino, ang nagiisang tao na kasa-kasama nya sa pang araw araw. Maagang naulila si Hani sa mga magulang dahil ang kwento ng lolo nito ay namatay ang kanyang ina noo...