Nagbirthday si Carl (Sehun) nung April 12. Nabati nyo ba sya guys? Hahaha! By the way sorry sa late update. Carl, Kurt, Mico, & Jackson on mm :) Ang gugwapo nila! Hahaha pakshet <3
--Hani's POV
Second day whoot! Whole day kami ngayon sa school. And sana wala pa rin masyadong ipagawa samin. Hahaha! Joke lang na excited ako no! Syempre galing bakasyon kaya maga-adjust muna paunti-unti.
"Beb may nakaupo sa seat mo" Tumingin naman ako sa pwesto ko at nakita kong may nakaupo ngang lalake.
Aba aba! May nakalagay ng pangalan sa chair tapos uupuan nya pa rin!? Sino ba 'to at ng mapaalis sa upuan ko!
"Excuse me classmate." Magalang na saad ko sakanya sabay ngiti pa. "Ako yung nakaupo dyan oh may pangalan ko na sa sandalan ng upuan" sabay turo ko naman sakanya nung name na nakadikit sa chair.
Tinignan nya lang ako na parang sinasabi na oh-ano-naman-look. Grabe sya! Umagang umaga iniinis nila ko!
May pumasok na tatlo pang lalake sa pinto kaya napatingin kami ron. Iritan kasi ng iritan ang mga babae naming kaklase. Sino ba sila? Dumiretso sila dun sa tabi kong upuan kung saan nakaupo rin dapat si Mina. Inaagaw ba talaga nila samin yung upuan?
Inaway rin sya ni Mina. Wait, Kailangan ko nga palang makuha ulit yung pwesto ko. Maaga pa naman bago magbell kaya ayos lang na mag-away kami rito. Wala pa namang papasok na teachers.
"Hoy ako kasi nakaupo dyan! Ba't ba nang aagaw pa kayo ng pwesto? Umalis na nga kayo ng mga kaibigan mo sa pwesto namin. Urghh! Ang dami dami pang bakanteng upuan eh! Dun nalang kayo umupo. Chupi na!" Yes 'kayo' ang term kasi yung dumating na tatlong lalake kanina ay kaibigan nya pala. Nagfist-bomb pa kasi sila kaya confirmed na kaibigan nya nga yun.
Hinigit ko yung mabigat nyang braso para makaalis na sa upuan ko. Wala syang pake kahit ginagawa ko yun sakanya dahil nakatitig lang naman sya sa phone at kung ano ano ang ginagawa.
Aba naman! Ang bigat bigat ng braso! Ughh!! Naiinis na ko ng sobra kaya hinila ko sya ng buong pwersa. Kaso wala talaga! Ni hindi sya gumalaw sa pwesto nya nung hinigit ko sya. Peste! Ang bigat ba ng pwet nila at ayaw talaga nilang umalis ron?
Hihigitin ko na ulit sana yung braso nya ng ako ang hinigit nya. Pakshet ang lapit ng mukha namin sa isa't isa! Whooo! Yung mukha nya ang pula pula na! Naiinis kaya sya saken? Pwes mas naiinis ako sakanya!
"Ano ba kase! Upuan namin yan eh! Ang dami dami pang bakante tapos dito nyo pa trip umupo!"
Ngumisi naman sya atsaka tinapat yung bibig nya sa tenga ko at nagsalita "Ikaw na rin ang nagsabing marami pang bakanteng upuan. Bakit hindi nalang kayo ang lumipat? Nakakahiya ka na Hani dahil kanina ka pa pinapanood ng mga kaklase natin. Hahahaha"
Pakshet sya! Unti unti naman akong lumingon at napagtanto kong nakatingin nga silang lahat saakin. Urgh! Malilintikan talaga sakin 'tong lalaking 'to eh! Umagang umaga bad trip na agad ako!
Teka nasan ba ang ID nito? Ahh okay. Carl Nieves. Huh! Nainis ulit ako nung maalala kong kapangalan nya yung kababata kong hindi tumutupad sa usapan namin noon. Sabi nya babalikan nya ko after 6years. Eh ano na ngayon? Wala pa rin sya! Nakakainis, paasa! -.-
Inis ko namang tinatanggal yung pangalan ko sa likod kaso sinandalan nya na yung upuan kaya pati tuloy kamay ko naipit nya na.
"BEB! Dito!" Tinawag naman ako ni Mina na ngayon ay nakaupo na sa last row. Tulad ko ay nakabusangot rin ang mukha nya.
Hinigit ko na ang kamay ko sa likod nya at tinignan sya ng masama saka tumungo sa pwesto ni Mina. Hahayaan ko nalang ron yung name. Babalikan ko yung upuan na yon bukas. Hay nako!
BINABASA MO ANG
MY QUEEN
FanficMeet Hani. Simple, masunurin at magalang na bata. Nakatira sya kasama ang kanyang Lolo Gino, ang nagiisang tao na kasa-kasama nya sa pang araw araw. Maagang naulila si Hani sa mga magulang dahil ang kwento ng lolo nito ay namatay ang kanyang ina noo...