Nandito kami ngayon sa tambayan ng mga tropa nila R2. Sinundo ako ni Ronnie kanina sa bahay kaya sabay kami nakarating dito sa school. Medyo maaga-aga pa kaya tumambay muna kami kasama yung dalawa naming kaibigan sina Mccoy at Paulo.
Habang nagk-kwentuhan kami biglang nabanggit ni Mccoy na may pa-audition daw yung Showtime dapat magaling sumayaw at kumanta na mga lalaki. Gusto namang itry ng tatlo.
" Bat hindi niyo itry? Magaling naman kayong kumanta tska sumayaw. " sabi ko.
" Sayang din yun! Try lang natin mga bro minsan lang naman to eh " sabi ni Mccoy. Sumang-ayon naman si Paulo.
" Oh! Ikaw pare ayaw mo ba? Sayang yun " tanong ko kay R2
" Eh pano naman pag-aaral ko? Tsaka pano kung maka-pasok kami? Sino na magbabantay sa pare ko? " sabi ni R2. Pare na talaga yung tawagan namin dati pa.
" Kung maka-pasok man kayo malay niyo makatulong pa ito. Tsaka okay lang ako dito noh? Ako pa! Malakas kaya ito💪" sabi ko.
" Lakas ni Nicole oh! Yan tayo eh" sabi ni Angelo.
"Sige na R2 try mo lang. Nandito lang ako. Support ko kayo" sabi ko.
" Sige na nga haha sayang rin naman pala itong kagwapuhan ko " sabi ni R2. Ang yabang talaga!
Maya-maya pa'y pumunta na kami sa mga classroom namin dahil nag bell na. Tss! Eto yung pinaka-ayoko pag pumapasok dito sa classroom eh. Makikita ko nanaman yung chixsa school namin. Si Kyza yung ex ni Ronnie. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ako parin yung sinisisi niya sa pag break up nila. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Hindi ko nga sila pinapakialaman.
"Nicole can you make shupi. You're blocking my way!" Sabi ni Kyza sabay tulak sakin ng malakas. Kaya napabagsak ako sa sahig.
" Kyza ano ba! Hindi ka ba marunong mag excuse? " sabi ko sabay tayo. Ano bang meron sa bruhang to? At nagustuhan ni R2 eh nandito naman ako Chos!
" Why naman? Eh hindi naman worth it yung excuse ko sa isang girl like you" sabi niya. Aba! May pa-english english pa ang bruha, akala mo naman kung sinong magaling. Conyo naman.
" Alam mo pasalamat ka wala ako sa mood makipag bangayan sayo, kundi kanina pa kita tinira" sabi ko naman.
Hindi naman nakasagot si bruha. Pinabayaan ko nalang. Porket hindi lang namin kaklase si R2 pwede niya na akong ganunin. Hmp! Nagkakamali siya. Makapunta na nga lang sa pwesto ko.
" Nicole, Anong nangyari? Bakit ang sama nanaman ng tingin sayo ng isa?" tanong ng katabi ko na si Paulo. Kakarating lang niya galing locker and yes, magkklase po kami.
Kinwento ko sa kanya ang nangyari. Si Paulo lang ang parating nakaka-alam kung ano ang pinag-gagawa sa akin ni Kyza. Hindi ko sinasabi kay R2 dahil baka mamaya sugurin niya pa si Kyza edi mas lalo akong kinainitan ng bruha kasi kinwento ko sa kanya.
" Sorry hindi kita natulungan agad" sabi ni Paulo.
" Nako! Okay lang yun noh, sabi ko nga diba malakas to 💪" sabi ko. Napatawa naman si Paulo. Maya-maya nag simula na ang klase.
Pagkatapos namin dumeretso na kami sa tambayan para kumain. Hanggang 4 yung klase namin kaya minsan may time kami para pumunta sa ibang place.
" Bar tayo mamaya tara? " tanong ni Paulo sa amin.
" Sige bro! " sabay na pagkasabi ng dalawa. Pati na rin ako.
" Teka teka! Sa aming mga lalaki lang yon hindi ka pwedeng sumama pare " sabi ni R2.
" Bakit naman? Eh minsan lang naman tayong mag bar ahh" sabi ko.
" Sige na bro! Sama mo na si Nicole para kumpleto tayo minsan lang naman eh " sabi ni Mccoy.
" Ayokong sumama si Nicole kasi baka mamaya kung ano gawin sa kanya ng ibang lalaki dun. Kaya pare wag ka nalang sumama okay?" sabi naman ni R2. Napaka-overprotective neto.
" Uh sorry guys kung hindi ako makakasama ahh siguro next time nalang ingat nalang kayo sa lakad niyo mamaya una na rin ako bye" sabi ko sabay alis. Kunwari lang akong nagtampo. Sarap kasi asarin nung isa eh
" Nicole!" Tawag sakin ni R2 pero hindi na ako lumingon. Uuwi nalang ako sa bahay para tumulong kela mama.
Pag- uwi ko sa bahay sakto nagluluto na si mama ng pang hapunan.
"Wow! Ang bango naman ng niluluto mo ma teka magbibihis lang po ako." Dumeretso na ako sa kwarto para mag bihis.
Tumulong na ako sa pagluto at pag ligpit ni mama. Sakto maghahapunan na rin kaya naghanda na rin ako ng mga plato.
" Ma! Si papa po? " tanong ko kay mama
" May business trip sa Cebu next month pa daw makakauwi" sabi ni mama. Sanay na ako kay papa simula kasi nung na promote siya sa trabaho niya. Sunud-sunod na yung business trip niya. Kaya kami lang ni mama tsaka yung isang kasam-bahay namin si ate Mary ang nandito sa bahay.
Pagkatapos naming kumain si ate mary na yung naghugas ng plato, si mama naman maliligo daw. Kaya pumunta na ako sa kwarto ko. Pag tingin ko naman sa phone ko naka recieve ako ng text kay R2.
From: Pare
Pare sorry na kanina alam ko nagtampo ka. Ayoko lang naman na may masamang mangyari sayo eh babawi nalang ako sayo next time pramis! Ingat ka <3
Kung maka-text kala mo bf ko eh. Pero sheeez bakit ako kinikilig? Hindi. Hindi pwede. Nicole bestfriend mo yann .
To: Pare
Miss mo na ko agad. Okay na ko dito nasa bahay na pala ako. Ingat kayo jan sa bar.Tawag ka lang pag may problema.
Pagka-reply ko sa kanya nag internet muna ako sa laptop. Hindi na nag reply si R2 kaya nag handa na ako para matulog.
🐽🐽🐽
---------------
Kaway kaway sa mga nagbabasa jan
Vote & Comment po😃
Okay ba? Comment kayo
BINABASA MO ANG
Never be Alone
FanfictionFans? Marami niyan si Ronnie. Ikaw ba naman maging kilig ambassadors ng showtime. Ang sarap siguro magkaron ng bestfriend na ganun noh? Ronnie Alonte fan-fic