Kabanata 15

151 7 6
                                    


Ronnie's P.O.V.

Natapos rin kaming mag practice, bumalik na kaming lahat sa dressing room para makapag ayos at makauwi na rin. Medyo late na rin kaming natapos ngayon dahil kailangan namin gumawa ng dalawang sayaw. Sabay-sabay na kaming bumalik sa dressing room.

" Guys saan pumunta sila Nicole?" tanong ni Mccoy.

Wala naman sa amin ang nakakaalam, sila ang naiwan dito kanina nung pumunta na kami sa dancing. Asan kaya pumunta yung dalawa.

Tinatawagan ni Mccoy si Kryxel ngunit hindi naman nito sinasagot.

" Bro try ko tawagan si Nicole" sabi ko.

Nag dial ako sa phone, nag riring naman pero hindi niya rin sinasagot. Ano bang ginagawa ng dalawa bakit ayaw nilang sagutin.

" Ronnie nandito phone ni Nicole oh" sabi ni Nikko nang ituro niya ang phone na nakalagay sa table.

Babaeng yan talagaaa.. Aalis alis tapos iiwan ang phone niya, pano pag mangyari sa kaya ayy nako.

Tinatawagan parin ni Mccoy si Kryxel hanggang sa sagutin niya ito. Ano ba ginagawa ng mga yun. Iniwan pa dito ni pare mga gamit niya.

" Hello Kryxel?" sagot ni Mccoy. Sa wakas naman sumagot na siya.

" Nasaan kayo... Ahh... Ok cge... Punta nalang kami jan.. Ok sige bye" mga sagot ni Mccoy habang kausap si Kryxel sa kabiang linya.

Tinanong namin kung nasaan sila, ang sabi nasa mall lang pala. Sana naman nagsabi sila kung saan ang lakad nila para alam namin.

Sumunod kaming dalawa ni Mccoy sa mall para sabay-sabay na kumain ng dinner. Ibang hashtags nauna nang umuwi baka maabutan sila ng ulan medyo kumukulog na ang langit.

Gamit ni Kryxel ang kotse ni Mccoy kaya nag commute lang kami papunta sa mall. Buti nalang hindi kami inabutan ng ulan, biglang bumagsak nang maka pasok kami sa mall, wala pa naman kaming dalang payong.

Dumeretso na kami sa restaurant kung saan nag hihintay ang dalawang prinsesa. Ayy!

Pagdating namin sa table nag sisimula na sila kumain, hindi na natiis ang gutom hindi na kami nahintay. Medyo marami silang order na nakalagay sa table, siguro nag order narin sila para sa aming dalawa.

" Nandiyan na pala kayo.. " tawag sa amin ni Nicole. Umupo muna kami.

" Ang bait niyo ata ngayon, nag order na kayo para sa amin" sabi ni Mccoy. Natawa si Kryxel.

" Anong order? Akin lahat yan! Mag order na kayo" sagot ni Nicole. Si Kryxel naman matawa tawa habang kumakain.

Nagtawag kami ng waiter at nag order. Sumabay narin kaming kumain sa kanila.

" Grabe Nicole babae ka ba? " tanong ko sa kanya. Sandamakmak ba naman kasi ang inorder niya at para sa sarili lang niya yon.

" Eh gutom mga alaga ko eh" sagot niya.

Nang matapos kaming kumain nagpa-bill na kami. Pagkatingin sa reciept O.O Ang laki! Mas malaki pa sa tiyan ni pare.

" Libre ko na dinner natin wag kayo magalala" sabi ni Nicole.

"Buti naman"

Naglakad-lakad muna kami sa mall bago umuwi, nabusog kami sa kinain namin.

" Pare! Naiwan ko bag ko sa dressing room" tawag niya sa akin.

" Dinala ko na.. Eto oh!" sabi ko sabay turo sa paper bag na hawak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Never be Alone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon