Nicole's P.O.V." GOOD MORNING WOOORLD! " masaya kong sabi.
Ang sigla-sigla ko ngayon, bakit? Kasi Sabado naaa! Wala nanamang pasok. Mapupuntahan ko na muli sina pare. Ang tagal rin nilang hindi nagparamdam ang lakas talaga nila mag pa-miss.
Nag handa na ako para pumunta sa studio, nag dala na rin ako ng extra na damit. Ready na magpapayat hahaha joke.
" Ma! Alis na po ako! Pupunta po ako sa studio kela R2" paalam ko.
" Mag iingat ka, may pera ka ba jan? " tanong ni mama.
" Meron po" sabi ko. Nagpaalam na ako kay mama and then lumabas na sa bahay.
_____________________________________
Mukhang napaaga ata yung pag dating ko dito ah. Si kuya Zeus tsaka si kuya Ryle lang ang nandito.
" Nicole! Anong meron ngayon bat ang aga mo? " tanong ni kuya Zeus.
" Ayy haha masyado ata akong na-excite pumunta dito" sabi ko.
" Mamaya mapapanood mo na kami sa stage pagkatapos naman pwede ka na ulit sumama sa amin mag practice"masayang sabi ni kuya Zeus.
Nakita ko naman si Ryle nakaupo lang habang naka earphones at linalaro ang phone niya. Nagpahinga muna ako, tutal wala pa namang tao.
Nag datingan na ang iba pang hashtags, Sinama na nila ako sa dressing room nila bago mag simula yung prod. Pero hindi rin nag tagal nauna na rin akong pumunta sa studio para magkaroon ako ng pwesto.
-----------------------------------------------------------------
" Hashtag Ronnie!" tawag ng speaker sa studio.
"Aaaahhhh! Ronnie maylabsss!!! "
" Asaawaaaa kooo"
" Alonteeee buntis akooo"
Mga sigaw ng mga babae at bakla sa likod. Natatawa ako sa mga pinagsisigaw nila. Infairness naman talagang ang pogi ni pare. Sino ba namang hindi mai-inlove sa kanya... Hopia! Erase erase erase, nako Nicole di ka pwedeng mainlove jan.
" MCCOY ANG SEEEEEXXYY MOOO!"
" Baby Ryleeee!"
Nanood lang ako hanggang sa matapos ang showtime. Grabe sa sobrang tuwa ko kakanood nakalimutan kong hindi pa pala ako kumakain.
Lumabas na ako after ng showtime. Kumain na ako mag-isa, Hindi ko na hinintay sila R2 baka mamaya may meeting sila. Tatawagan naman ako ni R2 kapag mag pprac na sila.
-----------------------------------------------------------
" Five.. six.. seven.. eight...a-one two threw four" salita ni kuya Zeus habang tinuturuan sila. Hindi muna ako sumali sa kanila dahil busog pa ako ngayon." Nicole halika na! Malapit na kaming matapos dito " alok ni kuya Luke.
Nagpahinga muna ako sandali at muling sumali na sa kanila.
After ng masayang pag eensayo haha joke lang. Liapitan ako ni R2 para bigyan ng tubig. Habang iniinom ko bigla ko naalala ang itatanong ko dito.
"Pare may tatanungin sana ako sayo" sabi ko.
" Ano yon? "
" Nagkausap ba kayo ni Kyza? This week kasi ang bait niya sa akin eh, Tapos nag sosorry pa siya tapos alam mo ba binilhan niya pa ako ng mga bagong damit. Sabi niya pa gusto lang naman niya na mapatawad ko siya sa mga nagawa niya sa akin "
BINABASA MO ANG
Never be Alone
FanfictionFans? Marami niyan si Ronnie. Ikaw ba naman maging kilig ambassadors ng showtime. Ang sarap siguro magkaron ng bestfriend na ganun noh? Ronnie Alonte fan-fic