Let me tell you a story...
About a girl and a boy...Nicole's P.O.V.
" Okay ka lang ba? Giniginaw ka ba? Ano ba talaga nangyari bakit ka nalunod? Gusto mo patayin ko yung aircon?" Tuloy-tuloy na tanong ni Ronnie.
Nandito kami ngayon sa kotse niya. Pauwi na ng bahay.
" Pwede pare hinay hinay lang. Di ako makasagot eh hahah" sabi ko.
" Kasi naman ayokong malunod ka ulit. Eh pano kung wala ako kanina? Sino magliligtas sayo. Nag-alala ako sayo Nicole" sabi niya.
" Hayy! Salamat nalang sa pagligtas sa akin. Pero kung busy ka kanina sana hindi mo nalang tinuloy" patawa kong sabi. Batukan ba naman ako.
"Aray! Ano ba"
" Hindi ko kayang mawala ka sakin noh. Minsan na nga lang magkaron ng magandang bestfriend mawawala pa. Tsaka masyado kitang mahal para makawalan" sabi niya. Oh shet!!! Totoo ba yon? Maganda daw ako?!.
" T-talaga? Eh parang hindi ka seryoso eh"
" Sino kaya yung hindi seryoso saten? Ikaw talaga ang cutee cute mo" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
" Oh! Tumingin ka sa pag drive mo. Mamaya mabunggo pa tayo eh" sabi ko.
Hanggang sa maka uwi na kami hindi parin tumigil tong pugo na toh sa kakatanong.
" Ma! Nandito na po kami" sabi ko.
" Anak bat basang basa ka? Mag palit ka na ng damit sa kwarto mo" mama
" Hi mommy! Good afternoon po" ani Ronnie. Pfft! Mommy?
"Haha Etong Ronnieng toh patawa palagi, Sige na pumanik na kayo" mama
~~~~~~~~~~~~~~~
" Pare ano ba nangyari kanina bakit ka nahulog sa pool?" Tanong niya
" Nagpatulong si Kyza kase nahulog log log daw phone niya sa pool,tatayo na sana ako para kunin yung panungkit pero bigla niya akong tinulak kay ayun" paliwanag ko.
"Tinulak? Bakit ka naman kaya niya itutulak. Pansin ko lang ko lang pare ah parati may nangyayaring masama pag mag kasama kayo ni Kyza. May ginawa ka ba sa kanya?" Tanong niya.
" Hindi nga kami close niyan eh Tss!" Sabi ko.
"Eh bakit sabi niya sakin palagi daw kayong nag uusap?"
" Ewan ko ba jan sa jowa mo parating mainit yung ulo" sabi ko
" Basta pare sabihin mo lang sakin kapag may nananakit sayo ah, nandito lang ako" sabi niya
Kung alam mo lang kung gaano kasakit itong tinitiis ko.
Tinawag kami ni mama para kumain ng hapunan. Tumulong rin si pare para maglinis. Ang bait ahh.
" Tita, Pare! Una na pala ako salamat po sa hapunan tita. Pare kitakits bukas! Daanan kita dito" sabi niya.
"Sige ingat ka sa pag uwi goodnight!" Sabi ko.
~~~~~~~~~~~~~~~
" Nicole sama ka sakin kausapin ko si Kyza about sa nangyari kahapon" sabi ni R2.
" Ha? Oh sige pero baka mama-" putulin ba naman ako.
"Hindi yan akong bahala"
Nandito kami ngayon sa quad papunta kela Kyza. Grr ayoko na nga makita pagmumukha niya eh.
BINABASA MO ANG
Never be Alone
FanfictionFans? Marami niyan si Ronnie. Ikaw ba naman maging kilig ambassadors ng showtime. Ang sarap siguro magkaron ng bestfriend na ganun noh? Ronnie Alonte fan-fic