Tatlump't s'yam • JR •

149 10 0
                                    

Nadine


Napalingon naman ako sa nagsalita. Anong ginagawa niya dito?

"James?" hindi parin ako makapaniwala na nandito siya.

"Nadine" sabi niya ulit. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya, ganon din siya sakin.

"Pasok ka" aya ko sakanya. Pumasok naman siya. Nakita kaya niya yun? Ghad!

"Anong ginawa dito ni Dominic?" tanong niya sakin. Lumingon naman ako sakanya. Ngumiti nalang ako kahit na-o-awkward-an ako. Nilapag ko na muna yung mga pinamili ko sa couch

"ah. Sinamahan niya akong mag mall" sabi ko sakanya. Pumunta na muna ako sa kusina ko para mag hanap ng makakain niya. At dahil swerte ako meron akong sandwich dito. Nilabas ko nalang yun at nag labas ng soda.

Bumalik na ako sa sala kung nasaan si James. Nakita ko sya doon naka upo habang nag iisip

"James, kain ka na muna. Sorry kung yan lang ha. Hindi na kasi ako makakapag luto e" sabi ko sakanya sabay lapag ng pag kain sa harap niya. Ngumiti nalang siya sakin. umupo naman ako sa upuan na kaharap niya.

"Bakit ka nga pala napadaan?" tanong ko sakanya.

"Nag-aalala kasi ako sayo. Hindi ka pumasok ng buong araw tapos hindi pa kita macontact so bago ako umuwi ay dumiretso na muna ako dito. Nadine?" sabi niya. Humarap naman ako sakanya

"Hmm?"

"Nanliligaw ba sayo si Dominic?" tanong niya sakin. Ngumiti naman ako. "Bakit ka ngumingiti d'yan?" tanong nya ulit sakin. Umiling lang ako. Naka isip na naman ako ng isang napaka gandang ideya hahahahhaa

"Bakit? nagseselos ka? susuko ka na?" tanong ko sakanya.

"Hindi ah. Sino nag sabi na susuko na ako? e mas gwapo ako sakanya no" sabi naman niya. Hindi nga halata hahaha

"Nagseselos siya oh" pang aasar ko sakanya kaya namula sya hahaha

"Hindi a. Bakit naman ako magseselos" sabi naman niya. luh. Defensive kuya ko oh. hahaha

"Sige sabi mo e." sabi ko naman at uminom ng soft drinks. Hindi kaya ako mag tae dahil sa pinagkakain ko? kumain ako ng ice cream, mojos, frappe tapos soft drinks.

"Nanliligaw ba siya sayo?" tanong niya ulit

"Nagseselos ka ba o hindi?" tanong ko naman sakanya

"Sagutin mo nalang tanong ko" sabi naman niya

"oo. ngayon sagutin mo tanong ko. Nag seselos ka ba o hindi?" tanong ko naman sakanya

"Hindi" sabi niya sabay iwas ng tingin. luh! lalo siya namula hahaha

"balak ko na nga sanang sagutin si Dominic e. tagal na niyang nanliligaw kaya sakin" pang aasar ko sakanya.hahahahahha

"Wag! oo na nga! nag seselos na ako" sabi niya at lalo siyang namula

"Ang cute mo hahaha" sabi ko sabat pat ng ulo niya. Mukha tuloy siyang aso hahahaha

"Hindi ako aso!" sabi naman niya

"Nadine, please wag mo siyang sagutin. Ako nalang" pag mama-kaawa niya sakin. Tss, hindi naman marunong mag hintay to

"Tss. Manahimik ka. Mag hintay ka uy! Kaibigan lang kami ni Dominic " sabi ko sakanya na ikinagulat niya

"Totoo?" tanong niya tumango naman ako kaya tumayo sya at niyakap ako

"Yes! wala na akong kaagaw sayo" sabi niya luh.

"Wala ka ngang kaagaw. Ang tanong sasagutin ba kita?" tanong ko sakanya. Parang hindi naman siya makapaniwala hahahhaa

"Hindi mangyayari yun kasi alam kong sasagutin mo ako" sabi niya sakin. Luh. taas ng confident a

"Sorry ka James. May mahal akong iba" sabi ko sakanya. Hindi si Justin a. Wala na sakin yun

"Sino? uupakan ko siya" sabi niya at tumayo sa harap ko. Ang sarap nitong hampasin

"JR" sabi ko naman sakanya. Bahala siya mag isip kung sino si JR
"Who's that fcking guy?" Tanong niya sakin. Luh.
"Taong mahal ko. Baki may angal?" Tanong ko sakanya. Umiling nalang siya. Mabuti.
"Uwi na ako" sabi niya at lumabas na. Luh. Galit na si kuya ko hahahaha 😂😂 bahala siyang mag isip kung sino yung JR na yun hahahaha


James

Kakalabas ko lang ng unit ni Nadine. Fck! Who's that guy?! JR! JR! JR!!!!

Kung sino ka man, humanda ka. Akin lang si Nadine. De jk lang po

Calling Yassi..

Gusto kong itanong sakanya kung may kakilala ba siyang JR
"Hello James?" Sagot niya sakin
"Yass. Can i ask you?" Tanong ko sakanya. What if hindi niya kilala si JR?
"What is it?" Sagot naman niya. Sana kilala mo siya!
"Do you know JR?" Please say yes.
"Hmm. JR? No e. Sino ba yun?" Tanong naman niya sakin. Napailing naman ako
"Taong mahal ni Nadine. Thanks. Bye" hindi ko na siya inintay na sumagot at pinatay ko na yung tawag.

JR, sino ka ba talaga?


TO BE CONTINUED....

---
Short update for today. :)

The Game of Love (Jadine fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon