Apat na'pu't isa • Too late •

148 8 0
                                    

Grabe. Kung ano ano nalang pumapasok sa utak ko kaya ko nabubuo yung isang chapter. Wala na nga ata talaga to sa flow ng story e.

Typed: April 7, 2016

----

Nadine

Nandito ako ngayon sa opisina. Wala ngayon si James. Ewan ko ba dun. Ganyan siya lagi nung mga nakaraang linggo. Maaga umuuwi late naman pumapasok.

Dalawang buwan na palang nakakalipas simula nung lunch namin nila Yassi. Madalas na naman kaming magkakasama.

Patuloy naman na nanliligaw sakin si James pero ngayon, hindi na niya ako laging hinahatid. Luh. Anyare?

"Nadz una na ako ha" sabi niya. Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 2 pm palang ah
"Ang aga ata?" Tanong ko sakanya.
"May pupuntahan kasi ako" sabi niya tumango nalang ako. Baka mamaya importante pa yan.

Nakalabas na siya ng opisina namin. Ewan ko ba pero bakit ako kinakabahan? Tss.

Itinuon ko nalang yung atensyon ko sa kanina kong ginagawa. Eto yung benta sa huling product na nirelease namin. Maganda naman ang benta nito.

Malapit ko na rin naman matapos tong ginagawa ko. Pagkatapos nito ay iprprint ko nalang at ipapasa ko nalang ito kila daddy.

"Oh sht" bulalas ko ng ma-alala ko na sira nga pala yung printer dito sa opisina ko.

"Hello May, pumunta ka nga dito sa loob nay iuutos ako sayo" sabi ko sa secretary ko.
"Sige po mam" sabi niya at inend ko na yung tawag.

"Ano pong problema Ms. Nadine?" Tanong sakin nito ng makapasok na siya.

"May iuutos sana ako sayo. Paki print naman itong sale sa Palene shampoo then pakipasa kay Dad" sabi ko sakanya at abot ng USB

"Sige po Ms. Ako na po ang bahala" sabi niya. Ngumiti nalang ako at umalis na naman siya. Hayy.

Ngayon wala na akong problema! Iintayin ko nalang yung oras na pwede na akong umuwi.

Yassi' calling..

Accept | Decline

Pinindot ko naman yung accept. Anong problema nito?

"Yow" bati ko. Aba syempre dapat maiba naman hahaha.
"Hoy Nadz! Malapit na birthday na ang birthday mo ha! Saan gaganapin?!" Excited niyang tanong sakin. Tsk. Ako nga hindi ko alam yung birthday ko e. Hahaha jk lang po
"Yassi, 2 weeks pa bago ang birthday ko. At in fact, nakalimutan ko na birthday ko na pala" sabi ko naman sakanya.
"Dont worry Nadya! Kami ang bahala sa birthday mo! Got to go! Bye!" Sabi niya at baba ng telepono.

Napa tsk nalang ako. Last year kasama kong nagdiwang ng aking kaarawan ay si Justin e. Nasa Canada kami that time, nag dinner nalang kami at syempre treat ko.

Ang bilis nga naman ng panahon. Mag-iisang taon na pala simula ng makilala ko si Justin. Ayy, isang taon na pala. Grabe ang bilis ng panahon.

23 na ako.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 5 pm na pala. Pwede na akong umuwi :)

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na.

"May. Una na ako ha." Paalam ko sakanya. Ngumiti nalang siya at pinagpatuloy yung pag ta-type niya na hindi ko naman alam kung ano yun.

Nasa harap na ako ng Jollibee ng maisipan kong mag drive thru nalang. This fast few weeks, hindi ko na magawang magluto. Masyado na akong busy sa trabaho ko.

"One cheesy bacon mushroom yum, and one order of c3" sabi ko naman.
"*** po mam" sabi niya binigay ko naman yung bayad ko at inintay na ibigay yung order ko.

"Hayy" sabi ko ng makapasok na ako sa condo ko.

Nilapag ko na yung bag ko sa couch ko at pumunta na sa kusina para kumain.

--

"Good morning" bati sakin ni James ng makapasok siya. Kumunot naman yung noo ko at tumingin sa relo ko
"Seriously? Good morning? E 1 pm na" sabi ko sakanya at inirapan siya. Tsk. Good morning? E afternoon na ah!
"Ayy. Sorry po. Flowers for you" sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng flowers - red roses
"Thank you" sabi ko at ngumiti sakanya. Ngumit naman siya sakin at umupo na sa pwesto niya. Tignan mo papasok ng 1 tapos aalis narin maya maya. Nag pakita pa siya. Langya.

"Nga pala. Malapit na birthday mo Nadine" sabi niya sakin. Humarap naman ako sakanya at ngumiti. Mabuti pa sila na-alala na birthday ko na.

"Oo nga e." Sagot ko nalang sakanya at humarap nalang ulit sa papel na hawak ko.

May gusto kasing makipag sosyo samin. Hindi ko naman alam kung dapat pa ba akong kumuha o hindi. Itatanong ko nalang kay daddy mamaya.

"Mukhang problemado ka ah?" Tanong sakin ni James. Siguro napansin niya na masyado akong nakafocus dito sa papel na hawak ko.

"Wala. Pinag-aaralan ko lang" sagot ko naman sakanya

"Ano ba yan?" Tanong niya sakin. Umiling nalang ako at tinago na yung mga papel sa bag ko. Kinuha ko nalang yung phone ko at nangalkala ng kung ano ano.

"By the way, what is your plan for your birthday?" Tanong niya sakin. Tumingin naman ako sakanya.

"Hmm. Wala kasi akong plano sa birthday ko e. Kung hindi lang tumawag si Yassi kahapon hindi ko ma-aalala yung birthday ko" sagot ko sakanya. Tinuon ko naman yung atensyon ko sa cellphone ko. Nag-fe-facebook kasi ako

"Hala. Totoo?" Hindi siya makapaniwala. Tumango nalang ako sakanya.

"Tsk. Makakalimutin kana talaga. Paalala ko lang ha. Nililigawan kita. Baka nakakalimutan mo" sabi niya sakin. Napailing naman ako sa sinabi niya.

"Kala mo naman sasagutin ko siya" bulong ko sa sarili ko.

"Oo nga pala. May mahal kang iba. Una na ako ha." Sabi niya at lumabas na. Luh. Anyare?

Tanga! Sinabi mo kasi na 'kala mo sasagutin ko siya' gaga ka talaga Nadine!

Napasapo nalang ako sa ulo ko ng narealize ko yung sinabi ko. Langya.

Is it too late now to say sorry?

TO BE CONTINUED...

Short update! Hahaha

Follow me on twitter: ayemkatrina
Follow me on instagram: mariekatrinasalas
Add me on facebook:
Marie Katrina Papango Salas

The Game of Love (Jadine fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon