Tatlumpu't tatlo • Sana •

131 9 0
                                    

Yassi

"Ha?! Ano? Magkakasama kayo ni Nadine?" Sigaw ni Donnalyn. May patayo tayo pa siyang nalalaman. Jusko! Daig pa niya ata si Nadine sa reaksyon niya e.Boses talaga nito e
"Donnalyn manahimik ka nga! Tignan mo naktingin na satin ang lahat ng tao!" Suway ko sakanya. Umupo naman siya ulit. Tss. Nasa restaurant kasi kami, sabi kasi ni James na may sasabihin daw siya at yun pala ay ang makakasama niya sa trabaho si Nadine.
"Dude yan na ang chance mo!" Sabi namn ni Bret. Tss.
"Oo nga bro! Tadhana nga naman!" Pag sasang ayon ni Andre sa sinabi ni Bret. Tsk.
"Hindi pwede bro" sagot naman ni James. Luh. Bakit?
"Wait. Kwento mo nga samin yung buong pangyayari" sabi ko sakanya. Aba syempre dapat namin malaman kung anong nangyari no.
"Ganito kasi yan. Her dad asked me to help Nadine for their company. Um-oo naman ako kasi nga diba tinutulungan nila yung kumpanya namin. So kahapon umuwi na raw si Nadine from vacation so pinapunta nila ako dun. Noong nakarating na ako sa conference room kung nasaan sila ay nandun siya nakanta. Siguro hindi niya alam na nandun na ako, nung natapos na siya kumanta dun palang niya na-realize na nandun na ako. So sinabi na ng daddy nya na ako raw yung tutulong sakanya. Noong una hindi siya naniwala pero bandang huli pumayag na rin siya. Tapos biglang nag ring yung phone niya and when she answered her phone call the first word came in her mouth is bash tapos nakipag kita pa siya. At yun umalis na siya na tuwang tuwa" kwento niya samin. Ha? Sino naman tong bash na to?
"Who's bash?" Tanong naman ni Donna.
"Dominic. Friend of Nadine and Aj in Canada" sagot naman ni James. Luh. Bago niya? I smell something fishy!
"Bro! Gusto mo upakan na natin?" Andre said. Tignan mo nga naman to oo
"Oo nga! Sabihin mo lang ipapatawag ko na yung mga bubugbog sakanya. Aba epal siya sa love story niyo ha!" Sagot naman ni Bret. Love story?
"Love story?" Sabay na sabi namin ni Donna
"Anong pinagsasabi niyo? Love story? E akala ko hindi gusto ni James etong si Nadine?" Tanong ko sakanya. Aba! Dont tell me na gusto na niya si Nadine? Tignan mo tong mga to! Hindi ako pinansin! "Hoy!" TAwag ko ulit sakanila
"Ah. Oo" sagot ni Andre sakin. Tignan mo tong mga to!
"Kailan pa?" Tanong naman ni Donna
"The first time i saw her when she came back" sagot naman ni James. Tignan mo nga naman ang pagkaka-taon oo.
"Tsk. Pinakawalan pa kasi no Yas" sabi ni Donna. Tumango nalang ako sa sinabi niya. Ang saklap lang kasi nung una gusto ni Nadine si James, tapos ngayon naman gusto ni James si Nadine. Tsk tsk tsk.
"Tanga kasi tong kaibigan natin e" sabi naman ni Andre kaya sinapok siya ni Donna. "Ang sakit nun babe ha!" Sabi niya ulit. Pasalamat siya at hindi ako ang sumapok sakanya kung hindi natanggal na yung ulo niya hahaha.
"Change topic na tayo guys! May naiilang o!" Sabi ko naman at napatingin kay James na naka yuko ngayon.
"Tss. Pabayain mo yan hon" sabi naman ni Bret kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Hmm. Sa totoo lang guys, miss ko na si Nadine" sabi ni Donna. Lahat naman kami miss na namin siya.
"Isang buwan lang ata natin siya nakasama e" sabi namn ni Andre
"Kailan kaya natin ulit siya makakasama?" Tanong ni Bret.
"Soon guys." Napatingin kaming lahat kay James na nagsalita. Soon? Pano niya gagawin yun? Tss.
"Trust me guys. Babalik sa dati si Nadine. Ako ang dahilan kung bakit siya nagbago kaya ako rin ang dahilan kung bakit siya babalik sa dati" sabi niya samin. Tumango nalang kami bilang pag-sa-sang ayon sa sinabi niya.
"Guys una na kami ha! Gagawa pa kami ng baby e. Hahaha" sabi ni Andre kaya piningot siya ni Donna. Tss
"Magsi layas na nga kayong dalawa dito. Ang iingay niyo lang" sabi ko sakanila. Nag paalam na sila saka sila umalis.
"So what's the plan?" Tanong ko sakanilang dalawa. Tumingin lang sila sakin na parang hindi alam ang isasagot sa tanong ko.
"Duh! Ang sinasabi ko, ano na ang plano about kay Nadine" sabi ko sakanila. Ang slo-slow naman ng mga taong to.
"What about her?" Tanong naman ni James. Seriously?
"Seriously James? Diba ang sabi mo ibabalik mo ang dating Nadine? Paano!" Sabi ko sakanya. Bakit ang slow ng taong to ngayon?
"Wala dapat i-plano. Basta nalang siya babalik sa dati kapag naramdaman niya na hindi na ako yung dating James" sagot naman niya. Aba may isup pala to hahahahaha
"Tss. May pa-ganyan-ganyan ka pa! Tara na nga! Late na oh! Yung anak namin hinahanap na kami nun" sabi naman ni Bret. Tumango nalang si James at umalis na kami dun sa restaurant. Si James na bahala sa bayad, siya rin naman umorder e hahaha.

Sana makasama na ulit namin si Nadine.


TO BE CONTINUED....

Hello mga loves! How i miss you all? Hahaha i miss you all readers! I love you muahh

Follow me on twitter: ayemkatrina
Follow me on instagram: mariekatrinasalas
Add me on facebook:
Marie Katrina Papango Salas

The Game of Love (Jadine fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon