Tatlumpu't lima • Hindi kita iiwan •

140 9 0
                                    

Nadine

Nandito ako ngayon sa park malapit sa company namin. Syempre tumakbo lang ako no. Ayaw ko naman magpaka-layo layo tapos mamayang pauwi na ako ay mamomoblema pa ako.

Umupo ako sa isa sa mga swing dito sa park. Yumuko ako at hinayaan na tumulo yung mga luha ko.

Dahil sa pag iyak ko, hindi ko namalayan na may katabi na pala ako. Tumingin ako sa katabi ko at doon ko lang napag tanto na si James pala yun.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Ano ba naman kasi ginagawa nito dito? Sinundan ba niya ako dito?
"Sinundan kita. Baka kasi mapano ka e" sagot niya sakin. Tumigil na ako sa pag iyak. Baka ano pa sabihin nito e. "Umiyak ka kung gusto mo. Kasi kapag hinayaan mo lang yan diyan sa puso mo na nakatambak, isang araw sasabog yan. Nandito lang ako sa tabi mo. Pwede mo akong sabihan ng mga problema mo" sabi niya sakin. At wala na akong nagawa kasi tumulo na yung mga luha ko.
"Alam mo ba na mahal ko si Justin? Hahaha. Tapos iniwan niya ako. Ang saya naman no? *sob* Akala ko siya na talaga pero hindi pala. Bakit ganon? Tuwing nagmamahal ako lagi akong iniiwan? Si Joseph, mahal na mahal ko yun dati. Tapos niloko niya ako. Ikaw, minahal kita pero binaliwala mo lang yun. Si Justin, mahal ko yan pero iniwan niya ako." Sabi ko habang umiiyak. Ang malas ko naman talaga. Niyakap niya ako kaya yung balikat niya ay basa na sa kakaiyak ko.
"Patawad Nadine sa mga nagawa ko noon. Alam kong mahirap akong patawarin." Sabi niya sakin habang hinahagod yung likod ko.
"Matagal na kitang napatawad James" sabi ko saknya. Totoo naman a. Matagal ko na syang napatawad. Nung unang beses palang na nag sorry siya ay napatawad ko na siya. Hindi naman kasi ako yung taong mapag tanim ng sama ng loob.
"Nadine, hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo na si Aj. Ang sa akin lang ay, bigyan mo naman ng chance yung ibang tao na makapasok diyan sa puso mo. Ako, hindi ako makapasok d'yan sa puso mo kasi meron pang tao na nand'yan. Hindi naman pwede na dalawa kami jan" sabi niya sakin. Napabitaw ako sa yakap namin dalawa at napatingin ako sakanya.
"James hindi madali yung sinasabi mo. Mahal ko si Justin" sabi ko sakanya. Totoo naman a. Mahirap kalimutan ang isang tao lalo na kung mahal mo ito.
"Nadine hindi naman ngayon e. Pero sana balang araw magawa mo yun. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan" sabi niya skain. Naka tingin lang ako ng diretso sa mga mata niya, at makikita mo na sincere talaga siya sa bawat sinasabi niya.
"Salamat James" sabi ko sakanya. Ngumiti nalang siya sakin. Tumingin ako sa kalangitan at ngayon ko lang napagtanto na umuulan pala.
"Tara na Nadine. Baka mag ka sakit ka pa" aya niya sakin. Tumayo na naman ako at naglakad na pabalik sa kumpanya namin.
"James una na ako" sabi ko sakanya. Nasa harap na kasi kmai ng kotse ko
"Sige. Ingat ka nalang" sabi niya ngumiti nalanv ako at pumasok na ako sa loob ng kotse ko.


From: +639*********
Nadine, this is James. I got your number from kuya Nathan

Received.

Kaya pala familiar yung number niya. Sinave ko nalang ito at nireplyan siya

To: James
Ahh. Sige. Nasave ko na :)

Send.

Nasa condo ko ako ngayon. Kaka-kain ko lang ng dinner. Nagpa-deliver nalang ako kasi tamad ako ngayon mag luto atsaka ako lang naman ang kakain nun. Baka mamaya mapanis pa yun.

From: James
Thanks :) what are you doing?

Received.

Luh. Gusto ata nito mag ka text kami hahahaha. Joke lang po 😂
Mag reply na nga lang ako baka magalit pa to hahaha

To: James
Watching tv :) you?

Send

Ang tipid ko atang mag text? Di naman ah.
Aba! Ang bilis ata nito mag reply? Wala pang isang minuto ng mag text ulit siya. Luh.

From: James
Same :) Kumain ka na ba?

Received.

Napatingin naman ako sa relo ko. 8:30 na palang pala. Syempre gising pa to no.

To: James
Yes. Ikaw?

Send

Reply ko sakanya.

Dumaan ang mga oras at umabot na kami ng ala una sa kakatext. Hindi ko alam pero kanina bago siya nag text ay inaantok na ako pero nung nag text na siya nawala na yung antok ko.

TO BE CONTINUED...
Eto na ang simula!!!!!! Hahahahahahaha


Follow me on twitter: ayemkatrina
Follow me on instagram: mariekatrinasalas
Add me on facebook:
Marie Katrina Papango Salas

The Game of Love (Jadine fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon