Chapter 1

65.4K 1.1K 52
                                    


Jenny

"Kakainis ako pa talaga ang nakatuka para suduin sa airport ang anak ni Sir Mark.. Ang maarti ,suplada , maldita na yun ...ay naku! Mag halfday nalang kaya ako bakla para ikaw na ang sumundo sa kanya." Tugon ko sa bakla na si Angelito. Angel for short daw. Fine!

"Yan ang wag na wag mong gagawin. Hindi ko yun kilala isa pa baka supladahan lang ako nun kung bakit iba ang sumundo sa kanya at hindi ikaw kayo ang close bakla."

"Uy! Hindi kami close noh.. Kung hindi lang ako inlove sa kapatid niya na si Papa Jake. Matagal na akong wala dito kaya lang iba naman ang nagugustuhan niya kundi ikaw bakla mas maganda pa rin ako sayo pinagbigyan lang kita." patuloy ni Angel. Nakakatuwa ang baklang ito kahit ganito siya magsalita mag bff pa rin kami. Oh well hay nga siya diba?

Nagtatrabaho kami sa Hotel California isang 5 star hotel ito. Pinag mamay ari ng business tycoon na si  Mark Juan De La Costa pero ang anak niya na si Jake ang nagpapatakbo nito at ang anak niyang na babae na hindi ko pa nakikita dahil sa Italy ito nakabase. Isang Italiano si Sir Mark na nakapangasawa ng isang Filipina na namatay na dahil sa sakit.

Ako nga pala si Jenny ,24. Isa akong receptionist sa hotel ganun din si Angel. Nightshift kaming dalawa ngayon ,actually lima kami si bakla lang ang ka close ko yung tatlo hindi ko masyadong nakakabonding pa iba iba kasi sched nila.

"Tumigil ka na nga dyan hindi naman kayo magsasama ng matagal ni Maam Ysabel Susunduin mo lang siya ihatid dito.. Done!"

"Eh bakit ba kasi dito yan mag stay? Anong kwenta ng mansyon nila na napakalaki?"

"Baka gustong mapag isa.. Ayaw magpadisturbo. Who knows."

"Ay naku! Wala na tayong magagawa kaya ikaw bakla. Mag ingat ka. Dragon yang babae na yan."

Bigla akong natawa sa sinabi ni bakla."

"Dont worry kumakain ako ng dragon."

"Bumubga siya ng apoy bakla." pabiro sa akin ni Angel.

"Hahhaha baliw ka talaga."

~~~~~~~~~~~~~

Nagpaalam na si Angel.  Susunduin na niya si Maam  Ysabel sa airport. Bigla akong kinabahan. Hindi ko pa siya nakakaharap simula ng nagtrabaho ako dito sa hotel.

Tama si bakla. Mag ingat nalang ako sa mga galaw ko dito.

Fullybooked kami ngayon kaya busy palagi pero okay lang na hahandle ko naman.

Kahit baguhan lang ako dito mga 2months na..na keri ko naman lahat at good job ako palagi sa paningin ni Sir Jake ang makulit na boss ko na nagtapat ng pag ibig sa akin ewan ko ba ano pang kulang sa kanya. Ang perfect na niya pero hindi ko siya makuhang magustuhan kahit anong pilit ko sa sarili ko ayaw talaga. Baka ayaw ko ng perfect gusto ko sakto lang. Choosy  pa talaga ako.

Dumating na si Angel.. Naka simangot ang mukha.

"Oh bakit di maipinta ang mukha mo?" salubong ko kay Angel.

"Eh kasi naman late daw ako kaya ayun nasermonan agad ako bakla. Kakahiya.. Halos bumuga ng apoy ang dragon."

"Oh asan siya?"

"Andun pa sa sasakyan may kausap pa sa phone niya. Asan ang room card key niya handa mo na. Pakihatid siya sa room niya please baka kasi magka qouta na ako sa kanya share ko naman ang ibang sermon sayo." sambit ni Angel sa akin bigla akong kinabahan.. "Cr muna ako and goodluck."

Bigla akong kinabahan at iniwana pa talaga ako ni Angel dito yung tatlo naming kasama busy sila. Ugh!

Parang nag dadrum yung dibdib ko .Oh God! Napatingin nalang ako sa may computer habang nakahawak sa ulo ko.

"My card key please." isang malamig at magandang boses ang nagsasalita sa harapan ko agad akong napatingin sa kanya,napatitig ako ang gandang nilalang at agad akong napatayo.

"Ahmm wha-what is your room number maam?"

"I am Ysabel De La Costa so now kilala mo na ako. Give me my room card key! Faster.. Please?"

WTF

Bigla akong nataranta sa narinig ko agad akong lumabas sa may counter.

"Where are you going?" tanong niya sa akin..

"Ill send you to your room Maam Ysabel."

"No need.. I can manage and please dont call me Maam. Miss Ysabel.. Did you hear me? Miss! " Ito na nagsimula na siya..

"Im sorry Miss Ysabel."

"So wheres my key? Give me my key.. Tanga!"

"Sorry Maam ay este Miss..Here ..Room 612." sabay abot ko sa kanya ng card key..

"Ganyan ba kayo mga baguhan dito mga likas na tanga at boba? Bakit pa kayo tinanggap dito. Gosh!"

At agad siyang tumalikod papunta sa elevator. Hindi ako nakapagsalita. Tinawag pa naman akong tanga at boba? Ouch!

Uu na tanga na kung tanga.. Ikaw ano ka? Tsee ! Dont me Miss Ysabel.. Dont me.. Grrrr ...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys,

Please don't forget to click the star ... and comment guys.... thank you 💋😘♥️👍🏻

Love,

Miss A 💋

"My Lady Boss" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon