Chapter 3

25.3K 666 5
                                    




Jenny

"Ano kayang ipinaglihi ng amo natin gel? Kumukulo ang dugo palagi kung hindi ko lang siya boss abah pinatulan ko na siya.."

"Pinaglihi nga sa dragon nga diba? Ewan ko ba diyan ang laki ng galit sa mundo hayaan mo na."

Hindi bagay sa itsura niya ang ugali niya. Nakakapangit sa kanya ang pagiging supalada maldita at iba pang pangit na pag uugali. Nasa kanya na lahat.

"Hi Jenny thank you kanina at sorry sa nasabi ni Ysa sayo ah.. Pagpasensyahan niyo na siya." si Miss Paris sobrang magkaiba sila ng ugali ni Miss Ysabel.. Maganda at mabait pa..

"Wala po yun Miss Paris.."

"Sorry talaga. Sige i have to go na. Bye guys." at agad tumalikod si Miss Paris.

Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang makalabas na siya sa lobby ng hotel.

"Natahimik ka ata bakla?" si Angel..

"Yun ang totoong maganda baks." Si Miss Paris ay sana mahawaan niya kahit kaunti man lang ang amo natin ng kabaitan niya kahit ngiti man lang .."

"Ipagtitirik natin yan ng kandila bakla mamaya."

"Hay naku."

~~~~~~~~~~~~~~

Sobrang antok na ako pero kaya pa ,keri pa ng beauty ko umaga na rin kasi ,lumabas na si haring araw. Marami na rin guests ang bumababa para mag free breakfast sa resto ng hotel..

At nakita kung bumaba si Miss Ysabel .. Sheyt! Ang ganda talaga niya ang sexy din. Nakaka insecure. Lahat ng kagandahan na panlabas na kaanyuan na sa kanya na lahat. Lahat naman na kapangitan ng ugali na sa kanya din. Oh db? Qoutang qouta na si Ateng.

Dumeretso siya sa restaurant.

"Bakla kain na tayo anjan na naman ang dalawang papalit sa atin so gura na tayo sa resto .." si Angel may free brekkie kasi ang nightshift kaya bago kami uuwi ni Angel kakain muna kami libre na rin yun..

"Sure bakla. Tapusin ko lang to saglit. Mauna ka na dun."

"Alright. Bilisan mo na."

"Sure baks."

Andun si Miss Ysabel sa restaurant.. Hmm bahala na nga.. Sumunod agad ako kay Angel nang matapos na ako sa ginagawa ko.

Pumasok na ako sa restaurant at agad nakita ko ang boss namin na supladita.. Kumakain habang kaharap ang phone niya. Hindi ko nalang siya tiningnan. Nilapitan ko agad si Angel na kumukuha ng pagkain.

"Bakla andito pala ang dragon.. Nag goodmorning ako hindi man lang ako pinansin napahiya tuloy nag kagandahan ko."

"Haha buti nga sayo. Hayaan muna kilala mo naman yang boss natin wag nalang nating patulan ang pagka moody nyan nakakasira ng araw.. Swear.." tugon ko kay Angel.

Nang makakuha na kami ng pagkain pumunta na kami agad sa vacant na table na kung saan katabi ng table ni Miss Ysa.. Sa lahat ng vacant na table ,katabi pa talaga sa kanya.. Hangsaklap...

Nagsimula na kaming kumain ni Angel nang may napansin akong nakatingin sa akin sa amin ni bakla napataas ang mukha ko at napatingin sa katabing table namin..

"Go-Goodmorning Miss Ysabel." agad bati ko sa kanya nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa.. Yung mga mata nyang sobrang fierce sobrang ganda. Gosh!

Hindi niya ako kinibo o ngumiti man lang .. Bumalik ang kanyang mga mata sa phone niya sabay inum ng coffee.

Nagkatinginan kami ni Angel napailing nalang ako.

Lumabas na kami ng restaurant at andun pa rin si Miss Ysabel hindi nalang namin pinapansin ni Angelito. Kinuha na namin ang aming mga gamit sa locker at dumeretso na ako ng parking lot..

"Sabay kana sa akin Angel .. E drop nalang kita sa bahay ninyu?"

"Huwag na bakla nextime nalang puntahan ko pa jowa ko."

"Okay kaw bahala.. See you tonight.. bye baks.." at kumaway nalang si bakla sa akin..

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at pauwi na sa condo ko..

Nasa ibang bansa ang mga magulang ko pati na ang isa kung kapatid.. Hindi ako sumama sa kanila.. Mas pinili kung manatili at magtrabaho dito ... Ganun pa man.. Binigay pa rin ng parents ko ang lahat ng gusto ko o pangangailangan ko .. Kahit na may trabaho naman ako ..

Isang lawyer ang Dad ko sa California at isang Nurse naman ang mommy ko .. Ang Ate ko naman ay isang chef .. Nakapagtapos ako ng kursong Tourism pero mas pinili kung manatili at magtrabaho sa ganito kasi nag eenjoy at komportable na ako.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys,

Please don't forget to click the star ... and comment guys.... thank you 💋😘♥️👍🏻

Love,

Miss A 💋

"My Lady Boss" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon