Chapter 7

20.4K 593 9
                                    




Jenny

Ilang araw pa lang andito si Miss Ysabel pero parang pinagtitripan na niya ako.Feel na feel ko na hindi nya ako bet. Kakayanin ko pa kaya ang ugali niya. Ang pang iinsulto niya sa akin. Tatawagin na tanga. Epal .. Ouch kaya. Wala ba siyang puso. Naawa talaga ako kanina kay Kuya Makoy kakahiya kaya yun. Di ko kayang makita na ginaganun siya porket isa siyang waiter. Ibang iba siya kay Sir Jake. Mabait naman yun pati si Sir Mark hindi sila ganun.
Siya lang talaga ang bukud tangi na ganyang ugali.

At sa rami ba naman na pwedeng makita ko sa coffee shop siya pa talaga.

Bakit ? Pang mayaman lang ba ang coffeeshop na yun.? Kahit mahirap ka as long as may pambayad ka why not db? Grabeh..

Hanggang kailan ko siya titiisin. Magkakawrinkles ako sa kanya.

Ringggggg!! Ringggggg!!

Unknown #

calling .......

Sino naman to? Sasagutin ko muna ang tawag bago ako baba sa sasakyan.

"Hello?"

"Hello. Hi Jenny si Jake to." si sir jake ...

"Oh Hi Sir Jake.. ikaw pala.."

"How are you ?"

"Okay lang ... How about you Sir?"

"Im okay kumusta ang kapatid ko dyan nagkita na ba kayo nag kakilala anways medyo may pag ka demonyita yang sister ko na yan ah pasensiyahan mo na." tama ka Sir Jake super bitch tong kapatid mo walang katulad.

"Yes Sir okay lang i can handle naman."

"Great. Ingat ka dyan Jenny .."

"Ikaw din Sir .."

"I miss you." palambing niya sa akin...

"Thank you Sir."

At nagpaalam na si Sir Jake.!Ipagdasal
mo talaga na matitiis ko pa ang kapatid mo ipagdasal mo na hindi ko siya papatulan.

Bababa na sana ako ng sasakyan ng biglang dumating ang sasakyan ni Ysabel. Nag park ito sa unahan. Hindi muna ako lumabas
hihintayin ko siyang makalabas at unang makapasok sa hotel..Mahirap na baka magkasabay pa kami.

Lumabas na siya ng sasakyan. Kakauwi lang pala niya simula nung magkita kami kanina sa coffeeshop.

Hindi ko talaga maiwasan mapatitig sa kanya .
Ang perfect talaga ng itsura minus ng lang ang ugali kaya siguro wala tong boyfriend walang mangahas na lumapit dahil sa pag uugali .

Nang makapasok na siya sa loob ng hotel . Lumabas na rin ako at sumunod na papasok sa hotel.

Nakita ko Ysabel na may kausap sa lobby ..Hindi ko siya pinansin alam kung nakatingin siya sa akin. Dumeretso na ako sa locker room at nilagay ang gamit ko pagkatapos pumunta na ako sa counter.

"Hi bakla good evening aga natin ah!" si Angel ..

"Hindi ako makatulog Gel. ewan ko ba baka apektado pa rin ako sa nangyari kaninang umaga.."

"Ay sus Jenny huwag mo na yung isipin wag mo na pansinin yang demonyita na yan.."

"Yeah .. ganyan na nga ang gagawin ko ayan pala siya oh kung makatingin dito akala mo mga kriminal ang nandito .."

"Hayaan nalang natin. Buti pa mag busy busyhan nalang tayo..."

Hindi nalang ako kumibo.

"Angelito padalhan mo ako ng redwine sa room ko at gusto ko ikaw ang maghatid Miss Jenny.."

Bigla akong napatingin sa kanya ...

"Ah Miss Ysa pwede naman po ako ang maghatid." offer ni Angel sa kanya

"No Gel ako na."

"Good... dalian mo." at tumalikod na siya papuntang elevator ..

"Bakla ako na ang kukuha ng wine sa bar ... "

At nagmadali ng pumunta si Angel sa bar .. at agad naman itong nakabalik..

"Ito na .. gusto mo samahan kita?"

"Im okay bakla... Hindi ako takot sa kanya.." kinuha ko ang wine at sumunod na sa kanya sa itaas ....

Pagdating ko sa unit nya agad akong nag doorbell.. Binuksan niya ang pinto ..

Hindi ako nagsalita ... Inabot ko sa kanya ang wine..

"Pasok ka muna ."

"No thank you.. may trabaho pa ako .."

"Oh wow nakalimutan mo yata Jenny na ako ang boss mo.. So .. susundin mo ang gusto ko.."

Pumasok nalang ako ayukong marami pa siyang sasabihin para matapos na ito.

"Ito nakapasok na ako what you want? Iinsultuhin mo na naman ba ako sige insultuhin mo na ako para makalabas na ako dito."

"Tapang.. I like that.. Umiinom ka ba?" tanong niya sa akin grrr hindi ko siya matingnan ng deretso. ano ba to ano bang trip ng babaeng ito..

"No .. thank you."

"Hindi.. gusto kung uminom ka samahan mo akong uminom.."

Sabay abot nya ng isang glass ng wine sa akin... ano bang magagawa ko kundi susundin siya ...

Inubos ko agad ito. Nakatayo lang siya sa may glasswall , nakatanaw sa labas habang ako nakaupo sa couch hindi ko alam kung san ko ibaling ang tingin ko..

Napansin kung lumalapit siya sa akin. Tumabi sa upoan ko at hinimas nya agad ang braso ko .. Up and down...Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa ginawa niya.. Hanggang sa ramdam ko na ang mabangong hininga niya sa tenga ko .. No .. Hindi ito maari... Agad akong nakatayu...

"Im sorry ... kailangan ko ng bumalik sa trabaho.."

Patakbo akong tinungo ang pintuan ng room niya at agad lumabas. Dumeretso ako sa comfortroom.. Hiningal ako ... Sheyt!!! Ano yun?! Tama nga kaya si Angel? pinagtitripan lang ako ni Ysabel .. ?

Kinalma ko nalang muna ang sarili ko bago ako bumalik sa counter ng lobby .... hayss!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys,

Please don't forget to click the star ... and comment guys.... thank you 💋😘♥️👍🏻

Love,

Miss A 💋

"My Lady Boss" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon