Chapter 17

18.5K 467 11
                                    




Jenny

"See you later !" text sa akin ni Ysabel .... okay .. sige .. maglalaro tayo Ysabel ...

"See you :* " - sent

Nag ayos agad ako pagkatapos kung maligo ... ayukong mag tagal kasi baka matraffic ako .. mahirap na ... ayukong ma late kaya... busy pa naman ngayon sa hotel ...

Agad akong umalis pagkatapos ....

Habang nagdadrive ako may naalala akong isang tao... Isang taong napa ka special ng buhay ko ... Parte siya ng nakaraan ko ... Pilit man akong magsinungaling sa sarili ko pero alam ko na minahal
ko siya ... minahal niya ako pero hindi lang talaga pwede ... hindi pwede .... sobrang mali .... tsaka hindi maman niya ako nagawang ipaglaban .. bigla lang siyang nawala .... at malalaman ko na lang na may ka relasyon na siyang iba ....

Huwag ko na nga lang siyang iisipin ... kasi wala na siya at alam kung nakalimutan na rin niya ako ...

Dumating na ako sa hotel ... Pumasok na ako sa loob deretso na ng counter ... agad kung nakita si Angel ... nakangiti ito abot tenga ...

"Hello bakla! Sus... kung sumama ka lang kagabi , siguro ngayon hindi ka na single! ang raming gwapo... left and right !"

"Busog na busog ka ganun?!"

"Uu naman....!"

"So ngayon hindi ka na single?!" pabiro ko sa kanya....

"Singel pa rin kasi kahit mga gwapo wala namn akong type!"

"Owwwss? Wala kang type oh walang may type sayo!"

"Halah grabeh siya oh!"

Natawa nalang ako sa naging reaction ni Angel ... Kawawang bakulaw....

"Jenny , may naghahanap pala sayo kagabi !" si Gemma ...

"Sino naman?!"

"Sorry hindi ko pwedeng banggitin pangalan niya.. kasi isa siya sa guest natin...ito nag iwan siya ng number .. e txt mo daw siya o tawagan ...!"

Agad kinuha ko ang papel na inabot sa akin ni Gemma....

"Halah guest ba kamo Gemma?! ay alam ko na yan .. kilalang kilala ko na yan!"

"Huh guest?!" napaisip tuloy ako ...

"Tawagan mo dali!" tugon sa akin ni Angel ....

"Mamaya nalang .. may trabaho pa tayo
oh!"

"Okay ikaw bahala!"

Nagsimula na akong magtrabaho.. naka focus lang ako sa harapan ng computer ... hindi naman ako maka focus ..

"Jenny .. sinabi niya rin pala na kung ayaw mo siyang tawagan .. puntahan mo lang siya sa room # 614 ! sige mauna na ako sa inyu!" at agad umalis si Gemma...

Room 614... agad kung cheneck ang room status ... Miss E lang ang nakalagay...

Ay naku! Dadagdag pa to sa problema ko ....

"Puntahan mo kaya?!"

"Pupuntahan ko talaga... saglit lang ako Angel!"

"Sure !"

Kinabahan ako lalo na yung room niya katabi pa talaga kay Ysabel ... Di kaya si Ysabel lang to ... Humanda ka sa akin pag ikaw to ..

Nakarating na ako sa 6th floor .... agad kung tinungo ang 614... bahala na nga.....

Agad akong nag doorbell....

Halos natameme ako sa nakita ko kung sino ang bumukas ng pinto ....

"Ch-chloe?!" tiningnan ko siya from head to foot ... nanaginip ba ako ...

"Hi !"

Agad akong tumalikod ... tumakbo ako papuntang elevator ... di ko kaya ... pero nahabol niya ako .. agad niya akong nahawakan sa braso ...

"Bitawan mo ako!"

"Jenny please mag usap tayo!"

"Not now so please !!"

Wala ng nagawa si Chloe kaya binitawan niya ako ... at agad naman akong nakasakay sa elevator ...

Dumeretso ako sa CR pagkababa ko ... Napahagulgul ako sa iyak... Hindi ko inasahan na magpapakita pa siya sa akin ulit ... Sheyt!! Sheyt!!!!

Nang makalma ko na ang sarili ko ... bumalik na ako sa counter ....

"Bakla are you okay!?!"

"Yeah .. sinipon lang ako!"

"Okay! So anung balita?!"

"Walang tao!" sagot ko kay Angel ... hindi ko siya matingnan .. mahahalata pa akong nag sisinungaling sa kanya ... Hindi ko lubos maisip kung bakit andito siya .. ano bang gusto niyang mangyari ... para siyang isang patay na bumangon sa hukay at ito apektado pa rin ako sa kanya.....

Breaktime ... ...

Nagpunta kami ni Angel sa resto para kumain .... Wala talaga ako sa wisyo .. sabaw na sabaw ... focus Jenny ano bha?!....

"Bakla okay ka lang ba talaga ?!"

Tumango lang ako ..... hindi na naman nangulit si bakla ....

Ilang sandali ay napatingin ako sa pumasok sa resto si Ysabel ..nagkatinginan kami .. ngumiti siya .. nginitian ko na rin siya ...

"Ayun lang ... close na kayo ganun? may pangiti ngitin na eh noh?!"

"Sira !"

May kinuha lang si Ysabel at agad naman siyang lumabas .... sinundan ko nalang siya ng tingin ...

"Pasulyap sulyap ka kunwari patingin tingin sa akin di maintindihan ... ang ibig mong sabihin kung merong pag ibig ay ipagtapat muna sa akin at agad ko naman itong sasagutin..!" pang aasar sa akin ni Angel ...

Napailing nalang ako .. wala talaga ako sa mood makipagbiruan sa kanya ....

At nang biglang pumasok si Chloe sa resto ... nagkatinginan kami ... lumakas ang kabog ng dibidb ko.. napansin naman ito ni Angel ... napalingon siya sa likoran kung sino ang tinitingnan ko ...

"OhMyGod bakla! Totoo ba tong nakita ko .. Ang isang El Grande ay andito sa hotel natin ?! Ang ganda pala talaga ni Miss Chloe! teka magkakilaa kayo?!!!"

"Nope!"

"Weee .. bakit ang lagkit ng tinginan nyo sa isat isa ... halah lah lah ... !!!"

"Bakla tapos na ako .. mauna na ako sa iyo.... !" ang bilis kung nakatayu ... at agad lumabas sa resto ...

At Sumunod naman agad si Angel sa akin.....



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys,

Please don't forget to click the star ... and comment guys.... thank you 💋😘♥️👍🏻

Love,

Miss A 💋

"My Lady Boss" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon