Chapter 20

19.7K 474 10
                                    




Ysabel

Sh*t!!! Sh*t!!! Sh*t!!!

Bakit ba sumulpot dito yang Chloe na yan .. panira sa mga plano ko ... Uggghh! Kakainis ... Ito namang si Jenny feeling close.. halatang halata!!

Ang landi talaga nakakaasar .... may pa akbay akbay pa... nang hinalikan siya ni Chloe gustong gusto naman ... landi talaga ... nabebweset ako ...

Kahit ano nalang position ko sa bed hindi ako makatulog ... Tiningnan ko ang oras mag 2am na .. Im sure nakauwi na si Jenny ... Puntahan ko kaya siya sa condo niya .... hmmm huwag baka mag assume yun na may gusto ako sa kanya ..

Hindi talaga ako makatulog kaya nagpasya akong bumaba ... dumeretso sa may pool ... open pa naman ang bar .. iinum ako hanggang sa antokin ako ....

Nakaupo na ako sa may counter ng bar ... may mga ilan ilan ding umiinom at napansin kung may naliligo sa pool ...

"Excuse me!?!" tawag ko sa isang waiter ...

"Yes Miss Ysabel?!"

"Open pa ba ngayon ang pool?! Akala ko ba hanggang 12am lang?!" usisa ko sa waiter ...

"Ah Opo close na po ang pool pero si Miss Jenny po yan .. Sabi kasi ni Sir Jake na pwede siyang gumamit ng pool anytime po!"

Nabigla ako sa naring ko ... wow!! VIP... Si Jenny pala ang naliligo ...

Tiningnan ko lang siyang pabalik pabalik ng langoy... Hindi pa pala umuuwi ang babaeng ito...

Hanggang umahon siya sa pool ...

OhMy!! napa nganga ako sa nakita ko ... tiningnan ko siya mula ulo ang hanggang paa... sino naman ang hindi makakatingin sa kanya ... ang sexy ni Jenny.. sobrang hot ... kaya pala maraming naghahabol sa babaeng ito .. ma lalaki man o babae ...

Kinuha niya ang towel sa may upoan at nagpunas ito ... Sabay inum sa isang glass of wine ...

Hindi nya ako napapansin ... Hindi niya alam na andito pala ako sa bar at nakatingin lang sa kanya... Sh*t nag iba ang pakiramdam ko ... Nag iinit ang buong katawan ko .. wanna fvck her !!

"Look?! db yan ang isang f.o dito sa hotel? She's gorgeous right?!" sabi ng isang babae sa likoran ko ...

"Yes she's perfect!" sagot naman ng kasama niyang lalaki...

Hindi ko alam anu ang nararamdaman ko ngayon... Gusto ko siyang lapitan... pero pinipigilan ako ng mga paa ko ..

Nang mapansin kung papasok si Jenny sa loob ng bar bigla akong kinabahan ... ano ba tong na fefeel ko...

At nakita na niya ako ....

"O-Owh Jenny?! you're still here ?!" nauutal pa talaga ako .. God Ysabel firstime mong nagkaganito ano bha?!"

"Obvious naman siguro na andito pa ako!" pilosop nyang sagot ...

Hindi ko alam kung ano ang erereact ko ....

"Hi Miss ? Pwede po bang mag pa picture?!" lapit sa babae kay Jenny ..

"Oh sure !"

"Oh thank you!"

At nagpicture sila ... Para akong tanga dito na nakatitig lang kay Jenny ... ang mga ngiti niya... Teka nga ano ba ang nangyayari sa akin...

"Miss Ysabel ... Enjoy your night! I have to go na .. Goodnight!" sambit sa akin ni Jenny..

At agad siyang lumabas sa bar deretso na sa parking area ...

Hindi na ako nakatiis... Hinabol ko siya ....

"Je-jenny wait!!" agad nahawakan ko ang braso niya...

"Yes?!"

"Yung nangyari kanina ? Yung kay Chloe?!"

"Yeah i got it Miss Ysabel .. guest siya at empleyado ako dito sa hotel pero kaibigan ko yung tao ayukong makita siyang nag gaganon kakahiya. Hindi sanay uminom yun!"

"Ah so magkaibigan nga kayo! Kaya pala may pahalik halik pa sa pisngi at pa akbay akbay huh Jenny?!"

"Wait Miss Ysabel !! Teka nga lang, nagseselos ba kayo?!"

"Huh? What? Why should i?!"

"Wala lang ... halatang halata ka kasi! Anyways, i really have to go na .. Goodnight Miss!!" agad siyang tumalikod at sumakay na sa sasakyan niya ...

Napahawak nalang ako sa noo ko... Wala akong nagawa ? Si Ysabel Dela Costa walang nagawa sa isang babae ?! Bullsh*t!!!

~~~~~~~~~~~

"Inlove kana sa kanya?! Hindi na laro yan Ysabel!" si Paris sa kabilang line..

"What? Ako ma iinlove?! No way!!!"

"Oh really? really huh?! Ikaw ata ang tanga baby eh.. alam mo bang nakakatanga pag inlove?!"

"Hindi ako inlove at lalong hindi ako inlove sa Jenny na yun!!" tugon ko kay Paris

"O sige nga?! Bakit ka nagseselos sa Chloe na yan?! Wag ka na mag deny!"

"Sino b nagsabi sayo na nagseselos ako sa kanya? Wala akong pakialam sa kanilang dalawa noh?!"

"Okay sabi mo yan ah! Sabi mo yan hindi ko yan kakalimutan baby!"

"Duh!!! "

"Sige na .. ill call you later pag out na ako .. papasok na ako sa airport now ! Matulog ka na dyan ! Goodnight baby ..!"

"Okay! Take care!"

At binaba ko na ang phone... humiga na ko sa bed ko mag uumaga na rin kasi ... hanggang sa nakatulog na ako ...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi guys,

Please don't forget to click the star ... and comment guys.... thank you 💋😘♥️👍🏻

Love,

Miss A 💋

"My Lady Boss" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon