HYSTG Booksigning

12.5K 206 8
                                    

August 24, 2013 naganap ang booksigning ni Ate Denny ng DnP Book. At dahil isa ako sa mga adik na readers nito ay nagpunta ako.

So here it goes ..

2pm ang booksigning ni Ate Denny kaya ang balak ko talaga ay pumunta ng 1pm, pero umaga pa lang ay nagulantang na ako dahil sa text ng aking kaibigan na hindi daw nya ako masasamahan, cryinglalu naman ang peg ko, dahil una sa lahat ignorante ako, never pa akong nakapasok ng Trinoma in my 19 years living, hanggang sight lang ako sa labas, so yun nga, idagdag pa ang text sakin ni sis Jobel, meron pa daw registration yun, kaya lalo akong nag worried, nagtatalo pa nga ang isip ko kung pupunta o hindi, but in the end, nagpunta na din ako all by myself.

Mga 12 siguro ng umalis ako, sumakay ako ng jeep papuntang Trinoma, bahala na si Batman, sabi ko .. Sa awa ng uod eh nakarating naman ako ng matiwasay, pagbaba ng jeep ay nagtanong agad ako sa kasabay kong bumaba din sa Trinoma.

"Ate familiar ka ba sa Trinoma?" tanong ko pa kay Ate.

"Mejo .." sagot nya habang naglalakad. Yan tayo eh!

"Alam mo ba yung NBS sa loob kung san banda yun?" tanong ko ulit.

"Ahh hanapin mo yung chowking malapit na dun yun." this time huminto naman sya.

"Saan po ba yung entrance nyan?" final question ko. Tinuro ko pa yung building ng Trinoma.

"Deretsuhin mo yang way na yan," tinuro nya yung path na may bubong "Tapos akyat ka ng escalator, hanapin mo yung chowking, malapit na yun." mahal ko na talaga si Ate! Dahil ang galing nya!

Sinunod ko yung sinabi nya kaya naman pag akyat pa lang ng escalator ginala ko na agad ang mata ko sa Chowking na word. Mejo malayo na ang nalakad ko kaya naman nagtanong ulit ako kay Manong Guard.

"Kuya! Saan po ba ang NBS dito?" tinuro nya naman yung isang way kaya sinunod ko.

Hindi pa ako nakakalayo kay Manong Guard ay may pumigil sakin maglakad. Nagulat ako kaya naman napalingon ako.

"Excuse me where school you from?" di ko alam ang exact na sinabi nung girl basta english eh! At dahil bobo ako sa english. Napa 'huh' na lang ako. Ikaw ba naman eh pigilan ng isang inglisera sa gitna ng pagte-treasure hunt mo, sinong di mabibigla?!

"I mean, nag aaral ka pa?" slang syang magsalita. At first akala yung mga taong namimigay ng flyers, tapos chichismisin ka. Pero nung umiling ako, dun na sya nasimulang maging emosyonal.

"I'm from MCU, and i go to here coz this is where I bla bla bla bla ..." di ko keri yung english nya kaya na nose bleed aketch! De joke lang! Basta ang naintindihan ko eh, galing sya ng school, at nanakawan sya, at ang gusto lang nya ay ang makauwi sa kanila papuntang Bulacan.

Mabait naman akong tao. So nag offer ako na tawagan namin yung relatives nya, nagtanong ako ng number ng family nya, pero wala daw, kasi wala din daw yung cp nya, grounded daw sya for a week dahil may binagsak daw syang subject.

Right at that moment namroblema na din ako! Gusto ko syang tulungan kaso paano?

Napansin siguro nya na nagdadalawang isip ako dahil nanahimik na ko kaya umiyak na naman sya, "All i want is to go home. Kanina pa ako dito. And I'm so afraid. I ask the guard pero wala na daw silang magagawa dahil uso daw yun dito." at syempre naawa naman ako sa kanya, pati sa sarili ko, dahil super late na ako magwa-1 na kaya!

"Kung ok lang sayo may pupuntahan lang ako tapos isasabay na kitang umuwi?" suggest ko dahil uuwi din naman ako ng Bulacan after the booksign.

"All i want is to go home." umiiyak na sagot nya tapos tinanong nya kung ilang oras daw ba ako dun. Sabi ko two. Pero mukhang ayaw nya. Kaya nag decide na lang ako.

Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon