Tumblr Story

28.6K 431 38
                                    

Sa tumblr ko sya naka post pero na ipost ko na din sya dito sa wattpad. At muling nagbabalik. My Gay Lover. (di naman halata na mahilig ako sa bakla no?!) HAHA :))

Life is full of mistakes ..

Hay nakakapagod.

Salamat naman at natapos din ang duty ko simula 5 pm to 5 am ng umaga.

Isa akong nurse na nakabase dito sa Canada.

Naglakad lang ako dahil walking distance lang naman ang tinutuluyan ko.

After a minute nakarating din ako sa building. Sa 10th floor ang tinutuluyan ko. Pagkadating ko sa pinto medyo kinabahan pa ko, ewan ko ba basta bigla na lang akong na bad vibes.

Pagkabukas ko ...

Eto pala yun...

Nakita ko si Dennis na nakikipaghalikan kay Gary. Wala na silang mga t-shirt at mukhang pants naman ang susunod nilang aalisin.

"Vanessa !" o ayan sige magulat ka. Si Dennis sabay layo kay Gary.

Tumingin lang sakin si Gary na parang nagsasabing 'bitin'

Langyang to sarap sabunutan. Eh boyfriend ko yang kalandian nya eh.

Yup. Dennis is my boyfriend.

Ang lecheng gago kong boyfriend. Ke landi landi.

Lumapit ako sa kanila at nag iinit na ang ulo ko.

Tinanggal ko nga ang pagkakapulupot ng braso nitong gagang Gary nato sa malandi kong boyfriend. Nang matanggal ko e isa isa kong pinulot ang t-shirt, scarfs at jacket ni Gary. Sabay salaksak sa kanya. Yung may force para ramdam nya yung pagmamahal.

Leche pag ganitong pagod ako tapos sasabay pa silang maglandian e talaga namang aakyat ang dugo ko sa ulo.

"Take your clothes on and LEAVE" asar kong sabi sa kanya. Sabay irap .. Tusukin ko pa mata mo e. Wag mo sabihing gray ang mata mo.

"You. We will talk" sabi ko naman kay Dennis with matching papatayin-kita-look. Umayos ayos kang lalaki ka mapapatay talaga kita.

Random StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon