Nako! Totoo ba ang nakikita ko?
---
Ako nga pala si Simone, Simone Andres P. Carlos, 18 na ako, at hindi ako makamove-on sa break-up namin ni Daniella. Pero sa bagay wala namang forever, bakit ko pa pipilitin ang sarili kong mahalin siya muli, kung masaya na siya...
----
"Pre! Musta na?", tawag ni Pio."Ok lang pre, ikaw?", sabi ni Simone. "Ok rin, musta na kayo ni Daniella? Kayo pa ba rin? Parang matagal ko nang hindi ko kayo nakikitang magkasama, Ano nangyare pre?", napatingin si Simone sa sahig at agad na tumingin kay Pio at sinabing "Pre, break na kami. Sabi niya kasi na may kasama akong babae noon. Eh yung babaeng yun, ako tutor teacher niya at pinsan niya ako, eh hindi pa alam ni Daniella. Nagselos siya at nagbreak kami, hindi ko na sinabi ang rason kasi alam ko na hindi niya maiintindihan at hindi siya agad maniniwala", sabi ni Pio "Ganun lang naman pala eh, dapat sinabi mo na ang rason mo kasi alam ko na maiintindihan niya. Tara na pre, malapit na mag ring yung bell , room 101 ka ba pre?", sabi ni Simone "Oo pre! Room 101 tara na".Umupo sina Pio at Simone sa pinakalikod ng klase. At nag-intay ng mga ilang minuto bago dumating ang professor nila. "Pre, daming chics oh, ligawan mo kaya sila? Sa bagay break na kayo ng girlfriend mo, kailangan mo na magmove-on", sabi ni Simone "Ayoko pa pre, alam ko na babalikan niya ako. Alam ko na may pag-asa pa ako", sabi ni Pio "Pre naman, alam mo namang break na kayo, WALANG FOREVER! Kaya mag hanap ka na ng bago diyan. Huwag ka nang umasa nang umasa dahil sa huli sisisi ka at umasa ka lang sa kanya. You wasted your time pre!", napatulala nalang si Simone at dumating na ang professor nila, nag pakilala ang professor nila at nag simula na ang pagpapakilala, pero laking gulat ni Simone nung sinabi ng professor niya ang unang pangalan... "Ms. Daniella Marie R. Alonzo", biglang hinila ni Pio si Simone at sinabi "Nako pre! Kaklase natin girlfriend mo! Paano na mamaya? Baka makilala ka pa niya na ikaw ang Past life niya.", naptingin nalang si Simone kay Daniella habang nagsasalita at sinabi "Naan dyan pa ang kagandahan niya, ang katalinuhan niya, mahal ko pa rin siya at hindi ako titigil sa kakamahal sa kanya", at nung lalake naman at tapos na ang mga 4 na lalake na tinawag ni Professor Marc, tinawag ni Professor Marc si Simone, "Okay! Now where is Mr. Simone Andres P. Carlos?", tumayo nalang si Simone agad at pumunta sa harapan at nagpakilala, at nabigla siya nung sinabi ng Professor na "Sa kagwapuhan mong ganyan, may girlfriend ka na ba?", nanahimik si Simone nang onti at sinabi kay prof ang lahat, pero hindi niya sinabi ang rason kung bakit, baka kasi marinig ni Daniella ang rason. Pinaupo na si Simone at napatulala nalang sa board hanggang matapos ang klase nila.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Kahit Walang Forever
Teen FictionSinasabi nila na walang forever, bitter noh? Pero papatunayan ba ni Daniella na may forever nga? Ito ang storya kung saan may nasasaktan, nagmamahalan, umaasa, umiibig at inaasahan na may forever. Ang istorya nina Daniella, Simone, Bella, Matt at F...