"Hello I am your NIGHTMARE"

7 0 0
                                    

Nung tapos na ang klase. Naglakad sina Faith at Daniella papunta sa susunod nilang klase, nagkita ulit sila nila Simone at Pio. Pumasok na sila sa klase at pumwesto sa pinakalikod kasama sina Simone at Pio.

"Simone, kilala mo ba si Bella?", tanong ni Daniella kay Simone. "Sinong Bella? Wala akong Bella na nakilala dito sa school , simula nung high school", sabi ni Simone. Tumingin nalang si Daniella sa pintuan at nakita niya si Bella na pumasok, kasama yung 2 babaeng kasama niya, sina Janine at Chloe. Umupo sila sa harapan nila Daniella at Simone. Nagsimula na ang klase. Nahulog ang bolpen ni Bella at sabi ni Bella kay Simone "Uhm, Dear, pakuha nga ng bolpen ko, hindi ko maabot eh", kinuha nalang ni Simone yung bolpen at binigay kay Bella, nag flying kiss si Bella kay Simone bilang isang pasasalamat. Sabi ni Daniella kay Simone "Simone, ako lang naman mamahalin mo diba?", sabi ni Simone "Oo Babe! Ikaw lang, mahal na mahal kita", sabay hinalikan ako ni Simone sa noo.
---
(Bella's POV)
May ganunan pa siya kay Simone! At sila na?! Lintek yang babaeng yan! WALA NAMAN KASING FOREVER! 😡
---
"Okay Class! We are having a partner project! Kapag sinabi ko pangalan ng isang lalake at isang babae, kayo kapartner, OKAY? okay!", sabi ni Prof. "Pero sana kami ni Simone ang magkapartner", sabi ni Daniella kay Faith. "Sana nga! Imbis dun sa sinasabi mong babae, mamaya landian pa niya boyfriend mo", sabi ni Faith kay Daniella. Magsisimula na si Prof . pumili, "Faith... At si... Piolo", pagtingin ko kay Faith , tuwang tuwa siya. Pipili ulit si prof. "Hmm... Si Daniella at si... Simone", tuwang tuwa si Daniella at Simone pero... "Ay dali lang... Si Daniella at si Ryan", sabi ni prof. "Si Simone naman... kay Bella".
---
(Daniella's POV)
Halah! Magkapartner sina Simone at Bella, maganda na sana yung kanina pero pinalitan. Jusko! Pero sana maayos naman si Ryan sa project.
---
(Simone's POV)
Nako! Magseselos si Daniella, ayoko nanaman maulit ang nangyare dati. Ayoko ulit na magbreak kami. Bakit pa kasi iba ang naging ka partner ko.
---
(Bella's POV)
AYUN! Now I will take advantages on Simone, and he will be mine! Ewan ko nalang kay Daniella, magbebreak naman rin sila ni Simone 😠.
---
"Class Dimissed", sabi ni prof. . Bago ako makipagsalita kay Simone, sumiksik si Bella at sinabi "Simone, Dear, sa bahay ko nalang tayo gumawa ng project natin", sabi ni Simone "Oh... Sige", napilitang sabi ni Simone. Sumama ang tingin ni Daniella kay Bella at sinabi " Bella, siguraduhin mo na pag-uwi ni Simone, dapat maayos pa siya!", at sabay tingin sakin ni Bella at sinabi "OFCOURSE Dear! Hindi ko siya LALANDIAN, katulad mo, ang landi landi mo, pero wala ka naman sa kagandahan! HMPH!", tumalikod sakin si Bella at lumakad palayo kasama sina Chloe at Janine. "Daniella, okay ka lang?", pagtingin ni Daniella, si Ryan pala yun. "Okay lang ako Ryan", sabi ko kay Ryan. "Alam mo ba ang tapang mo", sabi ni Ryan sa akin."Oo nga! Tapang mo Daniella", sabay na sinabi nila Faith at Pio.
"Sorry Daniella...", sabi ni Simone "Sorry kung nag-away kayo ni Bella dahil lang sa akin", tas sabi ni Daniella "Hindi, ok lang yun, wala kang ginawang masama 😌", sabay hinalikan ni Daniella si Simone sa pisngi.

Mahal Kita, Kahit Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon