Ayun recess na! Pero nanginginig pa rin ako at bigla akong hinawakan ni Faith "Teh ok ka lang?", sabi ko "Oo, ok lang ako...", sabi ni Faith "Eh bat ka nanginginig at parang namomroblema ka, may problema ba? Hmm... Baka si Simone ang iniisip mo, kausapin mo kaya! Ayun siya oh! Kasama si... OMG ang gwapo ng kasama niya!!! Daniella kilala mo ba yung kasama niya?", tumingin ako sa kanila at sinabi "Hmm... Si Pio, Nako ayan ka nanaman sa mga lalake Faith!".
Pero totoo nga ba na mag-pinsan lang ba sila ng babaeng kasama niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Maiintindihan ko naman yun... Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?
Hinawakan ko ang kamay ni Faith at sinabi ko "Faith tara kausapin natin sila", pumayag si Faith at kinikilig siya. Noong naglalakad kami palapit kay Simone at Pio, sinabi ko "Simone...", at tumingin si Simone sa akin at sinabi niya "Daniella...", sabay umupo ako sa harapan niya at umupo si Faith sa harapan ni Pio. Sabi ni Faith kay Pio, "Hi ! Ako nga pala si Faith", at sabi ni Pio "Hello, ako naman si Pio", at may binulong si Faith kay Pio at sabi ni Faith sa akin "Daniella, mauna na kami ni Pio, may ipapasa pala kami na letter kay Prof.", sabi ko "Ah sige, Faith magkita nalang tayo sa hallway", pumayag si Faith at umalis na kasama si Pio, at biglang nagsalita si Simone "Daniella... Mahal pa rin kita, hindi ko lang sinabi sa iyo ang rason kasi baka hindi ka maniwala agad sa akin", at hinawakan ko ang kamay ni Simone at sinabi "Simone, mahal rin kita... Dapat sinabi mo na sa akin ang rason mo, maiinitindihan ko naman yun eh. Maiintindihan ko na pinsan mo pala yung kasama mo sa Mcdo", bigla nalang ako umiyak. Pinunas ni Simone ang mga luha ko at sinabi "Daniella, give me a chance... Mahal pa rin kita, Daniella will you be my Girlfriend again?", nag-isip ako nang malalim at sinabi ko "Yes! Simone, mahal na mahal kita 💗", niyakap ko agad si Simone pero pagtingin ko sa may likod ng poste, ay isang babaeng masama ang tingin sa akin, may kasama siyang 2 babae pero binalewala ko nalang dahil nasa piling ko na ulit si Simone at kami na ulit. May pag-asa nga pero kasama na ba dito ang forever?
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Kahit Walang Forever
Genç KurguSinasabi nila na walang forever, bitter noh? Pero papatunayan ba ni Daniella na may forever nga? Ito ang storya kung saan may nasasaktan, nagmamahalan, umaasa, umiibig at inaasahan na may forever. Ang istorya nina Daniella, Simone, Bella, Matt at F...