(Daniella's POV)
Kami na ulit ng ex ko, si Simone. Pero sino kaya ang babaeng nakatingin sa amin ni Simone kanina? Binalewala ko nalang kasi baka iba ang tinitignan.
---
(Bella's POV)
AT SINO ANG BABAENG KAYAKAP NI SIMONE? Alam ko na ako lang! AKO LANG! Ang makakakuha ng puso ni Simone! Humanda ang babaeng yun!-BELL RING-
"Sige Simone, mamaya nalang, kita tayo dito", sabi ko kay Simone. "Sige... Babe", sabi ni Simone sa akin na naka ngiti. Namula ako dahil sa kilig. Pumunta si Daniella sa hallway para hanapin si Faith, at nakita niya si Faith kasama si Pio, magkahawak ng kamay 😱😁. "Faith!", tawag niya kay Faith. Nagpaalam si Faith kay Pio at tumakbo papunta kay Daniella si Faith, tuwang tuwa at sinabi "Daniella! Daniella! KAMI NA NI PIO!!!", nagulat si Daniella at sinabi "Nako! Hahaha, sabi na nga ba magiging kayo na eh hahaha", sunod pumasok na kami sa klase namin.
Umupo ako sa tabi ng bintana kasama si Faith, at dumating na ang Professor namin. Matanda ang professor namin at babae. "Magandang umaga sa inyo! Ako ang professor niyo sa Home Economics. Ako si Gng. Rosalie G. Perez, tawagin niyo akong Mam Perez", sabi ng prof. namin at sabi niya magpakilala ang klase, pero si Daniella naman ang pangalawa, hindi niya kilala kung sino ang una. "Bella Mae C. Guevarra?", tumayo ang unang tinawag ng prof. at sinabi ni Daniella kay Faith "Faith, yung babaeng iyan, nakatingin sa amin ni Simone kanina, mukhang ang sama ng tingin", tumingin si Faith kay Daniella at sinabi " Daniella baka nagseselos? Alam mo naman ang ibang babae ngayon". Nagsalita bigla si Bella "Ako nga pala si Bella Mae C. Guevarra, 17 na ako, marami akong talento, at Richkid...". Hinawakan ni Faith si Daniella sa braso at binulong sa kanya "Tarantado yang babaeng iyan ah, akala kung sino ang kausap, porket mayaman ganun agad?! Wow! Maldita of the year!", at sinabi ni Daniella "Faith tama na, alam ko na naiinis ka sa mukha niya pero ganyan siya, pabayaan mo na". Biglang tinawag ni Prof. si Daniella para mag pakilala. Noong nagpapakilala si Daniella, nakatingin siya kay Faith, sunod naman kay Bella, kitang kita niya na ang sama ng tingin ni Bella sa kanya. Pero tinuloy nalang ni Daniella ang pagpapakilala niya. Hanggang matapos ang klase nag-intay nalang si Daniella
---
(Daniella's POV)
Bakit naman magseselos yung babaeng yun? Bella ba yun? Eh hindi naman sila ni Simone, at alam ko ako lang minamahal ni Simone.
---
(Bella's POV)
Tsus! Masmaganda ako sa Daniella na iyon! Akala niya kung sino maganda! Mapapasaakin rin si Simone, intay lang Daniella, tatadtarin kita pababa, kasama yang Bestfriend mong maldita!--------
Hey guys! Mukhang nag-iinit na nga ang storya! Please Vote 😁👍. Tatapusin ko ang part 8-10 mamaya. Enjoy reading ! 😁
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Kahit Walang Forever
Teen FictionSinasabi nila na walang forever, bitter noh? Pero papatunayan ba ni Daniella na may forever nga? Ito ang storya kung saan may nasasaktan, nagmamahalan, umaasa, umiibig at inaasahan na may forever. Ang istorya nina Daniella, Simone, Bella, Matt at F...