(Faith's POV)
Omg kasama ko siya! Ang gwapo niya at matalino pa! Ano kaya full name niya?
----
Naglalakad sina Faith at Pio sa hallway. "Pio, ano full name mo?", sabi no Faith. "Piolo James DJ. Lopez", sabi ni Pio. "Wow ganda ng pangalan mo, hehehe. May GF ka na ba?", tanong ni Faith. Nagulat si Pio at sinabi "ANO?", namula si Faith at sinabi "Ah... Wala wala hahahaha".
---
(Faith's POV)
Nakakahiya kapag nag first move ako... Pero may Girlfriend nga ba siya? Kung wala, sana ako nalang maging girlfriend niya 😍.
---
(Pio's POV)
Ang ganda ni Faith, kung single lang siya, liligawan ko na siya. Pero kinilig ako nung tinanong sa akin ni Faith kung may GF ako, nag kungwari nalang ako na mali ang pagkarinig ko dahil mahiyain ako kapag nagpapakilala ako sa tao lalo na sa babae.
---
"Pio, tara tambay muna tayo sa garden", sabi ni Faith. Pumunta sina Faith at Pio sa garden at umupo sila sa bench. Nagtanong si Pio kay Faith "Faith, naniniwala ka ba na may forever?", napatingin si Faith kay Pio at namula "Uhm, medyo... Kasi paminsan ang pag-ibig walang katapusan pero lahat ng bagay ay natatapos, bakit mo na tanong?". Tumingin si Pio sa mata ni Faith at sinabi "Kasi... Parang nakikita ko na ang forever ko", nagulat si Faith sa sinabi ni Pio at tinanong niya kay Pio "Pio, m-may gusto k-ka sa akin?", tumayo si Pio at kumuha ng bulaklak sa may tabi at sinabi "Oo Faith, may gusto ako sa iyo, simula nung nagpakilala ka sa harapan ng klase, nakatulala ako sa iyo dahil ang ganda mo. Faith pwede ba kitang ligawan?", kinilig bigla si Faith at sinabi "Pio, may gusto rin ako sa iyo! At oo pwede mo akong ligawan!", nilagay ni Pio ang bulaklak sa tabi ng buhok ni Faith at sinabi "Faith, tayo na ba?", at sabi ni Faith "Oo! Oo Pio! Tayo na! 💟", biglang niyakap ni Faith si Pio.
---
(Faith's POV)
Yes! Kami na! Kinikilig ako kay Pio! Ang gwapo niya! Sana hindi niya ako lokohin... Di katulad nung niloko ako ng ex ko... Dati.
---
(Pio's POV)
Kami na ni Faith! Sa wakas hehe... Nahiya ako dati, pero naging kami pala, mukhang mag pag-asa nga paminsan ang PAG-IBIG!
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Kahit Walang Forever
Teen FictionSinasabi nila na walang forever, bitter noh? Pero papatunayan ba ni Daniella na may forever nga? Ito ang storya kung saan may nasasaktan, nagmamahalan, umaasa, umiibig at inaasahan na may forever. Ang istorya nina Daniella, Simone, Bella, Matt at F...