Pagpapakilala

10 0 0
                                    

"Kinakabahan ako Faith! Ako pa naman una." Sabi ko kay Faith. "Okay lang yan GURL! Kaya mo yan, sisiw lang yan!" Sabi ni Faith at biglang tumawa. "Ok class, lets start with the beautiful ladies!", nanginig ako bigla kasi alam ko na una ako sa mga babae... "Where is Ms. Daniella Marie R. Alonzo?", tinaas ko ang aking kamay at sinabi "I am right here professor.", tumayo ako at pumunta sa harapan at sabi ni prof. "Okay Ms. Alonzo! You may start." At nag simula na ako "Hi everyone! My name is Daniella Marie R. Alonzo. I am 17 years old and I live in Cubao", at sabi ni professor "So tell me Ms. Alonzo, what are your favorites?", nagsalita ako "My favorite colors are Red, Blue, Black and White. My favorite foods are Seafoods, Burger, French fries and more. My favorite pet is a dog.", at nagsalita ulit si prof. "Wow! So you are a dog lover... Okay so tell us... What's your quote?", at nag-isip ako nang mabuti at pumasok ang isang mahiwagang quote na gawa ko at nagsalita ako "Okay... My quote is, 'Life could be hard, but with Love and Sacrifice, you seek the answer. You only live once do it all but later on you are in the hands of forever' that's all prof.", tumingin ako kay prof. At sinabi niya "Wow Ms. Alonzo, what a great quote you have!", nagpasalamat ako kay Professor Marc at dumiretso na ako sa upuan ko.

Nung natapos na lahat ang mga babae at nasa lalake na, nung pang-limang lalake na, nakinig na ako nang mabuti dahil kanina akong nakatulala at tawag ni prof. "Okay! Now where is Mr. Simone Andres P. Carlos?", nagulat ako nung sinabi ni Professor Marc yun, kinalabit ako ni Faith at sinabi niya na "Nako! Daniella kaklase natin yung Ex mo!", at sabi ko kay Faith "Faith... Pabayaan mo... Baka hindi na niya ako kilala kasi matagal na at baka nakapagmove-on na yun sa akin dahil may iba na siya.", at sabi ni Faith "Teh alam ko na mahal mo siya at naniniwala ka na may forever. Pero wala eh, lahat ng bagay ay nasisira, lahat ng bagay ay may katapusan.", natulala nalang ako bigla nung sinabi yun ni Faith. At sabi ni Prof. "Okay, Mr. Carlos sa kagwapuhan mong ganyan, may girlfriend ka na ba?", nawalan nalang ako ng gana nung narinig ko yun, gusto ko magtago 😱.
Sabi ni Simone "Opo prof... 1 nga lang po... Pero bigla nalang po kami nag break kasi po sabi niya po na nahuli ako na may kasamang babae, which is pinsan ko. Pero hindi ko na po nasabi sa kanya dahil po alam ko po na hindi siya maniniwala.", biglang humigpit ang paghinga ko. Tumingin ako kay Faith , pero nagsusulat siya. Sana matapos na itong klaseng toh.


--------
Hi guys! Sana magustuhan niyo ang story. Iuupdate ko na bukas ang chapter 4 kasi Gabi na at inaantok na ako. Hehe, Goodnight 😂😘

Mahal Kita, Kahit Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon